Chapter 61: Saturday.

2K 44 18
                                    

Last 4 chapters...

Chapter 61

“Hello?” Sagot ko.

“Hello, best? Nakaistorbo ba ko?” Tanong niya. Huminga ako ng malalim ang kinalma ang sarili.

“Bakit?” Try to act cool, Hailey.

“I have good news for you!” Tumaas ang kilay ko. “You told me na nagwo-work ka sa Eternity, right?”

Hindi ako sumagot.

“Best?”

“Yes, bakit mo nabanggit?”

“Tell you what… inayos ko na yung papers mo. Nakausap ko na rin yung owner ng Eternity. Balak sana kitang kunin para sa’kin nalang mag-work. Don’t worry, hindi kita papahirapan. At magkakasama pa tayo!”

“W-what?”

“Diba ang saya, Hailey?”

Pinilit kong kumalma kahit sa mga oras na ‘to ay gustung-gusto kong kalmutin ang mukha niya.

“I need to talk to you, Dana. Kelan ka free?”

“Alright, ahm. Sa Monday. Out of town ako this weekend eh.”

“May work ako sa Monday, pwede bang Monday evening?”

“I told you, Hailey. Inayos ko na ang mga papel mo at nakausap ko na rin ang owner para sabihin yung plan ko. We’re friends naman kaya pumayag din siya. I just need to talk to you about this matter.”

“No, Dana. Hindi ako magtatrabaho sa’yo. Masaya na ko sa work ko. Pasensya ka na. And medyo busy ako ngayon kaya kailangan ko nang ibaba.”

Napapikit ako nang matapos ang tawag. Halos manghina ang binti ko sa narinig ko galing sa kanya. Ginagawa niya ‘to para malayo ulit ako kay Royce. Dahil ba palaging nandon si Royce ay ako naman ang papaalisin niya?

“Ayos ka lang ba? Bakit namumutla ka?” Bulong sa’kin ni Royce nang makabalik ako sa table namin.

“Ayos lang. Medyo sumama lang ang pakiramdam ko.” Hinawakan niya ang noo ko. Kumunot bigla ang noo niya at nakita ko ang pagaalala sa mga mata niya.

“Kaya mo pa? Ihahatid na kita pauwi.” Hindi na niya ko hinintay magsalita. Bumaling agad siya kay Mommy Vanie bago kina Levi. “Mom, ihahatid ko na si Hailey. Medyo sumama ang pakiramdam niya.”

Napuno din ng pag-aalala si Mommy Vanie. Tumango siya. Nagpaalam ako sa kanila bago ako inalalayan ni Royce palabas. Hindi niya ko binitawan hanggang sa makarating kami sa sasakyan. Siya na rin ang naglagay ng seatbelt ko.

“Hey, babe. Look at me.” Tumingin ako sa kanya nang nasa tapat na kami ng bahay namin. “May problema ka ba?”

Just Like BeforeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon