Chapter Two

2.2K 22 1
                                    

CHAPTER TWO.

---

JESSICA

“Ang sipag mo, babes.” Napatigil ako sa pagsusulat ng marinig ko ang bwiset na boses na yun. Ginalaw ko ang panga ko at tumingin sa kanya ng masama. Kung kukulitin niya lang ako, wala akong time para sa kanya.

Naramdaman ko na umupo siya sa harap ko. Nakita ko naman na kina-kalikot niya ang cellphone kong nakalagay sa ibabaw ng mesa.

“Kevin, ano ba?! Please, kahit one day lang! Ginugulo mo ako eh!” I said in a lower voice. Hinablot ko naman ang cellphone kong hawak niya. Hindi ako makasigaw dahil nandidito ako sa Library . Hindi ko alam kung bakit siya nandidito. Ayaw niya na lang mangbabae. Ts. Muli kong tinuong pansin ang ginagawa ko.

“Ok.” Sabay hablot ng ginagawa ko.

“Tumahimik ka nga! Give me back, kailangan kong tapusin yan!” Naiinis kong sabi. Deadline na ngayon ng ginagawa ko, kailangan kong magpasa ngayon din.

“Eto pala ginagawa mo? Eh tapos na ako dito eh.” He said and smirked. I rolled my eyes.

“Hangin ano?” I said in sarcastically.

“Totoo naman eh?” Sabi niya pa. “Paano kaya kung punitin ko ito?” Nanglaki ang mata ko.

“Subukan mo! Mawawalan ka ng ulo!” Diin ko. Gustong gusto ko na sumigaw.

“Saang ulo? Taas o … Baba?” Sabi niya sabay tawa ng malakas. Umirap lang ako, walanghiya talaga kahit kailan.

“Gusto mo dalawa pa eh?” Hamon ko sa kanya. Nilahad ko ulit ang kamay ko para ibigay niya ang project ko. “Give me back, wala akong oras sa laro mo Gomez,” I sighed.

“Poor, Santos.” Sabay iling niya. Nainis naman ako ng sobra. Inaasar niya talaga ako ah.

“Akin na sabi eh!” Napalakas kong sabi. Opss, wrong move.

“Santos, get out!” Library teacher said.  Tumingin ako ng masama kay Kevin. Tumawa siya ng mahina at nilagay ang isang kamay niya sa bulsa niya.

“Gomez.” Sabi ko. Padabog kong kinuha ang Project ko sa kamay niya.

Bwiset siya! Sana mawala na siya sa Earth! Alam kong sinusundan niya pa rin ako. Bwiset siya! Lumabas ako sa library at hindi siya pinansin .

“Pwede ba, Gomez! Wag mo ako sundan!” Inis na sabi ko. Tumigil ako sa paglakad at tumingin sa kanya.

“Wow.” He smirked. “Masyado kang assuming. Malamang lalabas ako sa library wala naman akong gagawin dun eh.” Sabay lagay ng dalawang kamay niya sa bulsa.

“Anong assuming! Kunware ka pa, sinusundan mo ako! Siguro crush mo ako no?” Asar ko sa kanya.

Tumawa siya ng malakas. Nakahawak pa siya sa tiyan niya, grabe? Mukhang ba ako nagbibiro?

“Crush? In your dreams.” He said. Nakita ko siyang tumingin sa likod ko. Napatingin na din ako.

“Hi baby.” Sabi ng babae kay Kevin. Ngumiti naman si Kevin at napatingin sa dibdib ng babae. Manyak talaga!

“Hi, hmm— what your name again?” Sabi ni Kevin. Nagpigil naman ako ng tawa. Playboy talaga. Sa mukha pa lang ng babae mukha siyang nadismaya.

My Naughty KevinTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon