Chapter 53: Now.

1.6K 31 11
                                    

2nd update.

Chapter 53

“Na-miss ko ‘tong kama ko, ate!” Kinurot ko ang gilid ni Harley.

“Hindi pa nalilinis ‘tong bahay, baka mangati ka, Harley!”

“Oo nga…” Bigla siyang tumayo. Napangiti ako bago tumingin sa paligid. Sobrang namiss ko rin ang bahay namin pero may mas namimiss ako.

“Aalis muna ako, Harley. Dito ka lang, samahan mo si Lola.”

“S-sige… pupuntahan mo si Kuya Royce?”

“Oo…”

Tumango siya. Nagmadali ako sa pagbaba sa hagdan bago nagpaalam kay Lola. Madali naman siyang pumayag. May mga bagong mukha akong nakita sa subdivision namin. Sa sobrang pagmamadali, hindi ko na napansin ang mga kakilala ko.

“Leaf Grand po.” Sabi ko sa driver pagkasakay ko ng taxi. Nagdrive naman agad siya. Hindi naman nagtagal ay nakarating din ako sa Leaf Grand. Napatitig ako sa sobrang laking gate nito. Sa wakas, makikita ko rin si Royce!

“Sir…” tawag ko sa security guard sa guard house. Nagulat siya nang makita ako. Ngumiti ako sa kanya. “Nandito po ba si Royce?”

“Si Sir dela Cruz?” Kumunot ang noo niya. “Hindi na sila nakatira dito, hija. Isang taon na rin siguro.”

“Po?” Napatulala ako. “S-san na daw po sila nakatira?”

“Hindi po namin alam eh. Pasensya na, Miss.”

Tumango ako bago bigong umalis sa Leaf Grand. Umuwi ako ng bahay. Hindi ko pinahalata kay Harley na masama ang loob ko. Ni wala akong balita sa boyfriend ko. Ni hindi ko alam kung na’san siya ngayon.

“Ayos ka lang? Maglilinis tayo ng bahay, ate.” Umupo si Harley sa tabi ko. Nasa labas ako ng bahay at nakaupo sa may hagdan namin. “Hindi kayo nagkita ni Kuya Royce? Tawagan mo kaya? Chinarge ko na ang phone mo pati yung akin.”

“S-sige…” Dali dali akong umakyat sa kwarto ko. Binuksan ko ang phone ko. Buti nalang at gumagana pa ‘yon after ng ilang years na hindi ko pagcha-charge don. Pero hindi na gumagana ang sim card non. Sa sobrang tagal na siguro… napapikit ako. Hindi dapat ako panghinaan ng loob. Dali-dali akong lumabas ng bahay para puntahan si Dana.

Hindi ko na nasagot ang tanong ng kapatid ko dahil sa pagmamadali. Nang makarating ako sa subdivision nina Dana ay hindi na ko nagdalawang isip pa. Nagdoorbell ako. Nanlaki ang mata ko ng makitang si Dana ang sasalubong sa’kin.

“Sino yan?” Napatulala siya sa’kin nang makita ako. Ngumiti ako sa kanya at niyakap siya ng mahigpit. “H-Hailey?”

Tumango ako at napaiyak sa balikat niya. Ni hindi niya ko nayakap pabalik. Siguro ay nabigla siya sa pagbalik ko.

“K-Kelan ka pa bumalik?” Tanong niya maya-maya. Niyakap na rin niya ko. “N-namiss kita…”

Just Like BeforeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon