Chapter 2 - WHAT A DAY!

14 0 0
                                    

SKYE'S POV

"Baby, baba na! 6:45 na!"

"Opo, baba na ma!" Sabi ko nga, magpapalate talaga ako. Di ko talaga kayang gumising ng maagang maaga. Bumangon na ako at naligo tsaka kumain na din. Buti na lang at walking distance lang papuntang school. Naglalakad na ako ng biglang may huminto sa tapat ko na motor. Aba! Uniform to ng boys sa school namin ah?

"Sakay ka na Skye!" Tinignan ko kung sino, si Phoenix lang pala! Sumakay na lang ako! Bilis niya magpatakbo ah? Sabagay, ganito naman yung mga gusto ko eh!

"Nandito na tayo." Pagkababa ko, nakatingin silang lahat sa'min. Ano na naman ngayon? Dahil ba sa kasama ko si Phoenix?

"Kasama niya na naman si Fafa Phoenix!"

"Tignan niyo, lalandiin na naman niya ung apat"

"Such a flirt!"

Aba! Parang di naman ata pwede 'to ah? Kung makapagsalita sila!

"Huy! Kung di kayo titigil sa kakadada, sasapakin ko mga pag mumukha niyo!" Tumahimik silang lahat! Aba! Kinakatakutan pala nila si Phoenix. Bakit kaya? Pagpasok namin sa room, wala pa si Mr. Hawkins kaya kinalabit ko muna siya, wala pa kasi yung tatlo eh. Bakit kaya?

"Uy, bakit di na sila nagsalita? Natatakot ba sila sayo?"

"Hindi lang sa 'kin, sa 'tin na lima." Sagot niya.

"Huh? Sino sino naman at bakit?"

"Kase famous tayo. Tayo nina Allison, Cyrille at Shane."

"Huh? Bakit?"

"Eh sa -" Naputol yung sasabihin niya kase pumasok na si Allison, Cyrille at Shane.

"San kayo galing?" Tanong ko.

"Sa bahay niyo. Hinintay ka" Sabay sabay nilang sagot.

"Ay, sorry. Sinakay na kase ako kanina ni Phoenix eh." Nakita kung ngumisi si Phoenix pero yung tatlo, nakatingin sa kanya ng masama.

"Sana nagtext ka man lang." Sabay sila ulit? Magsasalita na sana ako kaso pumasok na si Mr. Hawkins.

"Good Morning class!" Masayang bati niya.

"I will just assign you to your proper seats for the whole school year." Ay ano ba yan, di ko na makakatabi si Cyrille na napakadaldal.

"At the back will be Mr. Turner, Mr. Knight, Ms. Sparks, Mr. Hunter and Mr. Forbes. Magkakatabi na lang yung Top 5 natin para maiwasan ang pagkokopyahan." Yea! Katabi ko ulit si Cyrille, I mean yung apat! Pero ano daw yun? Top 5? Kasali ako dun? Mukhang napansin naman ni Allison yung pagtataka ko kaya kinalabit niya ako.

Love For The Second TimeTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang