Dating gawi pa rin si sarah kinabukasan sa mga activities sa mansyon kahit na medyo hindi maganda ang pakiramdam niya, buti na lamang at hindi ito nahalata ni tita vangie. Halos buong araw ay hindi niya nakita kahit anino man lang ni gerald, hindi niya mawari kung dapat ba siyang matuwa o mainis dahil baka iniiwasan siya nito kaya di ito nagpapakita sa kanya. Nasa tapat na sila ng pintuan ng kwarto ni tita vangie nang mapatingin siya sa may silid ng binata.
Sarah: maaga kaya siyang pumasok? O baka tulog pa siya??? Asar kang pugak ka! ikaw na nga itong may kasalanan sakin’ ikaw pa talaga ang may ganang umiwas!! Tiyak na pinagtatawanan na ko ng lalaking yun! O kaya baka nawierdohan o nandiri sakin!! Nakakainis siya!!! Waaahhhhhhhhhhhh!! I should be happy at least di ko na makikita pagmumukha niya tsaka nakakahiya din kapag nagkita kami ano na lang sasabihin ko sa kanya’ teka naman bakit ba worried ako sa sasabihin ko sa kanya tsaka bakit ako mahihiya’ sarah!!!!!!!! Stop this nonsense!! Siya ang may atraso sayo!!! Bahala siya!!! Haist’
Tita vangie: sarah’ sarah are you okay??
Sarah: ay pugak!
Tita vangie: natulala ka na’ ok ka lang ba?
Sarah: s-siyempre naman po..
Tita vangie: maagang umalis si gerald may aayusin daw ata sa condo niya
Sarah: h-ha?? p-po??? (hala nabasa ba ni tita ang iniisipko?)
Tita vangie: kanina ka pa kasi nakatingin diyan
Sarah: m-may naalala lang po kasi ako… p-pero wala pong kinalaman si gerald dun’ nagkataon lang po siguro na napatingin ako diyan…
Tita vangie: ah ganun ba’ well I thought you were looking for him
Sarah: naku tita bakit ko naman hahanapin yun eh aasarin lang ako nun pag nagkita kami
Tita vangie: I also don’t understand why he treat you that way, gerald is such a gentleman…
Sarah: (“ akala mo lang yun tita”)
Tita vangie: mabait siyang bata and so thoughtful… maybe something is bothering him..
Sarah: ano naman po kaya yun?
Tita vangie: I don’t know…actually I have an idea kaya lang I’m not sure but malalaman ko din yun in time..
Sarah: (may problema kaya si pugak???)
Tita vangie: kaya pagpasensyahan mo muna si gerald ha iha’
Sarah: medyo nasanay na rin po ako…
Tita vangie: don’t worry my dear’ sa tingin ko he is on his way figuring things out’ baka magulat na lang tayo isang araw at magbago ang trato niya sayo’ I can sense malapit na yun.. so I’m asking you to have patience… I know him well…
Sarah: po??? Di ko kayo makuha tita.. what do you mean?
Tita vangie: time will come maiintindihan mo ang sinasabi ko…
Napakamot na lang ng ulo si sarah sa mga sinabing iyon ni tita vangie. Kahit anong isip niya ay di niya talaga maintindihan ang ibig nitong sabihin. Pagkatapos nitong pahigain sa kama ay umuwi na rin siya sa bahay nila at pilit na iwinaksi ang makahulugang turan nito sa kanya.
Samantala nagpakaabala naman si gerald sa kanilang kompanya. Sinadya niya talagang umalis ng maaga sa mansyon para di makita ang dalaga. Maikling oras lamang ang naitulog niya dahil sa kakaisip dito na lalong nagpalito sa kanya. mabuti na lamang at madaming siyang trabahong dapat ayusin lalo na’t humingi ng bakasyon si ken dahil dumating ang asawa nito at si john naman ay nasa Palawan para sa opening ng bago nilang branch na ipinatayo doon. Gustuhin man niyang tumira muna sa kanyang condo ay wala siyang choice kundi manatili sa mansyon, hanngga’t maaari ay magpapatuloy muna siya sa pagiwas kay sarah, kailangan muna niyang ibalik sa dating katinuan ang sarili bago niya ito harapin.
BINABASA MO ANG
my fairytale story that is worth the wait (ashrald fanfiction)
Fanfictionfor the love sa ashrald!! fist time ko to.. =) hope you will enjoy it guys!