3.)IN A RELASHIONSHIT

10 1 0
                                    

"IN A RELASHIONSHIT"Written by: Binibining Lyn

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"IN A RELASHIONSHIT"
Written by: Binibining Lyn

"BREAK NA TAYO!" Malakas kong sigaw sa kanya habang may namumuong luha.

"A-Ano?"

"Sabi ko break na tayo! Ayuko na sayo! Sawang sawa na ako sa relasyon nating dalawa!" Gaya ko ay may namumuo naring luha sa kanyang magagandang mga mata.

"Break? Haha! Ganon nalang ba iyon kadali para sayo ang makipag hiwalay sakin?" Naluluhang tanong niya.

"Sawa na ako sayo! Ayuko na sayo! Suko na ako!"

"E pano naman ako? Pano ang nararamdaman ko sayo? Alam mo namang mahal na mahal kita diba? Pano ang puso ko? Wawasakin mo nalang ba yon kadali?" At doon na ako tuluyang umiyak sa sinabi niya.

"E-Ewan ko. Hindi ko alam ang gagawin ko sayo. Makikipag break na ako sayo. Sawa nako sayo...satin."

"Sawa? HA! Walang mag sasawa at lalong walang makikipag break! And thats final!"

"Ayuko na nga sabi sayo diba? Bat ang kulit mo!!" Galit na galit kong sigaw.

"Pag sinabi kong walang makikipag break--- walang makikipag break! Naiintindihan mo!?"

"E sawa na nga kasi ako! Ayuko na!" Humahagulgol kong sigaw sa kanya.

Sawa nako sa pag mumukha niya! Kahit saan ako mag punta ay nandoon rin siya! Sawang sawa na ako!

"Kahit layuan mo pa ako, kahit iwasan mo pa ako, susunod at susunod parin ako sayo!"

"Tama.. tama... at wala akong magagawa don. Dahil kahit anong gawin kong pag iwas sayo, sumusunod ka parin."

"Kaya nga ayusin na natin itong ginusot mong relasyon. Dahil di kita papakawalan." Napalunok ako sa sinabi niya. Naginginig ang mga kamay na umiling ako.

Bakit ba kasi pag umiiyak ako umiiyak rin siya? Bakit kong nasan ako nandoon rin siya? Sawang sawa na ako...

"Hindi! Walang maaayos! Dahil break na tayo!!!"

"Bigyan mo ako ng isang magandang dahilan para pumayag ako na makipag hiwalay sayo... siguradohin mong maganda ang dahilan mo dahil kong hindi ay ikukulong kita panghabang buhay sakin.." Huminga ako ng subrang lalim.

"Dahil sawa na ako sa relasyon nating dalawa! Sawa nako sayo! Sawa na ako sa pag mumukha mo! SAWA NA AKONG MAGING SINGLE!-----"













"ATE KAKAIN NA DAW SABI NI MAMA!" Napatigil ako sa pag dadrama sa harap ng salamin. Pinunasan ko yung kunwari kong luha. Bumukas ang pintuan at tumambad sakin ang peste kong kapatid!

P*ta! Ang galing ko talagang um-acting! Amft! Kung hindi lang umipal ang kapatid ko! Tch!

"Alam ko!" Pesteng y*wa to! Nam bubulabog!

"Boring talaga ng walang jowa ano?" Pang iinis niya sakin. Letseng to! Grade 7 palang ang kapatid ko pero may jowa na samantalang ako college na wala paring jowa!

"Ide ikaw na may jowa! Talandi mo rin, eh!"

"Hahaha! Kawawang kapatid, wala paring jowa kahit isa..."

"Heh! Lumayas kanga sa harapan ko! Pektusa kita diyan e!"

"HAY NAKU ATE! KAHIT ANONG KAUSAP MO PA SA SARILI MO DIYAN SA HARAPAN NG SALAMIN THE FACT NA HINDI KANA MAG KAKA LOVELIFE! BWAHAHAHAHA!"

"BUSETTTT KAAAAAA! MAG BRE-BREAK DIN KAYO NG JOWA MOOOOO!!!!! WALANG FOREVERRRRRRRRR!!!!!!"

"Pero may together!"

"BUWESITTTTTTTTTTT!!!!!!!"

dTT3TTb

***END***

One Shot Story (COMPILATION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon