Chapter 47: Back.

2K 31 8
                                    

Chapter 47

“Mahina na rin si Lolo Eddison, hindi na niya kayang magtrabaho pa. I can give you money, pwede kayong lumayo kung hindi mo kaya. I just want my daughter to be happy.”

Nakatitig lang ako sa pinto ng bahay namin habang inaalala lahat ng sinabi ni Tita Anna sa’kin. Huminga ako ng malalim. Bumagsak ang balikat ko. Tumingala ako para maiwasan ang pagbagsak na naman ng luha ko.

Ako? Wala na ba akong karapatang maging masaya? Kung ibibigay ko ba si Royce magiging masaya ang mahal ko? I doubt it. He’s mine, I want to keep it that way.

Dahan-dahan kong binuksan ang pinto ng bahay namin. Huminga ulit ako ng malalim. Pagkabukas ko ng pinto, bumungad agad sa’kin ang kapatid kong nanonood ng tv katabi ang boyfriend ko na diretso namang nakatingin sa’kin.

Tinignan niya ko mula ulo hanggang paa. Gusto kong mapangiti ng bigla siyang natulala pero maya-maya ay binalik ang seryoso niyang titig. Tumingin siya ulit sa mata ko bago umirap. Dun ako napangiti ng tuluyan.

I know kung bakit siya nagmama-arte ngayon. Hindi ako nagpaalam na aalis ako ngayong gabi.

“San ka galing, te?” Tanong ni Harley na hindi man lang ako tinignan.

“Nag-dinner lang.” Napabalik na naman ang tingin sa’kin ni Royce. Ngumiti lang ako sa kanya. “Kumain na ba kayo?”

“Yep!” Sagot ulit ni Harley. “May dalang foods si Kuya Royce.”

“Good.” Bumaling ako kay Royce. “Thank you, Royce.”

Biglang kumunot ang noo niya. Ngumiti lang ako bago nagpaalam na magbibihis muna. Pero nasa hagdan na ko nang bigla siyang magsalita.

“Hindi mo man lang ba sasabihin kung saan ka galing?” Halos matunaw ako sa titig niya. Minsan talaga hindi ko maintindihan kung bakit ang gwapo niya pa rin kahit seryoso siya.

Nakita kong napatingin rin sa’min si Harley. Walang sabi-sabing umalis siya.

“Josephine. Magbibihis lang ako ah?”

“Sinong kasama mo? Bakit ginabi ka? Bakit hindi mo sinabi sa’king may lakad ka pala?”

Huminga ako ng malalim bago siya tuluyang tinignan.

“Pagod ako, Royce. Pwede bang bukas mo nalang ako pagalitan? Bukas nalang tayo mag-usap. Kasi pagod na pagod talaga ako.” Tumalikod ako para hindi niya makita na umiiyak na naman ako. Mabilis akong nakarating sa kwarto ko. Sinarado ko agad ang pinto bago umupo sa kama.

“Hindi mo ba naiisip na Dana and Royce will be a great couple? Sila ang magma-manage ng business na ipapatayo namin ng Mommy niya. Palagi silang magsasama. Pero ikaw, wala pang sigurado sa magiging future niyo kung ikaw ang makakasama niya. Ano? Aasa ka nalang kay Royce?”

“Ate?”

Just Like BeforeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon