(o×o)

3 1 0
                                    

"Ria, lumabas ka na magta-tanghalian na." Sigaw ni Mama mula sa baba.

"Sige lang mamaya na ako tatapusin ko lang 'to." Sigaw ko pabalik. Nakalimutan kong gumising kagabi kaya ngayon ako nanonood.

"Pagkatapos nyan ay bumaba kana ah." Sigaw na hindi ko na sinagot.

Na-miss ko 'to. 'yong no problems sa school. Panood-nood lang ng Anime or kdrama ganun ang life ko noon eh hehe.

Haish! Inaantok na ulit ako tatlo na lang kakain na ako.

"Ria! Ano hindi ka parin kakain?!" Malakas na sigaw ni Mama mula baba

"Matatapos na po ako tatlo na lang!" Pabalik kong sigaw

"Bilis-bilisan mo dyan kundi aakyatin kita." Sakto na ang pagkakasigaw nya hindi na masyadong malakas

Makalipas ang kalahating oras ay hindi parin ako na tatapos. Pano matatapos eh 23-25 minutes bawat isa. Isipin nyo 'yon 1¼ palang ang napapanood ko doon sa tatlong natira.

Kalahating oras pa ang nakalipas ay naririnig ko na ang mabibigat at mabilis na halatang nagmamadali na yabag ni Mama. Patay eto na sya't papagalitan na ako huhu.

"Ano pati pagkain kakalimutan para dyan sa pinapanood mo? Pag ako di na kapagtimpi burado sakin lahat 'yan. Dadamay ko na rin 'yong pinagkakaabalahan mo bago ka matulog. Akala mo hindi ko alam na madaling araw ka na natutulog dahil dyan sa lintik na cellphone at laptop mong 'yan. Tandaan mo pag ako na puno sayo tanggal 'yang mga 'yan. Lakad kumain ka muna makakapaghintay 'yang pinapanood mo, masamang pinaghihintay ang pagkain at sa sitwasyon mo nakaka-ilang oras ka na. Bilis bumaba ka na at nainit ko na 'yong pagkain don." Galit ba 'to ora what basta 'yan ang sinabi nya sakin kaya no choice. Bago sumunod kay Mama nagsalang muna ako mga ida-download para may mapanood hanggang mamaya.

"Anong ulam?" Bungad kong tanong
"Tocino" sagot naman ng magaling kong kapatid

"Yuck! Pangmahirap!" Nandidiri kunwari kong sabi

"Wag nga ako Ate alam naman nating parehas na paborito mo 'yan. Tsaka anong pangmahirap? Sa mahal nyan pangmahirap pa?" Taas kilay nyang speech

"Chill ka lang masyado kang hot eh. 'Di ka na mabiro ngayon kaya napagkakamalan kang Ate ko eh, bukod sa mature ka na mag-isip eh mas mukha ka pang mas matanda haha..." Pang-iinis ko sa kanya na gumana naman kase yung nakataas nyang kilay na paltan nang pagkunot ng noo nya.

"Just shut up and eat your ruining my day." Mataray nitong sabi sakin

Wala na talagang kasing bait ko sa pamilya namin. Kahit nga sila Arah harsh na eh kaya ako na lang talaga ang nag-iisang mabait samin.

Habang iniisip ko ang kagandahan at kabaitan ko ay kumakain ako and that's what you called multitasking. Napapasarap na ang kain ko. Kahit naman anong kain ko never akong tataba so no probs for my body.

"Ate, I have good news for you." Sabi sakin ni Riri

"What?" Bored kong tanong. Ayokong mag give ng atensyon dun sa mga kinakausap ako even I'm eating.

"Mom turn off the wifi a while ago." Masaya nyang sabi. Muntik na akong mabilaukan dahil doon.

"Gosh!" Sabi ko na lang at nagmadaling pumunta ng kwarto ko para tingnan 'yong dina-download ko.

"Ria! Your food." Sigaw ni Mama. Thanks God tapos na lahat nung napatay yung wifi.

"How's it?" Masayang tanong ng magaling kong kapatid. Oh, now I know. Huh!

"Hindi nag download." Kunwaring malungkot kong sabi. Kita sa mukha nya na mas lalo pa syang nag bunyi. Bingo! I'm right.

"Really?" It's now my turn to smile

"Not actually" medyo ngumiti ako. Nawala ng konti ang ngiti nya.

"What do you mean?" She ask na para bang gusto nya Marinig na hindi successful yung pagda-download.

"Oh! Actually they're successfully downloaded to my laptop." Malaking ngiti ang binigay ko sa kanya.

"She really knew how to ruin everything." Mahina nyang bulong but enough for me to hear. Aww... My poor little sister.

"Ria! Kakain ka pa ba or what. Bakit iniwan mo 'yung food mo sa lamesa." Naiinis na ang tono ng pananalita ni Mama

"Kakain pa po. Wait my kinuha lang." Naglagay lang naman ako ng duplicate videos sa USB para pag gusto kong manood anytime pwede.

"Tatanggalan talaga kita ng wifi para hindi ka magbabad nang magbabad dyan sa laptop mo. Tignan mo yang mata mo oh bumibigay na." Eto na naman po kami. "Gumaya ka kay Arah na libro ang inaatupag." Sus isa pa ang babaeng yun eh.

"Question. Pag ba libro ang inatupag ko hindi lalabo ang mata ko?" I'm actually a reader sometimes a writer but more on an otaku hehe. Hindi agad na ka rebat si mama dahil alam nyang lalabo at lalabo pa rin ang paningin ko kapag libro na ang inatupag ko.

"Mag basa ka ng tumalino ko." Yun na lang ang sinabi nya at nag walk out na.

"Ate! Kailan ka ulit bibili ng damit sa online!?" Makikisabay na naman to. Hindi na lang manghiram ng damit sakin eh. Ang gastos ng batang to san ba to pinaglihi?

"Hindi ko pa alam! Wala pa akong pera tsaka na lang!" Sagot ko not minding na kumakain pa ako.

"Ria! Wag kang magsalita ng may laman yang bunganga mo! Bubusalan kita!" Yeah yeah hindi na po.

This is our usual routine every summer break. Hindi pala uwi sa bahay si papa dahil masyado syang workaholic. I wonder kung natatandaan nya pang may family syang kailangan uwian.

Pagkatapos kong kumain eh ako na rin ang naghigas since nakakahiyang iwanan. Oddly, ang tahimik ng bahay namin ngayon, wala ba si mama para manood ng TV or si Riri na akala mo may concert palagi. Hay nako bahala na sila basta ako manonood pa ako hehe.

------------

"Tingin mo okay lang ang ate mo mag-isa?" Ang tanda tanda na nun eh syempre kaya nya na sarili nya.

"Mama, malaki na si ate kaya nya na mag-isa tsaka malamang nanonood na naman yun." I really hate it kapag nanonood sya kasi nalilimutan nya yung mga kailangan gawin sakin tuloy bumabagsak.

"Yun na nga eh nanonood na naman baka may pumasok or what sa bahay natin." Negative talaga palagi ni mama.

"Nilock ko yung bahay so don't worry tsaka sa kanya din naman tong ginagawa natin ah." Pagpapaalala ko lang baka nalilimutan nya eh.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jun 13, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Red StringWhere stories live. Discover now