Alexandra’s POV
The Alarm just stopped. Humarap ako sa kaliwa ko. Nakita ko sa side table ng kama kong to ang picture namin taken 4 years ago. Naka-akbay siya sakin. Kakatapos lang yata namin maglaro nun tapos napagtripan lang ng barkada na magpicturan.
4 years nga din bago ko napadevelop ehh.
Hinaplos ko ang mga mata ko…
Sabi na nga ba. Maga na naman. Binangungot na naman kasi ako kagabi. Kaya ayun, buong gabi na naman akong iyak ng iyak.
Agad akong bumangon at naghilamos. Hinilamos ko na rin mula sa isip ko yung nakakagimbal na panaginip kong yun. Ayoko na talagang maalala… pero, di ko malimot-limutan.
Marami nang nagsasabi na kalimutan ko na nga raw siya. Pero sadyang makulit ang puso ko. Ayaw parin niyang bumitaw ehh.
Agad akong nag-impake. Uuwi na ko samin. Yun kasi ang ipinangako ko kila mama… Na pagkatapos ng Graduation Ball, uuwi na agad ako. Pero hindi pa ko handa. Gusto ko pang humingi ng extension. Di ko na kakayanin pag pinagtulakan na naman niya ko palayo.
Sinubukan ko namang iligtas siya ehh… pero dahil sa lintek na heels ko nung araw na yon… Nahuli ako. Naiinis ako sa sarili ko. Bakit ba lagi siyang napapahamak ng dahil sakin??
Buti na lang, may awa ang Diyos. Di niya kinuha sakin si Tristan.
Pero, dahil sa head injury, nagkaron siya ng trauma at marami siyang nakalimutan…
Kahit ilang beses kong ipagpilitang ako si Alex, di parin siya naniniwala. Sinubukan kong magpagupit uli ng maikli at magdamit gaya ng dati pero useless…
“Hindi ka si Alex!” yan ang lagi niyang binubulyaw sa mukha ko every time na sinusubukan kong ipaliwanag at ipaalala sa kanya ang lahat.
Naguguluhan ako…
Kilala niya parin naman si Alex pero ang sabi ng duktor, maaaring ang mukha raw, ang boses at any information regarding Alex’s appearance ang di niya maalala. At dahil nga I turned out to be the type of girl he hates the most, he really wouldn’t bother believing me. Pero hindi ako tumigil. Buong summer, araw-araw akong lumalaban. Hindi ko siya sinukuan. Maaalala niya rin ako. Pero natapos ang bakasyon, wala parin.
Ang sakit ehh… Lagi na lang kasing wrong timing. Napapaisip na nga ako ehh… Pagsubok pa ba to o sign na to na di talaga kami para sa isa’t isa?
Bago ako bumalik sa Baguio non, nag-iwan ako ng promise sa kanya…
“Babalik na lang ako, pag kilala mo na ako ulit…”
Pero dumaan ulit ang dalawang taon, wala paring improvement. Ayaw ko pa rin talagang umuwi. Kaso tapos na ang kontrata ko dito sa dorm. Wala na kong ibang choice kundi ang bumalik samin. Saka, miss ko narin naman sila Mama ehh…
Isinuot ko ang usual get up ko. Tokong na pants at sando na may patong na loose shirt na hanging. Iniipit ko sa left side ng buhok ko yung pink ribbon na hair clip saka ako lumarga paalis.
Parang ang ikli lang ng byahe. And before I knew it, heto na naman ako, nakatungtong sa lupa ng tapat ng bahay namin.
Nagkumustahan kami nila Mama. Di nagtagal, dumating ang dating barkada sa bahay namin. Lahat sila, kina-usap ako pero si Tristan... di niya ko kinibo.
Inaya ako ng barkada na maglakad-lakad sa labas. Pinuntahan namin yung mga dati naming tambayan…
Yung court kung san kami lagi tumatambay…
Sa computer shop kung san kami nag dodota hanggang madaling araw…
Sa park kung san kami laging na ske-skateboard…
At sa batis kung san kami nagtatampisaw nung maliliit pa kami…
Wala namang ganong nagbago dito sa lugar na to simula nung nag-aral ako sa Baguio. Pero somehow, everything feels different…Yung mga bagay kasi na yon, alaala na lang. Di na pwedeng maulit pa.
Naiwan kami ni Tristan sa bench na tinayo namin noon malapit sa batis. Iniwan muna nila kami para makapag-usap daw kami. Hindi ko alam kung pano ko siya kaka-usapin. Ang weird no? Yung taong nasasabihan ko ng lahat ng bagay noon, ni hello, ni kumusta, di ko mabati ngayon.
Parang nadudurog na ng tuluyan ang puso ko dahil sa katahimikang bumabalot samin ngayon…
“Uhm…” napalingon ako sa kanya. “Hello?” sabi niya na may halong pag-aalinlangan.
“Hi…” maikli kong tugon.
“…” napabuntong-hininga siya… “Ang tanga ko…”
“H-ha? Bakit?”
“Di ko parin kasi matandaan yung itsura ni Alex…”
“Hindi mo kasalanan… Aksidente ang nanyari…”
“Di naman dahil don kaya ako naging tanga ehh…” napatungo siya na parang hinahanap pa ang mga salitang namumuo sa dulo ng dila niya. “Di ba binigay ko yang hair clip na yan kay Alex?”
Napahawak ako sa pink ribbon na hair clip ko. Oo… Ibinigay niya nga to kay Alex… Ibinigay niya to sakin kasabay ng pag-amin niya ng mga nararamdaman niya.
Humarap siya sakin at hinaplos ang kaliwang pisngi ko. He tucked my hair behind my ears. “Bagay sayo… Alex,” I heard him say loud and clear.
Nanlaki bigla ang mga tenga ko.
“Paki-ulit nga yung sinabi mo?”
“Oo… Naniniwala na kong ikaw nga si Alex,” he pulled me in his arms. “Alex. Alex I’m sorry… Lagi na lang kitang pinahihirapan. Lagi na lang kitang nasasaktan. Di ko man maalala yung mukha mo, pero hinding hindi ko makakalimutan yung pakiramdam pag ikaw yung kasama ko. Alex, namiss kita… Alex… Mahal na mahal kita…”
Di ko napigilan ang paglagatak ng luha ko.
“Alam mo bang ang tagal kong hinintay na sabihin mo yan?”
Di ko akalaing bibigyan pa kami ng isa pang chance ng pagkakataon. May mga bagay na alam kong di na maibabalik sa dati. Pero di pa naman huli ang lahat para magsimula ng panibago di ba?
Ang tagal rin bago ako nagkaron ng chance para masabi to sa kanya kaya di na ko nagpaligoy-ligoy pa. Baka mamaya, may mangyari na naman tapos, di ko na naman masabi. Kaya heto na…
Huminga na ako ng malalim…
At saka pabulong na sinabing…
“Tristan… Mahal na mahal din kita.”
------------------*~*A/N*~*------------------
Wag po sana kayong magtaka kung bakit Tim McGraw yung music para sa part na to. XD
Wala lang. Isa po kasi yan sa fave song ko. Naisipan ko lang isingit XD bagay naman ehh... (konti)
Heto naaa.. Tapos na siya sa wakas. Nahirapan ako sa pag-gawa ng ending ehh :D
Maraming salamat po sa pagbabasa.
Umabot ka talaga dito? XD Di ka ba nabagot? :D
Muli, maraming salamat po sa pagbabasa.
---------------------------------------------------
BINABASA MO ANG
Being One of the Boys [One-Shot]
Fiksi RemajaMay isang bagay sa mundo na di ko kailanman maiintindihan. Iyon ay kung paano mag-isip ang mga babae. Bakit ba sila laging nagpapaganda? Nakakabawas ba yon sa pagkatao nila? Di naman eh. Bakit pag nandiyan si crush, di nila kinikibo, pero pag umalis...