"Isa pang dakdak, matatawa na ako," sabi ni Piper, habang nanonood kami ng isang theater play dito sa may malapit.
Napakalapit talaga sa kabihasnan ng bahay namin, kaya naman natutuwa ako. At least hindi ganun kaboring. Lagi ko na rin nakakasama si Piper these past month simula nang umuwi ako. Tuwing naaalala ko naman yung nakagrey na yun, nanggagalaiti akong lalo. Sobra.
Isa siyang exception sa mabuting lahi ng mga Korean. Napakasuplado, napakapiling, napakanakakainis!
"HAHAHAHAHA," sabay na tawa namin ni Piper, nang makita nanaman namin yung mukhang ensaymada na actress. Mataba kasi siya na maliit, mas maliit pa sa kasama ko ngayon.
Yung buhok kasi niya, mukha talagang itaas ng ensaymada at yung katawan naman niya, well, mukhang katawan ng ensaymada. HAHAHAHA.
"Sabi ko kasi sayo, ensaymada nga, e," sabi ni Piper, at medyo natawa naman ako. Kaya lang, nakakaiyak na scene na yung nangyayari kaya ang weird tignan kung tumawa pa kami dito.
"Jusko, hindi ko na alam," sabi ko, at nanood naman kami ulit.
Kumain nalang ako nung doughnut na dala dala ko kanina, at saka pinagpatuloy yung panonood habang nakikinig na rin sa mga sinasabi ni Piper sa akin tungkol sa plot nung play na ginagawa nila. Napanood na daw niya kasi to, pero gusto niyang makita ko kaya naman sinamahan niya ako ulit na panoorin yun.
Nananahimik lang kami dito sa may seats namin nang biglang may nakausog sa upuan ko, kaya naman napalingon agad ako sa nakaupo sa likod namin. Sino pa bang makakasipa nun? Edi yung nasa likod? Alangan naman na makarating sa likod yung paa nung nasa harapan namin?
"Ang ingay niyo, please pakitahimik naman. Gusto rin namin manood," sabi nung lalaki na nakaupo sa likod, kaya lang ay mukha siyang familiar.
Inisip isip ko pa, pero hindi ko pa rin maisip isip. Ang gulo lang?
Maybe nakita ko somewhere? Nakasakay ko? Nakatapon ko ng kape? Jeez.
Teka.
Yung spoiled brat!
"Ano? Iaadmire mo nanaman yung pagmumukha ko? Ikaw yung nasa mall, diba?" Sabi nung lalaki, at natawa naman ako ng sarcastic.
"Wow, unknown person. Hanggang saan aabot yang kapilingan mo? Ni hindi nga kita kilala? Sod off," sabi ko, at kumunot ang noo niya.
"Hindi mo talaga ako kilala? Pwes, malalaman mo din. And hindi mo ako tatarayan kung malaman mo lang kung sino ako," sabi niya, "Mga babae nga naman. Ang susungit."
I scoffed, saka naman ako humarap nalang.
"Wag mo nang pansinin. Mukhang papansin lang," sabi ni Piper, at tumango naman ako.
Nakalabas na kami sa theatre, nang biglang makita ko si Hoshi oppa sa may bandang gilid. Aba, buti nandito siya?
"Uy, aalis na ako, ha? Hinahanap kasi ako ng pinsan ko," sabi ni Piper, at tumango naman ako. "Kwentuhan mo ako mamaya."
I nodded, at saka nagwave sa kanya. Medyo busy na rin kasi siya sa buhay niya, eh. Kaya naman hindi ko na mapipigilan na hindi kami makapagsama.
Lumapit naman ako kay Hoshi, saka piningot yung tenga niya.
"A-A-Aray!" Sabi ni Hoshi, at saka tumawa ako. Humarap naman siya sa akin, saka ginulo gulo yung buhok ko. "Aba, ngayon ka pa nagpakita."
"Ay, wag na ba?" Tanong ko, at umiling iling naman siya.
Nang may magclear ng throat niya sa gilid namin ay saka ko lang narealize na may kausap pala siya. I grimaced, at saka nagtago nalang sana sa likod ni Hoshi kaya lang ay inakbayan niya ako saka itinabi sa kanya.
BINABASA MO ANG
apology ♤ koo junhoe
Fiksi Penggemar♤ ikon series #2 ♤ "this is my apology; i'm sorry i couldn't protect you," paige kwon, as a girl, had always been confusing. minsan ito, minsan yun, minsan oo, minsan hindi. pero iisang bagay ang sigurado, she doesn't like boys her age in the countr...