Sulat Para Kay Maria

60 7 12
                                    

Pinakilig At Sinaktan
(One Shot Compilation)
Sulat Para Kay Maria

Mahal kong Maria,

Mahal kita.
Salitang una kong binanggit hindi sayo kundi sa kanya.

Sa una kong Prom siya ang kapareha,
unang naisayaw sa saliw ng musika.

Unang inalayan ng
rosas na pula
una ring sinayawan, kinantahan
at hinarana.

Unang babaeng pinakilala
kay Inay at Itay.
At una ring naging girlfriend kong
kanilang minahal bago ikaw.

Sa araw ng aking pagtatapos sa kolehiyo sa tagiliran ko siya ay nakatayo, tulad kong may malapad na ngiti habang ang kamay ay nakaangkla sa aking braso.

Sa una kong sahod
siya ay nalugod
sapagkat tatlong ulit kaming
sa sinehan ay nanuod.

Mahal, kung bibilangin ang aming mga naging unang karanasan,
sa oras tayo ay magkakaubusan.

Ilang ulit pa ba na siya ay iyong pagselosan bago mo tuluyang maintindihan na siya ay karugtong nalang ng aking nakaraan?

Mahal maniwala ka, mahal kita.

Ang sabi ko ay mahal kita at
hindi mahal ko siya.

Mahal kita.
Oo, salitang binanggit ko rin noon sa kanya.

Mahal kita,
katagang sa ngayon sayo ko naman babanggitin ng walang sawa.

Mahal, tunay ngang kailanman
siya ay 'yong hindi matutumbasan kung sa karera lang ng paunahan
dahil siya ang aking unang pag-ibig
ngunit, dapatwa't subalit...

Ang totoo,
siya ang tunay na sayo'y hindi hihigit
dahil sa ngiti mo palang ako'y para ng nasa langit.

Siya ang aking una
pero pangako kong gagawin kitang aking panghuli, sinta.
Kaya madali na't isuot
singsing na ngayo'y nasa harapan mo na

at tanggapin ang alok kong kasal
bilang tanda na mahal kitang talaga.

Umaasang magiging iyong ASAWA,
Juan Ramona.

Pinakilig At Sinaktan (One Shot Compilation)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon