you again part 2

1.2K 29 7
                                    

*******************************

thank you po sa mga votes at comments! much appreciated po ang time and effort niyo na basahin ang aking story.. salamat po ulit.. ^__^ 

*********************************************************************

Sarah: (parang familiar ang mukha….teka… parang kamukha ni… nalagot na! si pugak ang tinutukoy ng mga kaibigan niya! Pag minamalas ka nga naman! Asa labas ito at parang may binibili sa kabilang shop.. buti na lang naitakip niya sa mukha ang hawak na menu ng ngumiti  ito sa kanila  napansin ata ng lalaki ang mga kaibigang kinikilig at nagpapacute—parang lalo ata gumwapo si pugak ah?! Hay naku sarah! Ano bang iniisip ko! Tandaan mo arogante at masama ang ugali niyan! Pangaral nito sa sarili  )

Anne: ang gwapo niya noh’ di ba bes?

Di sumasagot si sarah kaya napatingin na lang sila sa kanya

Yeng: huy sars!

Sarah: ay peklat!

Yeng: bat mo ba tinatakpan yang mukha mo?

Sarah: ha? Di naman ah… tumitingin lang ako ng oorderin

Yeng: ganyan ka kagutom? Isubsub talaga ang mukha sa menu?

Anne: ay umalis na siya …sayang di mo nakita yung cute na guy

Automatikong binaba ni sarah ang hawak ng malaman na wala na ang lalaki

Sarah: gutom na talaga kasi ako palibhasa kayo ibang pagkain ang tinitignan nyo’ palusot na wika nito

Yeng: eh mas masarap kasi yung pagkain sa labas, tingin pa lang ulam na’ shin idagdag mo nga yun hot pandesal sa menu mo

shin: wag na baka mabankrupt pa tong business ko dahil sigurado araw araw ka dito pag ginawa ko yun..’ nagtatawan sila ng bigla sumabat si kc

KC: ehem’ hot pandesal ka ba?

Yeng: (nagtataka man ay sinagot niya eto) guys ayan na naman siya bigla na naman nagtatanong..   sige na nga bakit??

KC: you’re so hot kasi eh.. hahahaha!

Yeng:  (napakapit sa noo) sumasakit ulo ko! Shin pigilan mo ko! Dali!

Nagkunwaring naman pinipigilan ni shin si yeng habang tawa ng tawa… nakisakay na rin si sarah sa trip na tatlo

Sarah: ako naman oh eto… KC choco ka ba?

KC: bakit?

Sarah: you’re cho-corny kasi eh ‘ pigil na tawa at nagpeace sign sa kaharap

KC: hmp! pinagkakaisahan nyo ko ha!

nagtawanan na lang sila dahil sa tinuran nito.

 

Habang kumakain tumunog ang phone ni KC, ngunit imbes na sagutin ito ay tinignan niya muna ang mga kaibigan..

KC: si cristine… tumatawag..(tinitignan si sarah)

Sarah: answer it.. it’s ok..  nakangiti nitong sabi ng mapansin na tumahimik  ang lahat

KC: sige.. excuse lang ha.. (tumayo na ito at bahagyang lumayo)

Si cristine ay nakilala ko nung college, classmate kami at dahil magkatabi kami sa upuan siya lage ang nakakausap ko at kalaunan naging kaibigan na din. Naging mabait sakin si cristine nagsasabi ito ng mga problema lalo na tungkol sa pamilya  niya kaya naman lagi ko syang dinadamayan.ipinakilala ko siya sa sa bahay namin at sa grupo nagkasundo naman sila maliban kay anne na hindi komportable pag kasama ito. Akala ko nung una ay nagseselos lamang si anne dito kaya ganoon na lamang ang pakikitungo niya kay cristine ngunit ayon sa kanya mabigat lang daw talaga ang loob niya dito sa di malamang dahilan. Di naman niya inaaway ito sadya lang na madalang nya lang itong kausapin kaya hinayaan na lang namin . at sa ginawa ni cristine na nagdulot ng lungkot at sakit  sakin apat na taon na ang nakalipas ay lalong tumindi ang pagkadigusto niya dito..wala na rin akong balita kay cristine simula ng umalis ako at pumunta ng dubai, minabuti na rin siguro nila na di ito banggitin sa tuwing nakakausap ko sila.

my fairytale story that is worth the wait (ashrald fanfiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon