apology ♤ chapter two - him

11 1 5
                                    

Ibinaba na ni Tine yung hawak hawak niyang tray sa harapan ko. Her tray contained a croissant and a hot chocolate, saka naman kinuha ng isang waiter ang hawak niyang tray matapos niyang maiayos ang pagkain niya.

Nasa loob kami ng isang coffee shop na ang pangalan ay Ai Coffee Shop, and I was sure na ito yung coffee shop na hidden, pero madalas puntahan ng mga idols. Kahit sa mismong website nito ay hindi nakalagay ang address nila, kaya naman talagang hidden siya.

Hindi ko nga alam paano nalaman ni Tine dito, e.

Nag umpisa na siya sa pagkain, kaya naman inumpisahan ko na din yung cake ko.

"So, sabi sa akin ni Hoshi oppa na hindi mo daw kilala ang iKON?" Bungad ni Tine, kaya naman sumimangot ako.

Naalala ko na naman yang Junhoe na yan. Ni hindi ko nga alam kung anong last name niya. Bahala siya sa buhay niya dahil wala talaga akong interest sa kanya sa paraan na tingin niya.

"Ano naman?" Sabi ko, at tumawa siya.

"Galit ka din daw kay Junhoe?" Tanong pa niya, making me groan.

"Alam mo, ayokong naririnig yung pangalan niya-"

"Aha! Alam ko na. What if sabihan kita ng tungkol sa kanya, tapos kunwari hindi mo alam, para malalaman mo kung ano yung mga tungkol sa kanya? If you want, you can use it for your comebacks whenever he pisses you off," sabi ni Tine, at nanliwanag naman ang mga mata ko.

Actually, may point siya. HAHAHAHA.

Ano kaya, Junhoe?

"Fine," sabi ko, at saka tumawa naman siya.

Uminom siyang saglit sa hot chocolate niya at saka hinarap ako. Ngumiti pa siya nang parang nakakaasar, kaya naman medyo kinilabutan ako sa kanya.

"Paige, first of all, alam mo bang 1997 siyang pinanganak? Which means na mas matanda siya sayo," sabi ni Tine, kaya naman napataas ang kilay ko.

"1997 din ako, Tine." Sabi ko, at tumawa naman siya.

"Pero March siya, at December ka pa," sabi niya, causing me to roll my eyes and sigh.

"Whatever," banggit ko, at ngumisi naman si Tine.

"He has a raspy deep voice. Ang ganda promise. Tapos fan din siya ni Michael Jackson.  He can be really sassy when he wants to. Maingay din yung boses nun," paliwanag ni Tine, kaya naman napangisi ako.

Maingay nga. Dada ng dada.

"Madaldal nga," sabi ko, at napatawa naman siya ng kaunti.

"And! His ideal type is a girl who hates him," sabi niya, at natawa naman ako.

"He's a masochist, isn't he? Grabeng ideal type yan, ha?" Sabi ko, at tumawa naman siya.

"Hayaan mo siya. Pero wait. Teka, hate mo siya diba?" Sabi niya, at agad ko naman siyang hinampas.

"Gaga ka Tine, malamang hate ko yun. And it's a mutual feeling. Parehas naming ayaw sa isa't isa," sabi ko, at tumawa naman siya dahilan para magtinginan dito yung iba pang customers.

Nagkuwento naman na siya tungkol sa ibang members pa ng iKON, kaya pinakinggan ko nalang siya. Si Junhoe lang naman yung hindi ko gusto, e. Ang sarap kasi niyang tirisin!

So far, si Hanbin yung parang nagugustuhan ko. And isa pang nalaman ko dun ay nagdedate pala sila ni Tamara Song! Yung isa sa mga pinapakinggan kong soloist. Ang bagay nila sa isa't isa. Pinakita pa sa akin ni Tine yung photos nila online.

Nagfafangirl naman na siya, kaya pinatigil ko na siya. Pagtitinginan nanaman kami nito, e.

I facepalmed, at saka ipinagpatuloy nalang ang pagkain. Kinuha ko naman yung phone ko at naglog in sa twitter ko, and then composed a tweet.

apology ♤ koo junhoeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon