P.L.K 44

5.1K 143 8
                                    

Jema's Condo

Deans: Love ano pala pag uusapan natin?

Tanong niya sakin.

"Nalaman na ni Dad yung tungkol satin"


Deans: And?

"Parang galit siya.. and sabi niya gusto ka niya mameet this Saturday"


Deans: Talaga???

Akala ko kakabahan siya pero parang tuwang tuwa pa sa nalaman niya.

"Oo.. hindi ka ba kinakabahan jan?"

Deans: Bakit naman ako kakabahan? Gusto ko na nga sila mameet para soon maikasal na tayo di ba?

"Pero ako kinakabahan. Baka kasi magalit si Dad what if against siya satin, what if pag hiwalayin niya tayo"

Lumapit siya sakin at hinawakan ang magkabila kong kamay.

Deans: Kaya pala ganun ka sakin kanina nung magkausap tayo sa call. Tsk, Wag ka mag alala love, Dito lang ako lagi hindi kita iiwan sabay natin haharapin lahat.


Niyakap ko siya ng mahigpit. Tama siya kaya namin tong dalawa. Pagkatapos nito okay na kami. Pwede na kami magpakasal kung kailan namin gusto.


I checked my watch. Medyo maaga pa pwede pa kami mag ramen. Bumitaw na ako sa yakap namin.


"Love maaga pa pala pwede pa tayo mag...



Both: RAMEN!!!


Natawa nalang kami pareho. Kahit kelan talaga magkasundo kami. And never pa kami nag aaway.

Nagpalit lang ako at umalis na din kami para pumunta sa ramen house around katipunan.


Pagdating namin umorder na kami at pumwesto sa lagi naming inuupuan. Habang nag iintay kami sa order namin nagkwekwento ako kay Deanna ng mga kung ano ano pero nung ilang minuto nakalipas parang di na siya nakikinig at natulala na kung saan. Hinayaan ko nalang dahil dumating na order namin.

———————————————————
Deanna's Pov

Busy kami sa pagkwekwentuhan ni Jema ng biglang naagaw ang atensyon ko ng taong bagong pasok dito sa ramen house. Actually marami silang magkakasama pero siya yung agad kong napansin. I know her siya yung nakatama sakin ng bola kanina. Sinundan ko lang ng tingin siya hanggang sa dumating na ang order namin kaya naputol ang pagtitig ko sakanya.


Shit Deanna wong!!! Umayos ka!!
Kasama mo Fiancé mo!


Jema: Love you okay? Kanina kapa tulala sino ba tinitingnan mo?


Shit


"Tinitingnan? Ahmm.. wala ah. May naalala lang ako, I'm okay love no worries"
Sabay ngiti


Muntik na ko don ah.

Yun na nga kumain na kami ni Love at pagkatapos namin nagpaalam siya saglit para magcr.

Tinawag ko yung isang staff para magbill out at dahil sa pagtawag ko dun napansin ako ng mga nasa kabilang table. Tumitingin sila sakin at parang tinutukso yung kasama nilang isa. Habang kumukuha ako ng pera biglang nalaglag yung wallet ko at nung pupulutin ko na sana may kamay din na pumulot dito so ang ending nagkahawak kami ng kamay.



Pangarap lang kitaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon