Nagising siya sa malamig na buhanginan. Masakit ang kalamnan niya. At napangiwi na lang siya sa panlalagkit ng kanyang bibig, leeg at ng mga kamay. "Yuck... Ano toh -?"
Kalat na ang dilim. Umiikot din ang mga paningin niya. Groggy sa kaantukan. Nahawakan niya ang beaded bracelet niya sa kaliwang pulsuhan at bumangon na. "Babe... 'Asan ka?"
Sa liwanag ng dilaw na buwan, nakilala niya ang cottage sa di kalayuan. Inupahang iyon ng nobyo para sa outing nila, sa Laeyan Beach, Batanggas. Nasa buhanginan siya at ilang hakbang ay ang maliit na bahay na kung saan ay nag-early dinner sila.
Ang masagana nilang hapunan ang huli niyang memorya.
"Babe?" tawag uli niya. "Whitie...?"
Ang mommy niya ang dapat nilang kasama sa outing. Pero dahil tiwala naman ito sa boyfriend, si Whitie na kanyang puppy ang naging chaperone niya. Ikinulong niya ang alaga sa portable pet pen nito, sa likod ng cottage. Dapat ay kakahol ito bilang tugon sa kanya, nanatiling tahimik ang paligid.
How na nakatulog siya sa beach? Kinapa niya ang switch ng ilaw sa gilid ng pinto. At nasaan na nga ba ang nobyo?
Sumagi sa isipan niya na nagalit ang binata dahil sa alaga. Pero naging okay naman sila kaagad -
Buhay ang daylight sa loob ng cottage. Sa pagpasok niya rito ay binayo siya ng kaba sa bumulaga, sa kanya. May mga kalat-kalat na mga dugo - sa sahig na kahoy at sa mga nakabuwal na stool. Pulam-pula at sariwa pa ang mga dugo. May tatlong slash na pa-vertical sa sahig; malalim at jagged. Tila kalmot na nagmula sa malaking hayop. Sa hitsura ng silid ay tila may massacre na naganap.
At pinanlakihan siya ng mga mata nang masundan ng tingin ang mga sariwang tagas ng dugo. "WHITIE!"
Nakahandusay ang tuta sa isang sulok ng nakabuhal na stool. Puti ang kulay ng alaga. Nagkulay pink ito ngayon sa sariling dugong dumanak dito. Napaluha na lamang siya. Sa pagdalo niya rito'y naging malinaw ang nangyari sa aso. Halos gutay-gutay ang katawan nito.
Sa puntong iyon, natikman niya ang sariling mga labi. Lasang kalawang. Mapait. Napagmasdan niya ang sarili. Duguan ang bibig niya, pababa sa dibdib ng grey T-shirt niya. May mga dugo rin sa mga kuko at mga kamay niya. Paanong -?
"Gross!" Bumaliktad ang tiyan niya sa ideya.
Napatakbo siya palabas at hustong pagpasok ng boyfriend sa cottage ay tuluyang nailabas niya ang lahat ng kinain. Nagduduwal siya sa putimputing rubber shoes ng binata. Magagalit pa sana ito pero nakita nito ang duguang aso sa sahig.
"Babe, what have you done?"
BINABASA MO ANG
Dilaw na Buwan (Published by Lifebooks)
Horror'May lahing werewolf ang mga de Luna'. Ito ang ideyang dinala ni Kyla sa puso't isipan mula pagkabata. Nasaksihan kasi niya ang pagbabago sa ugali ng namayapang ama na si Fausto de Luna. Ang pag-aasal hayop nitong naging dahilan ng sandaling pag-i...