Brigada

2.7K 177 92
                                    

CHAPTER 23

Sa mga sumunod na araw, inasikaso ni Victoria ang mga requirements na kailangan nyang i-submit para sa kanyang Culinary degree. Chef Alejandro was glad to see her.
Nakita rin nya ang mga estudyanteng nakasama nya sa Fiesta Week and they were happy that she was finally enrolling. Even Tanya was more friendly to her.

Ramcel made sure to go home each day. Ipinagluluto ito ni Victoria at pinapabaunan ng pagkain tuwing papasok sa trabaho. Tinatawagan nila ang isa’t-isa kapag naka-break si Ramcel o kaya naman pinupuntahan nya ito sa set kung saan man ito nagsh-shoot kasama ni Jenny, na very much willing mag-file ng leave para makakita ng artista.

Pinuntahan din nya si Eleanor so they could catch up. They ate lunch together and she toured her at Villarances Art Museum, which housed many forms of arts from local and foreign artists including authentic Picasso, Van Gogh, Monet, Da Vinci and Rembrandt paintings.

Ipinakita rin sa kanya ang movie collection ng pamilya ng mga Villarances. May mga copies sila ng mga lumang pelikulang Pilipino at foreign films na mga black and white pa. Kahit mga movies na pantomime pa, meron din ang mga ito. Ayon kay Eleanor, nagka-interes sa art of film making si Ramcel nang mapanood nito ang mga pelikula ni Lino Brocka, ang pinaka-unang Pilipinong direktor na na-nominate sa Cannes Festival.

Kapag magkasama sila ni Ramcel, sinusulit nila ang bawat oras. Nabanggit na nya rito ang tungkol sa Brigada Eskuwela pero hindi pa sya nakakapagpaalam na bumalik ulit sa Batangas para magparticipate. Mula kasi nang dumating sila sa Pilipinas, hindi na sya nakapagpirmi kasama ito.

“If you want to go back to Batangas and join your family for Brigada Eskuwela, I’m okay with it,” biglang sabi ni Ramcel habang tumitingin sila ng mga libro sa shelf ng isang bookstore. The activity was two days away and Victoria’s brother kept asking her if she’d come back.

Victoria was surprised and turned to Ramcel, who wasn’t looking at her. Her eyes were on the books infront of them. “Really?” She needed to make sure she heard her right. Ramcel nodded while running her fingers on the spine of a hardbound copy of The Man and the Iron Mask. Victoria smiled as she gazed at her wife’s beautiful face. They were alone on that section. When she didn’t see anyone around, she hugged Ramcel’s waist and kissed her cheek. “Thank you, Baby,” she whispered.

Tumingin ito sa kanya saka sya nginitian. Hindi na tuloy napigilan ni Victoria ang sariling halikan ito sa labi. Wala na syang pakialam kung nakikita sila sa CCTV. Bakit ba kasi ang hot ng asawa nya? Kung hindi lang nagvibrate ang cellphone sa loob ng bulsa ng pants nya baka kung ano pang nagawa nila.

Nangingiting hinugot ni Victoria ang phone sa bulsa habang ibinu-butones ni Ramcel ang shirt nito. Pagtingin nya sa screen, Unknown number ang nakaregister. “Hello?”

“Hi, Vi.” Sa di malamang dahilan, kumabog ang puso nya nang marinig ang boses ni Hector.

“H-Hi. N-Napatawag ka?” Bakit ba sya nauutal?

“Katatapos lang ng meeting namin ng Dad mo at nabanggit nyang hindi ka pa nagco-confirm kung darating ka. Did you forget about it?” His sexy voice sounded gloomy. 

Sexy? Did she just thought that Hector’s voice was sexy? It was true anyway. Pero bakit ba nya napapansin yun? Sinikap nyang huwag bumaling kay Ramcel, na noo’y nakasandal sa shelf at nakatingin sa kanyang naghihintay na matapos sya. Naka-cross arms ito at hawak sa isang kamay ang librong bibilhin nito. She appeared curious who Victoria was talking to.

“I didn’t. Pupunta ako syempre. May mga inasikaso lang ako kaya hindi ako nakapagsabi agad.”

“Good. I’ll see you then.” Sumigla ang boses nito. Nagpaalam na ito agad.

SINCE NINE Book 2: ReunitedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon