Alexandra’s POV
I’m 5’ flat. Yes I’m small. Pero kaya kong makipagsabayan sa mga lalaki sa paglalaro ng basketball. Dahil yan sa best friend ko; si Tristan. Magkaibigan na kami mula pa pagkabata. Magkapit-bahay lang naman kasi kami.
Kapag naglalaro kami, siya lagi ang nasusunod. Pag di kasi siya nasunod, nagtatampo kaya napipilitan akong laruin ang mga larong gusto niya. Basketball, sepak, maski pag iiskateboard, natutunan ko na rin. Lahat yan ay dahil kay Tristan.
Mahilig ako sa color pink. NOON. Pero ang sabi kasi ni Tristan, ang pangit daw ng kulay na yon. Nakakadiri daw at baduy. Ang maganda daw, color blue. O kaya naman pula. Yung mapulang mapula. Kaya ayon, yun na rin ang naging favorite color ko.
Yes, I look up to him. A LOT. Siya kasi ang hero ko. Siya ang nagligtas ng buhay ko. I was seven at that time. Naglalaro akong mag-isa sa kalsada. Di ko napansin, may rumaragasang jeep palang dadaan. Buti na lang, itinulak ako ni Tristan. Ayan tuloy, siya pa ang nasugatan. Malaki ang naging sugat niya. At hanggang ngayon, makikita mo yon sa braso niya. Kapag nakikita ko yon, lagi kong naaalalang malaki ang pagkaka-utang ko sa kanya.
Ayon, para makabayad, ginawa niya kong best friend niya.
Ang barkada niya, naging barkada ko rin. Ang mga laban nila, naging laban ko rin. Instead of having a blog, nagdodota ako kasama sila. Instead of make-ups, I bought my own skateboard.
Madalas akong napagkakamalang tomboy. Ang ikli na nga kasi ng buhok ko, mukha na rin kasi akong lalaki kung manamit. Iyon ang gusto ni Tristan ehh…
Nagpalda ako once. Kaso sabi niya, ang korni daw. Magpalit daw ako ng jersey shorts. Ginawa ko naman. Tapos, wala rin akong blouse sa wardrobe ko. Puro T-shirts lahat.
“Anak? Yung totoo? Tomboy ka ba?”
Madalas yang tinatanong sakin ng nanay ko.
“Nay, hindi po ahh!”
Yan na lang ang nasasabi ko.
Minsan, pagtumitingin ako sa salamin, napapa-isip rin ako. Ganito ba talaga ang itsura ng tomboy? Porket ba di ako cute katulad ng ibang babae, tomboy na agad ako? Porke ba, di ako mahilig sa gwapong KPOPers, lalaki na agad ako? Porke ba di ako tumitili sa ipis??? Eh sa ganito na ang nakasanayan ko ehh…
Saka may crush ako no! LALAKI ahh! Kaya pano ako magiging tomboy?
-----------------
“Good work team!” sigaw ng coach nila. Nanalo na naman sila sa Baranggay Basketball league dito sa amin.
“Tara Tristan! Sama ka samin! Celebrate naman tayo!”
“Inuman na naman? Adik pre. Gabi na. Hahatid ko pa pauwi tong si Alex,” sabay akbay sakin.
“Asus! Isama mo na lang yan kung gusto mo!” kantyaw nila.
“Ito? Paiinumin niyo! Nako di pwede no!”
“Ayieeeee. Tristan ahh. Ano yan?”
“Wala akong bodyguard pauwi pag nagkataon,” hinawakan niya ang magkabilang pisngi ko at pinisil ito. “Di ba no??” sabi niya na may halong panggigigil.
“Aray ko naman!” sabay tapik sa mga kamay niya.
Muli niya kong inakbayan. “Sige mga tol. Uwi na kami.”
“Babye Alex. Babye Tristan,” sabay-sabay nilang sabi.
Madilim na ang daan namin pauwi at tanging kakauting lamppost lang ang makikita mo sa daan. Nauuna siyang maglakad. Habang ako, nasa likod at dala-dala ang mga gamit niya. Nakuyuko ako habang naglalakad kaya di ko napansing tumigil pala siya. Nabangga tuloy ako sa likod niya. >_<

BINABASA MO ANG
Being One of the Boys [One-Shot]
Teen FictionMay isang bagay sa mundo na di ko kailanman maiintindihan. Iyon ay kung paano mag-isip ang mga babae. Bakit ba sila laging nagpapaganda? Nakakabawas ba yon sa pagkatao nila? Di naman eh. Bakit pag nandiyan si crush, di nila kinikibo, pero pag umalis...