May 30, 2019

1 0 0
                                    

It's 4:39 in the afternoon. I just got home from Sta. Rosa. We just went to my Tito's house to trade some ducks. Yeah, ducks. And have a little chat too.

Maybe magtataka kayo if karamihan english words mababasa niyo. Pasensya na. Para pag binasa ko, di masyadong cringy hahahahah. Di ako maarte. Ayoko lang ng masyadong cringy.

Taga province ako. Eldest among 4 children. Excited akong i-share mga nangyare sakin ngayong araw.

11 am na akong nagising. Ginising lang ako ni mama actually. Hanep sakit ng ulo ko. Bakit? Kagabi kase mga 10, nagkausap kami nung kapatid kong pangatlo. Si Elsa 😂 . Tungkol lang naman sa mga kdrama na napanood namin. Wala lang, random thoughts bago matulog. Ayun, nagkwentuhan na kami. Share ko din sa inyo mga napanood ko at talagang tumataktak sakin. Unang-una sa list ko. Master of Study. Sa youtube ko lang siya napanood. Yoo Seungho ang lead. GRABEEEE!!! DA BEST YAN!!!! Hanep talaga, habang pinapanood ko yan nagflashback lahat ng ginawa kong katamaran sa pag-aaral. Grabe talaga. Sobrang sisi ko nun. Tumatawa ako, kinikilig ako, at tsaka umiyak din ako dun. Tbh, di ako yung taong crybaby. Di ako mabilis umiyak. Pero the moment na bumagsak ang luha ko. Finish na. I can't hold back the pain anymore. Diko na kayang pigilin. Pagod na ako. Sumabog na ako. Bato daw puso ko. Madalang din daw ako magpakita ng emosyon. Tama sila. Pero defense mechanism ko na rin siguro yun. May wall din ako na sobrang hirap tibagin. Pero once na matibag mo, makikilala mo ako. Back to MOS. Grabe yun, kapag tinatamad ka ng mag-aral, panoorin mo yun talaga. Sana nga andun parin siya sa youtube kase yung iba kong napanood nun, pag uulitin ko na. Wala na. Kaya sana, one of these days mahanap at ma-download ko pa siya. Grabe, isa nalang masasabi ko at baka ma-spoil ko kayo. "HELLO BAEKYEON! HELLO CHANDU. LOVE YOU BOTH ❤️"

Next na napag-usapan namin ni Elsa is yung Fight for my way ni Park Seo Joon nakalimutan ko real name ni Choi Ae Ra. Ko Dong Man and Choi Ae Ra. Napanood ko na siya dati, at sobrang ang kulet lang nila dun hahhahahaha. Ang astig. Ang natutunan ko naman don, DO WHAT YOU REALLY LOVE, BECAUSE IF NOT, YOU'LL END UP MISERABLE. Ayan,yan ang di ko makakalimutan dun. Plus sobranng kulet ng tambalan nila dun. Tapos sobrang gwapo pa ni Park Seo Joon na laging naka tracksuits. Shems. Tapos ayun na nga, naalala ko na meron parin akong copy nun sa laptop. At sabi ni Elsa gusto daw niyang panoorin kaya edi go! Copy sa otg, salin dun sa isang laptop. Ayun, nanood kami at grabe inabot kami ng 4AM. Gusto pa namin manood pa kaso nahihilo na talaga ako.

Tapos ayun nga, nagising ako 11 na. Pero masasabi kong makabuluhan ang araw na to para sakin. Ayun nga, we went to Sta. Rosa. On our way, nakikita ko yung mga tarpaulins ng mga nakapasa sa bar, sa pagiging engineer, mga ganyan. And then, napag-isip-isip ko na someday kailangan at gusto ko na may ganun din ako. Aminado ako na diko parin alam kung anong gusto ko. Naisip ko rin na tama ba ang pinapasukan ko. Tapos dumagdag pa ang result ng CPALE, grabe natatakot ako. Kahit di pa ako nagsisimula. Nakakatakot mag fail.

Nakarating kami ng ganyan lang nasa isip ko. Nga pala, yung mga tito ko na yun. Sobrang simple lang ng buhay. Hirap sila. Na yung kikitain nila sa maghapon is sapat lang sa panggastos nila. Nagkwento tito ko na namomroblema daw siya. Di na siya halos makatulog para makapagtrabaho. As in sapat na sapat lang sa kanila at minsan pa kulang na kulang. Alam kong hirap din kami. Pero sobrang swerte namin kung tutuusin. Mas mahirap ang buhay nila kaysa sa amin. Saglit lang kami dun at umuwi na.

On our way home, alam niyo ba kung ano ang nasa isip ko naman? Syempre hindi. Hahahahahah. Kidding aside, ang nasa isip ko naman is KAILANGAN AT GUSTO KONG  makatapos ng pag-aaral at makakuha ng magandang trabaho hindi para sa sarili ko pero para sa pamilya ko. O sige, mali pala. Para sa sarili ko, sa future ko, sa pamilya, sa mga taong katulad nila tito na tutulungan ko, at para sa mga taong pinupush ako kapag may humihila sakin, sa mga sumasampal sakin ng reality. Kase gustuhin ko mang tumulong ngayon, wala din akong magawa e. Basta gagawin ko lahat ng makakaya ko para magkatotoo yan, lalo na at may mga kakampi ako na sobrang lulupet.

Ikaw rin, kung tinatamad ka ngayon, at mababasa to. Gawin mo lahat ng best mo para makatulong sa sarili mo at sa lahat ng taong naniniwala sayo. Kakayanin natin lahat. Harapin natin lahat. Okay lang matakot at kabahan. Kase tandaan mo to, KAPAG NATATAKOT KA O KINAKABAHAN KA, IBIG SABIHIN NIYAN YOU CARE. And that's very brave, and very human.

Hindi man ako sigurado sa pinapasok ko ngayon, i'll make the best out of it. Because I CAN, I WANT, AND I WANT TO HELP. Say it again and again and don't try to forget it. We are all in this together. At kapag pakiramdam mo pinaka malas ka na. Isipin mo yung mga tao na wala sa posisyon mo ngayon, na walang hawak-hawak ng katulad ng hawak mo. Mga taong walang mga bagay na mayroon ka. Mga walang makain. Mga hindi nakarating kung nasaan ka man ngayon. Mga di nakaranas ng kung ano ang naranasan mo ngayon. Mga taong di naranasang masilayan man lang tong mundo. Wag kang tamarin at magreklamo.Bigyan mo naman sila ng hustisya. Be contented of what you have and where you are now.

You have come too far. You will make it. Konting-konti nalang malapit ka na. Maabot mo rin yan. Not now, but soonest. You can do it, Beautiful soul!  💖 We have our dreams. LET'S GET IT!!! *Insert Jungkook's voice*

It's 5:20 in the afternoon, and my log is now officially ended.

Pahabol pala! Isa pang ire-recommend ko sainyo korean movie naman siya, ALONG WITH THE GODS yung part 1 palang napapanood ko. Pero grabe, isa pa yun. Matututo ka sa mga pinaggagawa mo. Sobrang magsisisi ka habang nanonood. Andun yung ayaw mo nang ituloy kase maiisip mo yung nagawa mo nun, tapos makokonsensya ka. Pero itutuloy mo at tatapusin mo kase worth it. Grabe, ang ganda nun. Maiisip mo, paragon na yun pero nung nililitis  siya ang hirap. Pano ka pa? Di mo kayang magpakabait at all times  Matutuong pakabait at magiging mabuting tao ka kapag natapos mo at nakapag nilay-nilay ka. Yung part 2 ata sa netflix nilabas. Diko sure. Basta diko pa napapanood. Kapag may copy naman kayo dyan, penge naman hahahahhaha.






I don't remember well, if this is the real quote but i wanna share it too you.

" JUST PLEASE STUDY HARD. STUDY HARD LIKE YOUR LIFE TOMORROW DEPENDS ON IT. " - Master of Study.

" Do whatever you love, or you'll end up miserable" - Fight for my way

Live With Me 💖Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon