Its 9:41pm in evening. Dito ako nakahiga sa kwarto habang nagsasoundtrip. Wala kasi si love eh, na kina kuya Bryan. Pagbibigyan niya daw kasi hindi siya nakapagkatay ng manok sabi niya. Ewan ko d'on mukhang sabik lang namang uminom eh, dinamay pa si kuya Bryan. Kapal talaga ng mukha!
Anyways naisipan kong magsulat ng story namin, parang diary narin. So ikwekwento ko ang buong nangyari sa amin ngayong buong araw.
Pagkagising namin ni love, nanood kami ng mukbang. Grabe! Sobrang nakakatakam, nakakapanglaway, nakakagutom, at basta. Grabe kasi yung tunog ng ngumunguya e, parang inaakit ako ganon din si love. Char!
So dahil ang pinapanood namin na mukbang ay naisipan namin ni love na kumain sa jollibee. So pumunta nga kami sa jollibee. Pagkarating namin dun around 8 ng umaga, medyo konti pa ang tao kaya mabilis na nakaorder si love.
Kumain na kami at konting kwentuhan lang. Actually nilibre niya ako, bigatin kasi si mayor! Tyaka kapos palad ako, hindi ako nagdadala ng pera kapag kasama ko siya. Kumbaga utakan nalang hahaha!
Bago kami umuwi bumili kami ng fries na nakaplastic pa yung di pa luto, so bumili kami sa convenience store para sa mga bata.
Nang makauwi kami, agad kaming nagluto ni love ng fries. Nang nakaluto na kami binigay na namin sa mga bata dito sa bahay nila.
So dahil wala naman kaming gagawin ni love, nanood nalang kami ng movie ni Liza soberano. Sobrang crush na crush ni love, nakakapagselos tuloy charot! Pagkatapos namin nanood sakto namang tinawag kami ng lola ni love para kumain ng tanghalian.
Dinuguan pa ang ulam namin. Masarap siya kaso busog ako that time kaya konti lang nakain ko.
Hinatid na ako ni love sa bahay pagkatapos naming kumain ng tanghalian, kasi may pupuntahan pa ako.
7pm around. Sinundo ako sa cshop ni love. Naiinis daw siya kasi prinank ko siyang ibang lalaki kasama ko nung pumunta ako sa binalonan, but actually ang kasama ko dun ay si kuya ko. In the end inamin ko rin lang, nahahighblood kasi eh.
Ngayon nandito ako sa bahay nila at hindi pa siya nakarating. Tagal talaga n'on baka mamaya lasing nayon. By the way matutulog na ako.
GOODNIGHT!
![](https://img.wattpad.com/cover/193135591-288-k24554.jpg)