It's 6:23 in the evening. Hey there!
Wala naman na nangyare sakin ngayong araw nato. Wala nga akong ginawa maghapon. Pero pagod ako. Gusto ko na matulog right now. Pagod ako siguro dahil sa negative thoughts. Sobrang babaw lang naman ng mga thoughts na yan. Ewan ko ba. Bat ang lungkot nalang ng gising ko ngayong araw. Kwento ko na nga lang para kahit papano i'll feel better.
So 4AM na naman kami nakatulog netong si Elsa at pinagpatuloy nga namin panoorin si Dong Man. Nagbukas ako ng twitter bago matulog. Di ako mayaman sa load ah. Nag redeem lang ako pang Twitter. Tapos ayun nakita ko na magpe-perform ang BTS sa BGT. Sabi ko hintayin ko na kase 4:30 AM naman yun. Kaso, antok na antok na ako tsaka maghihintay pa ako ng mga videp or posts ng mga fans na nandun.
Natulog na ako at hindi nanood. Paggising ko, chineck ko na at may mga posts na. Tapos bigla nalang kung ano-ano pumasok sa isip ko. Sobrang inggit ko sa mga taong nandun. Actually, kahit kelan naman e. Sa lahat ng taong nandun sa mga concert nila, fanmeetings, guestings, performances, sa mga may lightstick, may album, may mga merch nila. Hays. Masamang mainggit, pero diko talaga maiwasan. Sa sobrang inggit ko nga, kapag may concert sila. Kinabukasan nun, di ako magbubukas ng Twitter kase makikita ko lang mga fancams nila, mga moments nila. Di ako nagagalit sa mga fans. Sobrang saya ko nga kase alam ko namang sobrang saya sa pakiramdam makita yung mga taong nagpapasaya sayo. Ang mali ko lang, naiinggit ako kase gusto ko rin maranasan yun e. Naiisip ko na lang na, di talaga kaya e. Kahit unofficial merch di ka man lang makabili. Tinatatak ko rin sa isip ko na, makikita ko rin sila soon. Pero minsan ang hirap talagang dayain ng isip, grabe. Mababaw man yan sa paningin niyo. Pero yan ang magpapasaya sakin. At ganun din sa mga taong katulad ko na umaasa makita sila.
Iniisip ko nalang na sobrang swerte ko parin, at yan lang ang ikinalulungkot ko. Dahil alam ko, may mga bagay na mas nakakalungkot dyan. At yun nalang ang pinanghahawakan ko. Ang wish ko lang, is makita sila. Kahit diko makausap. Makasama lang ako sa ocean. Makikanta din sa kanila. Makisigaw. Makisaya. Kasama silang mga taong isa sa nagpapa-alala sakin na wag sumuko. At nangangarap katulad nila.
Ayan lang naman, ang babaw diba? Pero yan e. Diko madadaya ang nararamdaman ko. Ikaw din naman diba?
Nakausap ko si Karlsten. One of my friends. Pero wag ka, sobrang solid niyan na kaibigan. At sa ngayon, ang perfect na word to describe her ----- SELFLESS. She always put her self last and her family first. Good thing about her. She's also strong. Hays, may napag-usapan kami at wala talaga akong masabi sa kanya. Speechless at nasabi ko lang is very good. Kahit na tungkol sa mga buhay lang din namin ang usapan namin. Diko lang din alam kung bakit wala akong masabi. Sadyang na AMAZED ako sa mga sinabi niya sakin. Very good again.
Singit ko lang at naalala ko. Sa monday na ang pasukan ng mga kapatid ko. At share ko lang sa inyo, na first time silang papasok na walang mga bagong gamit. Di kami mayaman. Pero kase, tuwimg pasukan. We had this 'ATE' na sponsored niya kami with BOARDWALK things. Bag, shoes, and sometimes even our notebooks. As in every year, but now wala ng gc(s) si ate. Pero okay lang yun. Nakaipon nga kami ng mga school bags dahil dun. Things got harder each day din kase. Okay lang ate, sobra-sobra na naibigay mo samin. At sobrang thank you sa lahat 🤗
Natutuwa lang ako na kahit ganyan, di sila nagrereklamo na wala silang bagong gamit. Kase madami naman kaming magagamit. Mga pinagliitan naming sapatos edi sa kapatid din namin mapupunta. Honestly, minsan lang kami bumili ng sarili naming gamit. Clothes, shoes, at kung ano-ano pa. Lahat galing sa mga kamag-anak namin. Lalo na dati nung kami palang mga bata sa pamilya. As in lahat ng mga packages, di pwedeng wala kami. Halos mga tita at tito kase namin nasa abroad. Kami lang yung di masyadong pinalad na katulad nila. Pero di kami walang-wala. Sabi ko nga, sila ang nagbibigay samin. At hindi na namin kailangan bumili pa. Kase madami naman kaming magagamit. Akala ng iba, mayaman kami. Kase may mga gamit kami na wala ang iba. Hindi, hindi kami mayaman. Mayaman kami sa pagmamahal at pagmamalasakit ng mga kamag-anak namin.
Ikaw, if you feel bad and insecure about what you have not. It's okay, but don't let it swallow you at the end of the day. Because at the end of the day YOU SHOULD COME TO YOUR SENSES AND REALIZED THAT YOU HAVE MORE THINGS TO BE GRATEFUL. Mas maswerte ka parin, lagi mong tatandaan yan.
Smile and have a nice day, Beautiful soul! 💖
6:53 PM. Ended.
BINABASA MO ANG
Live With Me 💖
RandomI just made this to share my everyday life. The happenings, my rants and anything. This will serve as my diary too. Because I had no one to talk to about what's happening to me on a daily basis. I just want to share my moments without getting judged...