Dear Diary,
Ughhh. Sorry sa mga pinagsusulat ko. Epekto lang ng gutom. Grabe na talaga mga tao sa paligid ko, masyado inaabuso ang kabaitan at kagandahan ko.
I'm too good for this world talaga haaay.
Pero mabait naman 'yon sila Reis at Shaw, pasaway nga lang. Para ko na rin silang kapatid. Halos magka-edad lang kaming tatlo pero mas matanda ako ng ilang taon. Nang mawala si kuya sila na madalas ko nakakasama. Lagi silang bumibisita sa mansion ko kasi wala silang bahay. De joke lang. Concerned lang talaga sila sa'kin.
Sila rin nag-suggest na magsulat daw ako ng diary para daw may makausap ako pag wala sila.
Alam mo kasi. . .
Bawal ako lumabas ng bahay.
Noong sinabi ko na umalis nalang ng walang paalam si kuya, totoo 'yon. Pero may iniwan siya sa akin na note.
Wait ka lang, kunin ko tapos ididikit ko dito.
Beautifully trapped,
Adee
BINABASA MO ANG
Lost Diary of Adee
SonstigesThis is my diary, my journal, my daybook. If you come across this messy writing of mine, it means this diary is no longer in my possession. Know that I just want to find my brother so if you see him, please write his whereabouts! I may not know you...