BG VIII

93 6 0
                                    

Isinulat ni Angel Medenilla.

I AM A BAD GENIE

At ikinuwento ko sa kanila lahat. Daldal-subo lang ang ginawa ko at nang matapos ako magkuwento ay naabutan ko si Fiona na nakayuko habang nakatingin sa platong walang laman at si Blue naman ay mahigpit ang hawak sa kutsara habang umiinom ng iced tea.

"Ta-tapos na iyong kwento ko, pwede na kayong tumawa."

Naibuga ni Blue ang inumin at napahawak sa ilong dahil may iced tea din na lumabas doon. Humahampas naman sa mesa ang mga palad ni Fiona habang humagalpak sa tawa.

Napapunas na lang ako sa mukha. Nagsisisi ako sa pagkuwento.

"Babe, AHAHAHA 'Anong course mo?'" Pulang-pula na si Fiona. Nakakapagpalabas na ito ng bolang apoy sa sobrang pagtawa.

"I'm fine, thank you." Sumbat sa kaniya ni Blue.

Napahilamos ako ng mukha. LUTANG. Ang lutang kasi ng tanong ko, magic school nga pala ito kaya walang mga kurso, hindi tulad sa university.

"Mukha mo, Asul." Napabato si Fiona sa kaniya ng bolang apoy.

Tumayo si Blue nang nakapamewang.

"Poe, as in, P-O or P-O-E?" Napatawa na din ako kasi exagerated ang pagkakasabi niya. "Shit, hindi ko ma-imagine, ang arte pa naman nun."

Halos limang minuto pa bago sila magtigil kakatawa.

"Silly girl, you made my day." Pumapaypay pa gamit ang mga kamay si Fiona sa mukha. "Treat kita for a week."

Nauna nang nagpaalam si Blue kanina dahil ang sakit daw ng ilong nito.

"Wanna join my next class? Combat."

"Ahh, hindi na muna."

"Okay, mauna na ako, Beny. Bye!"

"Bye."

Hindi ko naman alam kung saan ako sunod na pupunta, sana pala sumama na lang ako sa klase ni Fiona, kaso nahihiya ako. Dire-diretso lamang akong naglalakad at tumungo sa kabilang dako ng dining hall. Binuksan ko ang double door hanggang sa mapaupo ako sa sahig.

"Aray," mahinang sambit ko habang napahilot sa balakang.

May nakabungguan ako. Nahulog nito ang mga libro na mukhang mabibigat tignan. May suot itong makapal na salamin pero hindi nito maitatago ang makinang na mga mata na kulay hazel brown.

"Ah-I'm sorry. Tulungan na kita."

"No. I'm fine," mariin niyang sabi.

"I'm sorry, miss." Wala akong nakuhang tugon sa kaniya. Galit ata siya sa akin. Nakonsensiya naman ako. Mukhang mabigat talaga iyong mga librong dala niya. Nang mapulot niya lahat ng iyon ay dali-dali na itong umalis.

Tuluyan akong pumasok sa silid aklatan o museyo ng mga libro dahil sa sobrang lawak nito.

"WOW," napakadaming mga libro at pala-palapag ang mga ito. Ilan sa mga iyon ay lumilipad sa ere at pansin naman ang pagkumpas ng ilang estudyante sa ere. Levitation. Pinapalipad nila ang mga libro.

Gaganahan ka namang magbasa dahil halos ginto lahat ng kagamitan sa silid-aklatan. Kung nandito si Cel ay tiyak na matutuwa iyon. Kinapa ko sa bulsa ang manika at napagtantong nawawala iyon.

Dali-dali akong lumabas pero hindi ko na iyon mahanap.

Napulot kaya iyon nung babae kanina? Pilit kong inalala ang mukha niya dahil balak ko siyang hanapin.

Bad Genie [Book One-Completed]Where stories live. Discover now