Chapter Seven

2K 22 3
                                    

Ilang araw ko ng hindi nakikita si Kevin , siguro galit talaga yun sa akin . Ang tanga ko rin kasi e , kakagaling niya pa lang , pinaglinis ko na agad . May meeting ngayon , 10 am . 9:30 pa lang naman . May time pa akong kumain , papasok na ako ng Canteen ng biglang may tumawag sa akin .

" PRESIDENT! " Si Elle . Sino pa ba tumatawag sa akin ng ganun? Diba siya lang , lumingon ako sa kanya . Tumakbo naman siya palapit sa akin . 

" San ka galing kahapon? Magkasama kayo ni Kevin? Ayiie . Diba pumasok ka kahapon? Bakit sabi ni Sir absent ka daw? Hinahanap ka ni Jason mo . Tumaw--"

Pinutol ko ang sinasabi niya sa akin .

" Easy Elle ok! Isa isa lang , mahina kalaban . " Natatawa kong sabi . Tumawa rin naman siya , siguro natatawa siya sa sunod-sunod niya na tanong sa akin . 

" Explain . " Sabi ni Elle . 

" Late--"

" NOW! " Singit niya . Sabay taas ng kilay . Hindi ako mananalo dito . Yung bunganga kasi , ang ingay ingay pa . Yung bulong niya , hindi na bulong sigaw na . 

" Ok . " Sabay pasok ko sa Canteen . " President , hilig mo talaga mang-iwan! " Sabi niya mula sa likod ko . Ngumisi lang ako . Kahit ganyan yan si Elle , mabait yan . Siya lang ang merun ako . Siya lang ang Bestfriend ko . 

Nangmakaupo kami , nag tanong agad siya .

" President . Simulan mo na . " She smirked . Huminga muna ako ng malalim . Interview-hin daw ba ako . -___-"

" Yes , kasama ko si Kevin . " Magsasalita sana siya , agad kong nilagay ang palad ko sa bibig niya . Ang lakas pa naman ng boses nito . 

" Listen you first . " Sabi ko . Tumango naman siya na parang bata . 

" He got sick yesterday , kaya wala ako . " Sabi ko rito . Parang baliw 'tong si Elle , namumula bigla bigla . " Inalagaan ko siya then --"

" Nag sex kayo? " Napaubo ako sa sinabi niya . Tinignan ko siya ng masama . So kaya pala siya namumula kala niya may ginawa kaming kababalaghan ni Kevin kahapon? Ang dumi ng utak neto! 

" Hell NO! What are you saying Elle? Hinding hindi ko ibibigay sa kanya ang kabataan ko no! " Sabay irap . Nag peace sign lang siya , 

" Kala ko merun e . Alam mo naman si Kevin diba . " Saad nito . " Btw , may meeting today . Let's go . 9:45 am na . " Habol niya , tumango naman ako at tumayo na kami . 

*

" Ok guys . Malapit na ang Foundation right? " Sabi ko sa kanila . Nag me-meeting na kami ngayon . Salamat sa diyos , at kumpleto kami ngayon . Tumango naman sila .

" Kailangan namin ni Elle ng tulong niyo about sa Foundation Day . " Magsasalita pa sana ako ng biglang may sumingit .

My Naughty KevinTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon