IX | 1st Rank: Snow

92 7 0
                                    

Isinulat ni Angel Medenilla.

I AM A BAD GENIE

"They will not lose their mana that easily." Itinatago ng headmaster ang pagkabagabag at pag-aalala.

Sunod namang nagsalita ang binata para suportahan ang kasama.

"But, Thunder and Silver just came from a mission, headmaster. Their bodies haven't fully recovered yet."

"At may pinagkaiba kayo sa kanila?" Tanong ng headmaster sa dalawa kaya itinikom na nila ang mga bibig. Exactly, his point.

Bumukas muli ang pinto at pumasok ang isa niya pang itinatangi na estudyante. Just the right time.

"May nakaaway nanaman ba ang kambal ko?"

She arrived. Nabunutan ng tinik ang headmaster nang makabalik ang ranker na si Snow. Hindi niya pwede ipasawalang-bahala ang stress signal ni Elmira because she rarely sends one. Ito pa lang ang pangalawa.

"Snow," mapait ang pagbanggit ni Fiona sa pangalan ng kadarating lang na estudyante.

"Welcome back, Snow." Isang nagmamalaking tono ang nadinig nila sa pagbati sa kaniya ng headmaster. "I will send you off, again, for an important mission."

"And, this concerns my naughty twin brother, again? Siya ang dahilan kung bakit ako nakakaipon ng points, ugh."

Napatawa nang mahina ang headmaster. "Yes, he needs saving."

Nang maramdaman ni Fiona na hindi na sila kailangan doon ay agad na itong umalis. Sinundan naman siya ni Blue.

~ Snow ~

Naging maikli ang pagbati sa akin ng headmaster kanina. Medyo labag sa kalooban ko ang lumabas dahil kagagaling ko lang sa isang mission but, I have to earn my prize. My previous mission concerns one of the Kromelian kingdoms. It's confidential. But, let me give you a quick background.

I'm your first rank, Snow. I am an Aero-Aqua. Power: Ice or Frost

Kromelia is one giant donut, a ring of kingdoms. What makes it less complicated is that our kingdoms are guided with directions.

North Kingdom, dito naninirahan ang mga Aero, may kapangyarihan sila na hangin - lumulutang, magaan, at malaya.

South Kingdom, kung saan matatagpuan ang mga Terra, may kakayahan silang kumontrol ng lupa - mabigat, matatag, naninindigan.

West Kingdom, narito naman namumuhay ang mga Aqua, tagapangalaga ng tubig - dumadaloy, umaagos, at malumanay.

East Kingdom, ang kaharian ng mga Ignis, kung saan sumisikat ang araw - mapusok, nagliliyab, at matapang.

Ang academy ay matatagpuan sa Southeast, and we can only travel clockwise. For urgent travels, mayroon namang high-end spells but that consumes a lot of mana.

Better draw it on paper na halintulad sa isang compass. Paglabas ng academy ay sunod mong madadatnan ang South Kingdom (Terra), Southwest Kingdom (Aqua-Terra), West Kingdom (Aqua), Northwest Kingdom (Aero-Aqua), then ang North Kingdom (Aero).

You can travel to the East Kingdom (Ignis) only through an underground train. And, no one can go to the Northeast area because it's forbidden.

Iba pa ang taas, iyon ang mundo niyong mga tao. And, if I were to be asked, I never wanted to go back to that place. Masyadong magulo. Kromelia isn't perfect but it's much better.

Pero heto ako, tinungo ko ang lugar kung saan nagpadala si Elmira ng stress signal at tumambad sa akin ang isang sunog at sira-sirang gusali. Holy freak! Sino naman ang nagdala sa kanila dito? I'm starting to hate this place. This will mess my dress! Puti pa naman ito.

Mukhang luma na ang lugar, and looks like it was burned for a long time na. Creepy. But then, if matagal na itong sunog, kataka-taka namang may pira-piraso pa din nito ang nagbabagsakan. I used my reflexes to avoid those, of course. Looks like, someone's still living in this house.

Nararamdaman kong may tahimik na nagmamasid sa akin pero hindi ko malaman kung nasaan siya. Luminga-linga ako sa paligid ngunit wala akong nakikitang ibang pigura, kahit anino man lang. Patuloy kong inililibot ang mga mata habang iniiwasan ang mga piraso ng bato at kahoy na bumabagsak.

Mabilis akong umabante nang maramdaman ang isang bagay na palapit sa akin. Matalim akong tumingin sa pinanggalingan nito.

"Silver."

Holy freak. This is dangerous. Not for me, but for him, of course. I cannot use my powers here dahil madre-drain ang aking mana. Silver, on the other hand, continuously shoots air arrows at me. Gusto niya bang ma-drain ang life force sakaling maubusan siya ng mana? Stupid.

Nang hindi na siya makapagpalabas ng kapangyarihan ay pinaikli nito ang pagitan sa aming dalawa at manu-mano na siyang lumalaban. He's too fast. When it comes to combat, wala pang nakakatalo kay Silver. He's as quick as the wind.

Ugh. Nababawasan ang kagandahan ko sa ganitong labanan. But, of course, hindi ako magpapatalo, ayaw kong pumapangalawa lang. Bawat pag-atake niya ay naiiwasan ko but, I cannot land a hit! I hate this. Ayaw kong pinagpapawisan. Ayaw ko nang malagkit. At lalong ayaw kong nadudumihan ang damit ko.

Sinubukan niya akong sipain sa tagiliran ngunit agad akong nagbackflip at sinubukan siyang sipain sa panga. Holy freak. Hindi gumana. Hindi ito napapagod at sunod-sunod na nagpakawala ng suntok at sipa.

Yes! Internal scream nang masuntok ko siya sa braso. Akmang susuntukin niya na ako sa tiyan pero agad akong gumulong palayo sa kaniya. My dress! Hindi niya ako binigyan ng pagkakataong makahinga.

Patuloy siya sa pagsugod nang blangko ang mga mata. Madalas naman siyang ganoon. Malamig ang titig nito na para bang binabasa ang iyong kaluluwa.

Sa hindi kalayuan ay natanaw ko si Elmira. Holy freak. Naliligo ito sa sariling dugo!

Napaubo ako at napahawak sa tiyan dahil sa lakas ng sipa ni Silver. Isang beses lamang akong nalingat pero ngayon ay nahihirapan na akong bawiin pa ang lakas. Wala na, madumi na ang white dress doon. Matalim kong tinignan si Silver pero wala naman ito sa sarili.

"I'm sorry headmaster." Napilitan akong gamitin ang kapangyarihan ko.

Kinakailangan ko nang tapusin ang laban ko kay Silver dahil mukhang naghihingalo na si Elmira at nangangailangan na siya ng agarang lunas.

"Freeze." Pinaralisa ko pansamantala si Silver. Sumilay ang ngiti ko sa labi dahil nakabawi na ako sa pagpapahirap niya sa akin.

Biro lang, no sweat. Hindi naman ako nahirapan. Inayos ko ang sarili at pinagpag ang damit.

Tinugunan ko nang mabilis si Elmira at binalot ng yelo ang malaking poste na nakadagan sa tiyan niya upang makontrol ko ito. Holy freak. Napakagat ako sa ibabang labi para pigilin ang iyak. I cannot unsee this, durog ang tiyan niya. Binalot ko siya agad ng frost to shield herself at mapanatili ang int nito sa katawan, mukha namang sariwa pa ang dugo at maaagapan pa ito ni Gen.

Inilabas ko ang kapirasong papel na dala ko.

Eidi nem mil eu, Kromelia

Nagpadala ako ng signal sa baba na kailangan namin agad ng mga healers. Binuhat ko din si Silver gamit ang aking kapangyarihan saka tumalon sa portal. Pagkatapak ko ng Kromelia ay agad kong tinanggal ang pagkaparalisa kay Silver subalit gaya ni Elmira ay hindi bumubuti ang kalagayan niya. Dapat ay naghihilom na ang mga sugat nila dulot nang pagkaubos ng mana.

Pisikal na katawan na ba nila ang naapektuhan? Anong nangyari?

Bad Genie [Book One-Completed]Where stories live. Discover now