4.)CHINAT PERO HINDI JINOWA

10 1 0
                                    

"CHINAT PERO HINDI JINOWA"Written by: Binibining Lyn

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"CHINAT PERO HINDI JINOWA"
Written by: Binibining Lyn

One time may nag chat sakin. Tinanong niya yung pangalan, address, age ko, at mga like at dislike ko. Tapos non ay lagi na kaming nag cha-chat araw araw. Tinatanong kung kumain na daw ba ako. Kung okay lang ako. Hanggang sa unti unting nahulog ang loob ko sa kanya.

Masaya ako non that time kasi ang saya niyang kausap at talagang nag enjoy ako ng subra subra.

Hanggang sa nag tapat ako ng feelings sa kanya.

Chinat ko siya at talagang kinapalan ko yung mukha ko. Sinabi kong "Hoi! Gusto kita!" Lakas loob kong sabi sa kanya.

Nag hintay ako ng mga ilang segundo.. minuto.. hanggang sa naging oras.

Inip na inip non ako kasi akala ko ay di siya mag rereply. Pero bumilis ang tibok ng puso ko ng makitang typing na ito.

Huminto ang buong mundo ko ng mabasa ko ang reply niya sakin.

"Sorry pero may girlfriend na ako..."

Then BOoommm! Parang unti unting nabasag ang puso ko.

Napalunok ako ng sunod sunod. Wala siyang sinabi sakin na may girlfriend na pala siya kaya talagang nagulat ako.

"Sorry talaga pero  diko masusuklian yang nararamdaman mo para sakin." Mabilis na pumatak ang mga luha ko. "Pampalipas oras lang kita pag hindi online ang gf ko." Napasinghap ako. Pampalipas oras? Haha! Ang tanga ko pala..

"A-Akala ko mahal mo rin ako?" Naluluhang reply ko.

"Mahal? Hahahaha! Nababaliw kana ba? Sabi ko pampalipas oras lang kita. Bored ako non that time kaya naisipan kong e chat ka. Masaya ka namang kausap kaya salamat at nag enjoy ako sayo! Haha! Wala akong pake sa nararamdaman mo, okay? Sige na! Paalam! Wag kanang mag chat sakin! Baliw! Hahahahaha!"

Nasaktan ako ng lubusan sa reply niyang yon.

Sa sumunod na araw ay talagang di na niya ako chinat. Di na siya nagparamdam sakin.

Mahirap palang umasa sa taong di kanaman pala mahal! Umasa ako at yun ang naging pag kakamaling ginawa ko.

Chinat niya ako Pero Hindi Jinowa! And it really breaks my heart, dahil nag mukha akong tanga!

:<<<<

***END***

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 11, 2019 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

One Shot Story (COMPILATION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon