Chapter 6

334 13 4
                                        

Maris' POV

Papunta na ko ng school ngayon.  At syempre FOUNDATION WEEK na!! Yes!! Ang saya ne'to!! Kasi alam nyo ba, kahit sino pwedeng pumasok sa school basta may ticket :D Pupunta dito si kuya Jacob mamaya at syempre si daniel. Magkikita sila mamaya kaya ipapakilala ko narin sya kay kuya kasi gusto ring makilala ni kuya si daniel. Mga kuya nga naman oh. HAHAHA!

Nandito na ko sa school at pag pasok ko, woah!! Ang ganda ng school namin ah. Ang daming designs for sure ma sspecial mention nanaman yung mga Arts and Design Club ng principal ne'to! Ang galing kasi nilang mag design eh. Sobra. Ang gaganda rin ng suot ng mga kaklase ko ah hahaha Mukhang naging Fashion Week hindi Foundation Week. XD lol

Oo nga pala, May Band Battle mamaya may guest pa nga eh. Callalily tska 6 cyclemind kaya sobrang saya talaga. 7:00am- 12 midnight ang foundation week na ito kaya ito ang pinakamasaya sa lahat! HAHA okay masyado ba kong madaldal.

Nandito na ko sa booth at yung mga kaklase ko naman ay nagaayos na. "Food 'Le Buy" yung pangalan ng booth namin kasi puro pagkain. Natatawa nga ako sa booth ng iba eh. May mga slippers na binebenta nila at ang design ay ang pangalan ng school. HAHAHA pero ang gusto ko talaga yung booth ng mga Alumni. Yung mga damit pang fashion tapos ang mumura pa. Kaya mamaya, dun ang uunahin namin ni loisa pag may free time kami.

"Hi maris!" Yakap sakin ni loisa.

"Oh, nandito ka na pala. Pahawak naman ne'tong mugs." Utos ko kay loisa kasi andami kong hawak.

"Tulungan ko na kayo." sabi ni stephen

Naghahanda na kami para mabilis kaming matapos at yung iba ko namang kaklase ang mga mag bebenta mamaya.

Inayos namin ang dapat ayusin para mabilis matapos. Wala pa ngang start pero mahaba na yung pila. Aba ayos ah! =))) Pero ba't nagtitilian yung mga babae? Anong meron?

"Hoy maris! Congrats ha? Ang pogi naman ng boyfriend mo!" -Louie (bading)

Boyfriend? Ha? O-ohhh.

Tumingin ako kung saan man nakatingin yung mga babae at... O.o

Si daniel nakatayo, May nakasabit na whiteboard sa leeg nya na nakalagay, "One food, One kiss (cheeks). So buy now!" Jusko!! Kaya pala ang haba ng pila! Pero okay narin yun para mauubos agad. Grabe daniel :(

"5..4..3..2..1" Bilang ng mga babae at pagtapos nun, Nagsitilian ulit yung mga babae. Haaaay naker. -_-  Grabe andaming bumibili HAHA nakakatawa yung mga kumikiss kay daniel kasi ang cute ng mga mukha. XD Die hard fan? Artista daniel ha? Pinapanood ko lang sya. Kasi tapos na kami mag ayos ng mga gamit.

"Pag-ibig na ituuuu." Bulong sakin ni loisa. Di ko sya pinansin. HAHAHA sorry naman. Busy ako kay daniel eh.

Hanggang sa umonti yung pila, nakangiti parin sya. Di ba sya napapagod? Lumapit ako sakanya para punasan yung mga pawis nya. Pero ang totoo, Pupunasan ko yung mga halik ng mga babae sa cheeks nya. Hehez :-) joke!!

"Thank you petite girl. Sexy mo ngayon ah?" Daniel with matching killer smile. Ghaaad i'm so dead. Naka dress lang kasi ako tas fitted. HAHAHA wala na kong masuot eh.

Nang mawala na ang pila, yinaya ko sya sa isang bench malapit sa booth.

"Bakit ka nandito?" Tanong ko sakanya.

"Bakit ayaw mo?" sabi nya

"I mean, ba't mo ginawa yun?"

"Kasi, para maubos lahat ng tinda nyo at maging free ka para wala ka ng gagawin. Gusto kasi kitang kasama eh." Daniel

*Dub*dub*dub*

And at that moment, di ako nakapagsalita.

"Joke lang. HAHAHA syempre para may free time kang mag gala." Daniel

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Nov 02, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Ikaw lang, Baby koTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon