TH# 3: Pasensya Na

10 3 0
                                        

Pagtatagpuin ngunit hindi pag-iissahin.
Magmamahal ngunit hindi mamahalin.
Tadhana'y hindi maintindihan,
Tulad nga ng aking nararamdaman.

Salita, tatlong salita sa isang pangungusap,
Ngunit bakit hindi mabanggit kapag ika'y kausap?
Takot na may kasamang pagkautal,
Nagiging dahilan para pag-ami'y mas mapatagal.

Pasensya na't dila ko ay nauna pang mautal,
Bago nasabing ikaw ay aking minamahal.
Pasensya na't mas pinili kong isulat sa tugma ang nararamdaman,
Kesa sabihin ang bawat salita sa iyong harapan.

Pasensya na't mas piniling ilihim ang nararamdaman,
Para hindi masira ang ating pagkakaibigan.
Pasensya na't nakuntento ako sa kung ano tayo,
Kaya't isinangtabi ang nararamdaman ko para sayo.

Pasensya na't hinayaan kong lumipas ang mga taon,
Sinayang ang mga nagdaang pagkakataon.
Pasensya na't hindi ko nakayanang umamin,
Hindi nasabi ang mga salitang nais sabihin.

Ngunit sa isang daang tulang iaalay sayo,
Nararamdaman ko'y inilathala dito,
Nawa'y iyong maintindihan ang nararamdaman,
Magmula nung simula ay ikaw lang.

Ikaw na ang nagsilbing inspirasyon,
Ikaw ang aking naging motibasyon.
Sa bawat tulang naisulat sa kwadernong ito,
Ikaw ang palaging iniisip at inaalala ko.

Ngunit, sagot mo'y hindi ko inaasahan.
Tadhana ay sadyang ako'y pinaglaruan.
Mukhang ako'y nahuli na ng padating,
Ikaw ay may iba na palang kapiling.

Naniwala na baka ika'y matuwa sa mga tulang nilikha,
Ngunit wala na pala, huli na pala.
Mga luha'y walang tigil sa pagpatak mula sa aking mga mata.
Akala ko ay tayo ang para sa isa't isa.
Akala ko lang pala.

Dalawang salita, "Mahal kita" o "Gusto kita",
Ngunit bakit ikinaurong pa ng aking dila?
Bakit ikinakaba't ikinatakot ko pa?
Pasensya na't hindi ko agad nasabing "Mahal kita".

Hindi na ba talaga pwede?
Hindi na ba pwedeng maibalik ang dati?
Pasensya na't umaasa parin ako,
Umaasang baka meron pang sagot sa tanong ko.

TulahayaganTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon