CHAPTER 3

20 5 0
                                    


Third Person's POV

November 1, 20**

Inimbitahan ni Cathy ang mga babae sa kaniyang kwarto para makipag kuwentuhan.

"Oh, hi! Nice to see you again! Sorry kayo lang kasi yung kilala ko dito. Pasok kayo." Sabi ni Cathy sa mga dalaga.

"Salamat." Ani Anna

"Bakit November 1 pa talaga?" Tatawa-tawang wika ni Shaira.

"Oo nga naman, hahaha" Sabi naman ni Akira.

"Ay! May sasabihin nga pala ako--" Natigil sa pagsasalita ang dalagang si Clarrise nang biglang nagpatay-bukas ang ilaw.

Tahimik ang buong paligid. Dinig lamang ang malalakas na hininga ng mga dalaga sa kwarto.

Nanatili ang pag papatay-sindi ng ilaw ng ilang minuto.

Nang matapos ang nakakatakot na pangyayari ay tahimik pa din ang mga dalaga sa silid. Kabado silang lahat at nangangatog.

Bago pa man makapagsalita muli si Clarrise ay may nauna ng boses.

"Tulong. Tulungan niyo ako. Parang awa nyo na. Tulong."

Umulit ito ng ilang beses hanggang sa humina ito at tuluyang mawala.

"Cathy, wala naman sigurong multo dito? November 1 ngayon, uy!" Kabadong tanong ni Kira kay Cathy habang nagpapalinga linga sa paligid. Pinakikiramdaman ang mga mangyayari.

"W-wala. Di ko pa na experience. Ng-ngayon lang." Napalunok ang dalaga sa reaksiyon ng mga kaibigan. "W-what?" Kabado niyang tanong.

"Wala ka bang tinatago or what?" Pag uusisa ni Clarrise kay Cathy.

"Wala. T-teka nga. Ano bang meron?" Kabadong tanong ng dalagang si Cathy sa mga kasama.

"Wala naman." Sabi ni Clarisse.

"Ano nga pala yung sasabihin mo, Clarrise?" Tanong ni Anna ng maalala na may sasabihin sana si Clarrise sa kanila.

"A-ah! Oo!" Nang maalala din ni Clarrise ang pinu-punto ni Anna.

"So ano nga?" Tanong ni Akira.

"Oo nga?" Sabat ni Kira.

"Ano kasi. I-iinvite ko sana kayo. Birthday ko kasi. Ilang araw lang naman." Nahihiyang tugon ni Clarrise. Pero imbis na magtaka ang mga muka ng mga dalaga ay lumiwanag ito na para bang walang nangyaring kababalaghan kani-kanina lamang.

"Syempre naman!"
"Oo! Masaya yun!"
"For sure!"
"Gawin nating memorable!"
"Kailan ba?"

"Bukas sana. Ok lang?"

"Oo naman!" Sabay-sabay na tugon ng magkakaibigan sa dalaga.

Dumating na ang kaarawan ni Clarrise. Lahat ay handa na. Pagkain, inumin at syempre ang regalo galing sa kaniyang mga kaibigan.

"Happy Birthday Clarrise!" Masayang sambit ng mga kaibigan niya. Habang nagkakasiyahan ang lahat biglang namatay ang ilaw. Lahat ay natakot maging ang ibang bisita. Their hands are shaking, knees are trembling. Lahat ay nanatiling tahimik.

"Clarrise anong nangyayari?" Tanong ni Shaira.

"Ewan ko." ang tanging nasagot ni Clarrise.

Maya maya lang nagkaroon na ng kuryente.

"Weird." Sabi ni Clarrise at nagpatuloy na sa gawain nila.

"Kalma lang po tayo. Baka brown out lang." Sabi ng emcee.

Nagbalik na sa dati ang lahat. Nagsayawan, kainan, kulitan at iba pa. Nabalik ang kasiyahan ng lahat at parang walang nangyari.

"Dito na kayo matulog sa kwartong ito. Walang magpapagabi sa labas, ah? Delikado." Pag papaalala ng ginang sa mga dalaga.

"Opo!" Sabay sabay nilang ani at tumango naman ang ginang bago isara ang pintuan.

"Tara maglaro muna tayo!" Sabi ni Clarrise sa mga kaibigan. Sumang-ayon naman ang lahat sa kaniyang sinabi.

"7:30 palang naman eh." Pag-sang-ayon ni Anna kay Clarrise.

"Laro tayo ng tagu-taguan!" Lahat sila ngayon ang naka puting bestida dahil iyon ang ipinasuot sa kanila ng ina ni Clarrise.

"Sige ba!" Sabi nila at nag bato bato pik upang malaman kung sino ang magiging taya sa kanilang anim.

Naging taya si Kira kaya naman bumilang na siya ng isa hanggang limampu.

Nagtago si Cathy sa ilalim ng lamesa sa may sala.

Si Anna naman ay nasa cabinet duon din mismo sa kwarto.

Si Akira ay nasa tabi ng hagdanan sa may aparador.

Nasa kusina naman si Shaira.

At si Clarrise sa tabi ng kama nakasiksik.

Nang matapos sa pagbibilang si Kira ay naghanap agad siya at lumabas ng kwarto. Inisio niya na imposibleng nasa kwarto ang mga kaibigan dahil sa madali niya itong mahahanap.

Nagtungo ang dalaga sa may hagdan at nakitang may nakaputi. Unti-unti niya itong nilapitan at sinabing... "Boom!" Sabay hawak sa balikat ng nakatalikod na babae.

"Ugh! Ano ba yan! Ako ba una?" Tanong ni Akira sa kakambal.

"Oo eh." Sabi niya at nagpatuloy ang dalawa sa paghahanap.

Tahimik na naglalakad si Akira samantalang si Kira naman ay parang may binubuong konklusiyon sa utak.

"Alam ko na!" Naka isip ito ng ideya kung saan pwedeng magtago si Clarrise. "Sa kwarto ng mga magulang niya!"

Agad na nagmartsa ang dalawa patungo sa kwarto ng mag asawang Bueser at laking gulat nang makakita sila ng nakaputing bestida. Nakaharap ang babae sa pintuan at parang hinihintay na magbukas ito.

"Huli ka!" Tatakbo na sana si Kira upang mahuli ang babae ng bigla itong humarap.

Agad na namawis ang dalawa sa nakita. Malalamig na pawis ang bumalot sa kanilang mga balat ng makita ang isang babaeng duguan. Hindi lubos maaninag ng dalawang dalaga ang muka nito ngunit nakasisiguro silang hindi ito ang isa sa mga kaibigan nila.

"Ahhhhh!" Tumakbo pabalik ang dalawang dalaga sa kwarto at pinaypayan ang sarili gamit ang kamay. Kabado nilang isinara ang pintuan.

BABAE SA HALLWAY (SHORT STORY)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon