SA GITNA NG MGA TALA

16 1 1
                                    


 
Minamasdan ang mga bituin at ang buwan sa kalangitan,
Nag-iisip mahal, bakit mo ako iniwan?
Sa gitna ng ating mga pinagdaanan,
Inuulit ko mahal, bakit mo ako iniwan?

Sa aking pagtingala sa kalangitan,
Ang ating mga ala-ala ay tila nagpakita sa gitna ng mga tala,
Mga ala-alang nagbibigay sa akin ng ligaya,
Na ngayo'y naghahatid na ng luha sa aking mga mata.

Pilit kong pinipigilan ang pagbagsak ng aking mga luha,
Luhang nabubuo t'wing ika'y aking naaalala,
At t'wing ika'y aking nakikita na may kasamang iba,
At sa puntong iyon,
Sakit, pait at pighati lang ang aking nadarama.

Ako'y pagod na,
Pagod na sa kaka-iyak dahil sa kanya,
Pagod na sa ka-aalala at lagluha,
Kaya ipipikit ko na ang aking mga mata,
Tatapusin ko na,
Dahil ang umasang babalik ka pa ay hindi ko na makita,
Hindi ko na muling makikita sa gitna ng mga tala.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 07, 2019 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Poem/TulaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon