Continuation po ito ng dylan pov
Matapos kong kayumusin ng halik ang labi ni Sab na umabot ng halos isang minuto ay binitawan ko na ang kaniyang labi.
Bakas na bakas sa maganda niyang mukha ang pagkabigla sa ginawa ko kaya medyo natulala siya at hindi agad nakahuma sa pagkakahalik ko, at agad kong kinuha ang isa niyang kamay saka hinila palayo sa lalaking kasama niya kanina.
Ngunit.....
Sab... Sandali.... Tawag ni Matt sa dalaga.
Ngunit agad ko itong binantaan.
"You, Mr. Fron nowhere... I warn you, lumayo ka kay Sab kung ayaw mong magkasakitan tayo... so it's better you to BACK---OFF." Sabi ko sabay talikod habang hawak parin sa kamay si Sab na hindi parin makapagsalita.At nang makalayo kami kay Matt, saka lamang tumalak si Sab.
Ano ba? Bitawan mo nga ako. Bakit kaba namamakialan sa buhay ko ha? At isa pa dalawang beses mo na akong ninakawan ng halik... talaga bang ganyan ka sa mga babaeng nakakasama mo, hahalikan na lang basta basta kahit wala naman kayong relasyon. Bakit ba ginaganito moko ha, ang lakas ng loob mo bwisit ka! Sabi niya sabay tulak sa dibdib ko.
Ngayon ka pa talaga nagreklamo, eh halos ilang minuto na ang lumipas mula ng halikan kita. Mukha namang nagustuhan mo diba? Pang-aasar kong turan sa kanya.
At isang....
"PAAKKKKK", sampal na malutong ang inabot ko sa kanya.How dare you. Kung hindi mo kayang igalanf ang babaeng tulad ko, sinasabi ko sayo.... lumayo ka sa akin! dahil walang puwang sa buhay ko ang isang tulad mo!!! Nangingilid ang luhang sambit niya sa akin saka bigla na lanv tumakbo palayo sa akin.
Napamaang naman ang labi ko dahil sa isiping napasobra naman yata ang ginawa ko, at bigla na lang akong nakaramdam ng oaghaplos ng malamig na pakiramdam sa dibdib ko, na halos di ko na naramdaman ang sakit ng mukha ko dahil sa pagkakasamoal niya sa akin kanina. Hindi ko inaasahan na magagalit siya ng ganon dahil sa sinabi ko. Pero dahil tumakbo na siya palayo, agad narin akong tumakbo upang habulin siya. Gusto kong humingi ng paumanhin sa nagawa ko. Ngunit ng sundan ko siya sa lugar na tinakbuhan niya kanina ay hindi ko na siya inabutan. Hindi ko na nakita si Sab kung saan pa bang lugar ito gumawi. Marahil nagtungo na ito sa hotel room na tinutuluyan niya. Napahilamos naman ako sa aking mukha dahil sa kagaguhang ginawa ko.
Sab's pov
Hayup talagang lalaking yun.. ang spal ng muka, bwisit siya.... bwisit talaga! Bubulong-bulong kong sabi habang pinupunasan ang luhang namalisbis mula sa aking mata.
At ikaw naman, Sab myself... ang gaga-gaga mo... lagi ka naman late reaction. Kung sinampal mo ba namb siya kanina sa pagkahalik na pagkahalik niya sayo eh di sana hindi ka niya nasabihan ng kung anu-ano. Tapos ngayon aarte arte ka... stupid talaga. Yan tulog nagmukha ka lang tanga sa harap niya. Naku Sab myself, sasabunutan talaga kita... Grrr!!! Nakakainis talaga! Mahaba kong kastigo sa aking sarili.
Parang muntanga nanaman si ako.... Hanggang sa hindi ko namalayan, nakarating na ako sa hotel room ko, at dahil kasal ni Bez, si Meisen na ang kasama ko sa kwarto ngayon. Naabutan ko siyang natutulog na sa kabilang kama, at napansin kong kumislot ito saka hunarap sa akin.
Wui... nagising ba kita... sorry ha, sige na natulog kana ulit... saad ko sa kanya.
Hindi naman, hinihintay talaga kita. Saan ka galing, kararating mo lang ba? Tanong niya sa akin na pupungas-pungas pa.
Ahh.. oo dyan lang sa labas, naglakad lakad. Di na kita nayaya kasi kasama mo yata si Drew kanina. Sabi ko.
Hmmm oo naglakad-lakad lang din... nagpaantok lang. Pagbalik ko nga dito, wala ka pa pala. _Meisen

BINABASA MO ANG
My Love Karma
Storie d'amoreDylan and Sab Lovestory Kailan nga ba unang nagsimula ang lihim na pagtingin ng dalawang taong wala naman ginawa kundi ang mag-asaran, mag-inisan at magpikunan sa tuwing sila ay magkakasama o magkikita. Si Sabrina Kaye Alvarez maganda, sexy, mabait...