P.L.K 28

6.2K 186 20
                                    

Someone's Pov

Naglalakad lakad ako ngayon kung saan pwede magpalipas ng oras.

Napadaan ako sa isang Cafe.
Hmmm. Pwede na ako dito.

Pagkapasok ko iginala ko ang paningin ko para makahanap ng magandang pwesto.

Ayun sa dulo.

Pag punta ko dun agad kong napansin ang isang babaeng nakaupo parang pamilyar.

Lumapit naman ako para makita ito at nagulat ako ng makita ko ang isang Deanna Wong and wait she's crying???

Nasa may likod na niya ako.
Di niya ako napansin kasi busy siya sa panonood sa dalawang taong nag uusap. Sinilip ko naman kung sino yon.

It's Jema and Jaycel.

Mas lumapit ako kay Deans at tinakpan ko mga mata niya.

Alam kong nagulat siya sino ba naman hindi di ba?
Pero dahil sa umiiyak siya di na niya nagawang magprotesta.

Binulungan ko siya

"Kung masakit sa mata wag mo ng titigan, para ka lang nakipag staring contest sa araw.. I'm here lang for you."

I hug her at naramdaman kong lalo siyang umiyak.

Nung medyo ok na si Deans sa pag iyak. Bumitaw na ako sa yakap namin.
At pinunasan ko mata niya.

"Deans let's go. Wag na tayo dito"

Deans: San tayo pupunta?

"Basta. Tara?"

She just nod at agad na kaming tumayo. Pagdaan namin sa table nila..

Jema: Pssssst!!

"Hi Jema!"

Jema: Sino yang kasama mo? Magkaholding hands pa kayo ha.. ikaw ha..

Napatingin naman ako sa kamay namin ni Deans.

Humarap naman siya kela Jema at halata kay Jema na nagulat siya.

Lumapit naman si Deans kay Jema at may ibinulong ito. Halata naman ang pag iba ng mukha ni jema.

Ano kaya binulong niya..?

Nahalata kong parang iiyak na namn si Deans. Kaya bago pa makapagsalita si Jema hinila ko na si Deans.

"Sorry Jema we have to go."

Baka kasi mamaya magkagulo pa dito.

Pagdating sa parking area ng café..

"Ahmm. Deans wala akong dalang car, ikaw ba may dala ka?"

Iniabot naman niya sakin ang car keys niya kaya ako ang magdadrive.

Tahimik lang kami sa byahe hindi ko alam kung saan ba kami pupunta. Maybe I should asked her nalang.

Pangarap lang kitaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon