He...

854 38 5
                                    

Tristan’s POV

Nainlove ako sa babaeng kapit-bahay namin na laging naglalaro ng Barbie doll niya nang nag-iisa sa kalsada. Isang araw, habang naglalaro siya ay may rumaragasang jeep ang muntikan nang kumitil sa buhay niya. Buti na lang at nandon ako at natulak ko siya.

Mula non, araw-araw siyang pumupunta sa bahay namin at nagpapasalamat sakin. Nakaka-irita nga ehh… Nakukunsensya daw siya. Nang dahil daw kasi sa kanya, nagkaron daw ako ng malaking peklat sa braso ko. Pero para sakin, peklat lang naman yon. Nang dahil nga sa peklat na yon, dun kami nagkakilala ehh.

Simula non, ginawa ko siyang best friend ko. Gusto ko, lagi siyang nasa tabi ko. Baka kasi pag nalingat ako, may mangyari na naman sa kanya. Natatakot ako.

Sabay kaming lumaki, at bawat taon, paganda siya ng paganda. Nakaramdam ako ng takot sa puso ko. Baka kung di man jeep ang kumuha sa kanya, baka naman nakawin siya ng ibang lalaki sakin. Kaya pinagbawalan ko siyang maging babae. Kahit mag mukhang tomboy siya, ayos lang sakin. At least walang magkaka-interes sa kanya. Ako lang.

Tanda niya pa kaya nung gabing nanalo ang team namin sa Baranggay Basket Ball League? Talagang ginalingan ko non kasi nandon siya. Nag-aya pa ngang uminom si Macoy pero di ako pumayag. Kasi nga ihahatid ko pa siya.

Habang naglalakad kami ng gabing iyon, nasasanggi ko ang kamay niya. Gusto ko sanang hawakan yon ng gabing yon. Ang tagal ko na rin palang di nahahawakan ang kamay niya. Pero di ko ginawa. Baka kasi ayaw niya at mailang lang siya sakin kinabukasan.

Yon din yung gabi na pinagbawalan ko siyang uminom.

“Kahit na… babae ka parin. Pano na lang kung mapano ka?”

Masyadong mahina yung pagkakasabi ko kaya di niya narinig. Pinapa-ulit niya pero nahiya na ko eh.

Di niya siguro alam. Pero naiinis ako sa mga taong nagsasabing tomboy siya. Kung alam lang kasi nila kung gaano siya kaganda. Pero okay na yon na hindi nila alam. Basta para sakin, siya ang pinakamaganda sa lahat ng babae dito sa mundo. At walang makapagbabago don kahit magpakalbo pa siya.

Ang hirap niyang basahin. Ilang beses na kong nagpaparamdam pero di niya parin makuha. Hindi ko nga alam kung manhid ba talaga siya o nagmamanhidmanhiran na lang dahil isang kaibigan lang talaga ang turing niya sakin. Ewan ko ang gulo… Pero iisa lang ang malinaw sakin… Mahal na mahal ko yung babaeng yon. Sobra…

Ilang araw, bago yung Valentine’s ball namin, binilhan ko pa siya non ng hair clip na pink na ribbon ang design. Kahit nakakahiya, binili ko talaga yon para sa kanya. Sa ball ko kasi sana aaminin yung feelings ko sa kanya. At dun ko rin sasabihin ang dahilan sa pagcontrol ko sa buhay niya.

Kaso, bwiset yung ka-tropa ko. Nagtanong siya sakin kung bakit si Alex na naman ang ka-date ko. Eh gusto ko ehh… Idinahilan ko lang na sabi yon ng nanay ko kasi ayaw kong asarin nila kami pareho. Pag nangyari yon, alam ko namang magkakailangan na kami. Ang dami kong nasabi non na taliwas sa totoong iniisip ko. Tapos, nandon pala siya, nakatago.

Being One of the Boys [One-Shot]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon