Prologue.

62 0 3
                                    

"Tangenang buhay ito oh!bakit ba ang traffic?". Bulong niya sa kawalan.

Nasa edsa north siya at alas dose y medya palang ay traffic agad ang bumungad sa kanya.Maasim pa sa hapon ang amoy niya dahil pawis na pawis na siya agad.Kung minamalas nga naman.

Sinulyapan niya ang pambisig na relos.Ilang beses niya ito tinapik-tapik pero walanghiya ay hindi pala gumagana.Pinagsusuntok niya ito pero wala parin epekto.Tangenang Ngetong na yun?!sabi kasi nito ay gumagana at umaandar pa ang relos na pilak na akala mo tunay sa paningin ng iba pero pag tiningnan mo ng malapitan ay may kaunting kalawang na ito sa gilid.

Humanda sa akin ang budang mataba na iyon naisahan pa siya ng gago.Kung ano ang kinalaki ng tyan ng lalaki ganon naman iyon kinulang sa height.

Nong binili niya kasi ito ay umaandar pa.Pero dahil yata sa lokal sa kalumaan ang relos na binenta sa kanya na sa halagang tatlong daan ay binili niya na para meron siyang relo.Pero ang nabili niya ay walang kwenta pala di sana bumili na lang diyan sa divisoria ng wall clock sixty pesos lang sana nagastos niya!Nabudol-budol tuloy siya ng budang iyon!

Lagot sa akin pandak na iyon.Ang init-int ginigigil siya.

Naibato niya tuloy ang relos sa labas ng bintana.Wala na siyang pake-alam kung saan man iyon tumama.Lokal amputek walang kwenta.Mamaya nga at masingil ang matabang iyon nako.Kung hindi nito ibabalik ang tatlong daan ay sa kanya ibibitin niya ito patiwarik.

"Alabang!alabang kayo dyan.Halika ate,dali sakay diyan sa kaliwa.Paurong ng kaunti para makalarga na". Umasim ang mukha niya sa narinig.

Walang hiyang kondoktor.Nagtawag pa ng pasahero punuan na nga sila.

"Sige.Isa na lang meron pa sa kanan.Unting abante lang dyan". Kung patayin niya kaya ang kondoktor na ito.Diba nito nakikita na wala ng kasya.Punong-puno na!

" Miss,beautiful konting usog lang para makasakay na si ate".Sinusumpang tinitigan niya sa mata ang kondoktor nag-aapoy na siya sa galit.Wala ba itong mata eh.Maski pang upo niya ay wala pa sa kalahati ang masasakop ang upuan ng jeep na ito.

"Kung ikaw kaya kuya?ang iusog at itulak ko dyan!hindi mo ba nakikita na punuan na? yung pwet ko nga dina nagkasya sa upuan niyo.Sa liit ng jeep na ito alam kong waluhan lang ang bawat seaters nito!tapos ipagkasya mo ang halos dosehan.Ihalimbalos ko kaya ito sayo ang takong ko sa mata mo para makita mong puno na".Gigil na sabi niya.Sinulyapan niya ang ateng mataba na pursigidong sumiksik tangena.Sige ate siksik pa kung makakaupo ka.

Tinaliman niya ang tingin ang kondoktor na agad naman na paurong.

" Easy kalang.Miss beautiful keaga-aga ay ang init ng ulo mo".Sambit nito at nakangisi pa ang hudyo sa kanya.

"Anong keaga-aga hindi mo ba nakikita na tanghali nang tapat alas dose na!kaya wag mong sabihing maaga pa dahil hapon na kuya.Kung ayaw mo ibalot kita sa hapon ng tinalupan at magkaroon ng World War IV dito sa loob ng jeep mo.Ay lumarga kana.Wag mong sabihin mag tatawag kapa?tangena mo pag di ako nakapagpigil sa mata mo tuturok ang matulis na takong ko". Akmang huhubarin niya ang takong sa paa ng biglang umandar ang jeep na sinasakyan niya.Nauntog tuloy siya kili-kili ni kuyang tulog na katabi niya napahawak siya sa ilong niya.Putek yung totoo kailan ito huling naligo.Alam niyang mainit at tirik na ang araw at pawisan na rin siya pero di naman ganoon kasama ang amoy niya!abat nag rexona kaya siya.

" lalarga ka naman pala eh.Gusto mo pa dinadaan sa dahas".masungit na ani niya.

Nasulyapan niya ang mga mata na nakatitig sa kanya sa loob ng jeep tinaasan niya ang mga ito ng maganda niyang kilay.

"Tapos na ang sine mga ate at kuya.Wag niyo akong titigan ng ganyan kung ayaw niyo kayo ang pagtuunan ko ng init ng ulo ko". Pinaypayan niya ang mukha tagaktak na ang pawis niya buset.

heartbroken (Del legarous Series 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon