TH#2: Gulong Gulo

10 3 0
                                        

GULONG GULO

Ako ay sobrang gulong gulo,
Puso ko ay sobra ng nalilito.
Bawat araw at gabi ikaw ang iniisip ko.
Sumasagi rin kaya ako sa isip mo?

Ikaw ang dahilan kung bakit di makatulog sa gabi.
Hanggang panaginip bitbit ang iyong mga ngiti.
Inaalala bawat nakakakilig mong sinasabi.
Kapag naalala ka nais kang makitang muli.

Sa paggising ko sa umaga,
Ikaw agad ang naaalala.
Papasok ka kaya?
Nais ko na kasing makita ang iyong mukha.

Sa araw araw na makikita kita,
Problema at pagod ko ay nawawala.
Kapag nakakasalubong ka,
Sobrang kaba ang nadarama.

Hindi ko alam kung bakit ganito nalang ang epekto mo.
Para kang bawal na gamot naadik na ako.
Pigilan ito ay hindi ko alam kung paano.
Nararamdaman mo rin kaya ang ganito?

Pero teka may gusto lang akong linawin,
Parehas kaya tayo ng tinitibok ng damdamin?
Kahit na masaya di parin mawala ang lungkot na nadarama,
Lalo na't alam kong maaaring umaasa lang ako sa wala.

Minsan pag nakikita kita nais kong magtanong sayo,
Nais itanong kung may pag-asa ba sayo.
Pero natatakot ako sa maaaring marinig ko,
Baka kasi hindi ko matanggap ang totoo.

Gusto kita,  matagal na.
Alam mo naman yun diba?
Sa bawat good morning at good night mo,
Mas lalo akong nahuhulog sayo.

Kaya ito ako sobrang gulong-gulo.
Hindi alam kung aasa pa o kailangan ng humito,
Dahil isip at puso ko ay nagtatalo,
Sa kanilang dalawa di alam kung sino ang  susundin ko.

Ayaw kong maniwala base sa aksiyon mo,
Hindi ko kasi alam kung nagbibigay ka ba ng motibo.
Pero sana naman sabihin mo kung gusto mo rin ako.
Para kung hindi man ay di na umasa sayo.

Muli sana kitang tatanungin,
May gusto ka rin ba sa akin,
O ako lang ang nagpapakatanga sa atin?
Sana totoo mong nararamdaman ay sabihin.

TulahayaganTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon