After ng encounter namin ni Jema sa CR sa bahay nila Ate Bei ay naging mailap na siya sakin. Nag invest na siya sa company ko pero laging si Roma ang pinapapunta niya. Kapag tinatanong ko si Roma ang sinasabi niya lang busy si Jema.
Kaya maaga akong umalis ngayon ay para puntahan si Jema sa bahay nila. Hindi ako papasok sa trabaho.
Nakabihis na ako. I'm not wearing my usual outfit kapag pupuntang office kaya for sure magtataka si Pongs. I'm wearing black pants and white printed button down polo and white shoes cortez. Pag baba ko sa kwarto ko naabutan ko si Pongs na nakaupo sa may living room at umiinom ng coffee. Lumapit ako dito at nagbeso.
"Goodmorning."
Pongs: Goodmorning. May lakad ka?
"Ahmm.. yeah pupunta ako sa warehouse I'm going to check it matagal tagal na din akong di nakakapunta don."
Yeah Deanna magsinungaling ka pa.
Pongs: Sino kasama mo?
"Si Anne, you know her naman di ba?"
Pongs: Yup, yung Secretary mo.
"Uh huh."
Pongs: Okay ingat ka.
"How about you? Wala ka bang pupuntahan?"
Pongs: Hmmmm.. I don't have plans pero kapag may biglaang mag aya sakin I will text you naman.
"Alright."
Pongs: Ingat sa pag drive. And I love you.
Para akong sinampal sa sinabi ni Pongs. She loves me kahit hindi ko siya mahal. Sinasampal ako ng katotohanang may asawa na ako. I try to love her pero iba parin talaga yung pagmamahal ko kay Jema.
Dumaan ako sa flower shop para bilhan si Jema ng favorite niya. Then Nagdrive na ako papunta sa kanila.
Pagkarating ko I saw a familiar car na nakapark sa may labas. Inisip kong mabuti kung kaninong car ito pero wala hindi ko maalala. Bumaba ako sa kotse ko daladala ko ang bulaklak. Lalakad na sana ako papunta sa bahay niya ng makita kong lumabas si Jema at kasama niya si Jayce.
Pinagbuksan pa ito ng pinto ni Jayce tapos umalis na sila. Sumakay na din ako agad sa sasakyan ko. Susundan ko silang dalawa. Marahan akong nagmamaneho kasi as much as possible ayokong medyo dumikit sa sasakyan ni Jayce baka mamaya makahalata na sinusundan ko di ba?
Huminto sila sa Mall. Aga aga magmamall. Nang makapagpark sila ay nagpark na din ako kaagad. Siniguro kong may dalawang sasakyang nakapagitna samin para hindi ako makita. Bumaba ako at pumasok na sa loob ng mall. Nagsuot ako ng cap para hindi ako makilala baka mamaya may makakilala saking fans before di ba mahirap na.
Pumasok sila sa isang boutique pang girly stuff. Di na ako pumasok sa loob nag intay lang ako sa labas nito. Nang makalabas sila I saw Jayce na may dala dalang paperbags na. Tsss ako dapat yan eh.
Nagpatuloy lang ang pagsunod ko sa kanila. Sa dami ng pinupuntahang boutique ni Jema ay napapagod na din ako. Halos lahat ng boutique binibilhan niya. At sa wakas nung pumasok sila sa isang malaking boutique na puro formal clothes ay nagkaroon ako ng pagkakataong pumasok sa loob. Kanina kasi ang liit noong ibang boutique if papasok ako baka makita nila agad ako.
Pumipili ng damit si Jema while si Jayce ay nakaupo. Medyo lumapit ako para marinig ko ang pinag uusapan nila nang makaisip ako ng idea.