Adee's
Point of View"Ako. . . ang itinakdang. . . tagapagligtas ninyong lahat," basa ng lalake sa likuran ko sa nakasulat sa diary ko. "Hehehe."
Nakalingon lang ako sa kanya, tulala, naka-awang ang bibig, at nahulog ang hawak kong chicken ni Uncle John sa sobrang gulat. Huli na nang isara ko ang We Bare Bears notebook ko dahil pulang pula na ako sa kahihiyan.
Jusko ka, Adee! Bakit ka kasi dito sa Ministop nagsusulat ng diary!
Huhu. Ayoko na. Gusto ko nalang maging manok. Nakakahiya. Di na tuloy ako makatingin doon sa lalake.
Joke lang, sinong niloko ko. Pasulyap-sulyap ako ng konti sa kagwapuhan ni kuya sa likod ko. Huhu ang yummy mga siz. Siya nalang palit sa nahulog kong chicken please.
"The Goddess Gatekeeper, huh?" nakangising sabi niya. Pota ang gwapo shet shet shet. "Please, don't drool."
Agad akong napaubo at bahagyang natawa si Uncle John. Walang pasabi siyang umupo sa tapat ko.
"So what brings you here, Adelicia?"
My ears perk up at the sound of my old-fashioned name. "It's Adee to you."
He gives me a slight shrug and purses his lips. Halikan ko 'yan, e. Whoops! Joke lang mwahaha, demure tayo dito, demure. Bawal pa muna lumabas ang inner kaharutan ko.
"Teka nga," bulyaw ko, "bakit ka dito umupo sa pwesto ko ha? Maghanap ka nga ng sarili mong table, ang daming bakante diyan oh."
Actually, kami lang ang tao dito sa Ministop maliban sa staff nila dahil gabing-gabi na. Not that I mind hehe. Strong independent goddess ata 'to.
Sa harap ko ay nginitian lang ako ni Uncle John—what I decided to call the young man who made me drop my chicken. I swear, feeling ko nananadya 'to dahil alam niyang pogi siya.
"I want to sit here and flirt with you," he says. "Am I not allowed to?"
Holy tae.
Napaka-vocal naman nito. Pag ako kumagat yari siya sa 'kin.
"Didn't your parents tell you not to talk to strangers?" I ask with a frown.
He leans closer. "Not if the stranger is attractive."
Kumunot ang noo ko para kunwari di ako kinikilig.
"Admit it," he says, "society is more forgiving to the physically attractive."
At ngayon ay totoo na ang pagsalubong ng kilay ko. "Yes," I slowly say. "And for all I know you might be a serial killer."
He gives me playful laugh before flashing a charming smile. "Pero wala ka naman dapat katakutan. You're a Goddess Gatekeeper, right?"
Oh my god. "W-Wag mo na nga ipaalala! Kainis 'to, bakit ka kasi nagbabasa ng diary ng may diary ha?! Inggit ka ba? Magsulat ka ng sa 'yo kung gusto mo!"
Tinawanan niya lang ulit ako at hindi pa rin mawala ang inis sa mukha ko. Hmp. Pasalamat siya gwapo siya.
But then I guess I just proved his point.
Society is more forgiving to the physically attractive.
I'm no different.
Crunch.
"Hoy."
Crunch.
"What the hell are you doing to my chicken?"
Crunch.
"Hoy! Bumili ka nga ng iyo!" Agad kong inagaw ang bucket ng fried chicken ko sa kanya, yakap-yakap para hindi na siya makakuha. "May pa-'I want to sit here and flirt with you' ka pang nalalaman gusto mo lang naman pala makikain, bwisit 'to. Wag ang manok ko."
"Bakit? May iba ka bang gusto ipakain sa 'kin?"
Pusang gala. "Wag ka ngang bastos!"
"But I didn't say anything indecent," pa-inosente niyang sabi, nakataas pa ang dalawang kamay. "Maliban nalang kung may iba kang naiisip."
Tae, ayan curve ka tuloy Adee. Bakit kasi ang green mo?
"So who's Adam?" tanong ni Uncle John na kumuha ng atensyon ko. "Should I be jealous?"
"Jealous mo mukha mo, 'di nga tayo magkakilala."
Ipinatong ko na ulit sa lamesa ang bucket na yakap ko.
It was only for a split second, but I'm sure I saw sadness in his eyes.
"I'm Cal," sabi niya bago inilahad ang kanyang kamay. "Nice to meet you again, Adee."
‧ ‧ ‧ ‧ ‧
Dear Diary,
I met a stranger.
His name is Cal.
But I don't think he's a stranger.
I think he's one of us.Confused but still beautiful,
Adee
BINABASA MO ANG
Lost Diary of Adee
RandomThis is my diary, my journal, my daybook. If you come across this messy writing of mine, it means this diary is no longer in my possession. Know that I just want to find my brother so if you see him, please write his whereabouts! I may not know you...