Chapter 2

19 0 0
                                    

"Pangako Aya babalik ako. Pinapangako ko sa araw na ito magkikita uli tayo at magiging masaya na uli tayo."

Ang mga salitang hangang ngayon ay nakatatak pa rin sa isipan ko at hangang ngayon ay pinanghahawakan ko.

Hayyyy sana bumalik ka na kasi hindi ko na alam kung hanggang kailan ko pa kayang maghintay.

 I cheched my wrist watch

10:20 am

     Kailangan ko na pala bumalik sa bahay para makapag ayos ng mga gamit. I'm going back to Manila after lunch. Sunday ngayon at may trabaho na ako bukas, tapos na rin ang 2 days leave ko sa office. Apat na araw lang naman ako sa probinsya, katulad ng dati. 

     Pagkapasok ko sa bahay deretso agad ako sa kwarto ko para iempake ang mga damit ko. Nang matapos ako ay dumerecho ako sa sala, at nakita ko si Mommy may kausap sa phone at mukang tuwang tuwa kaya nga siguro hindi napansin na dumating ako. 

"Hi Ma" 

      Nung makita nya ako agad nyang binaba ang phone mukang hindi na nga nagpaalam sa kausap. Bastos hahhahah pero weird mukang kinakabahan si Mommy, sabagay weird naman talaga yan di na bago yun.  I kissed her on her left chick at umupo sa tabi nya. God I miss this times. 

"Ohh hi baby.How's your day?"

Hay si Mommy talaga. Baby parin ang tawag nya sakin kahit 22 na ako.

"Mom, please stop calling me baby ang tanda tanda ko na kaya. Nga pala Mommy, I'm going back to manila."

Pag kasabi ko parang nalungkot si Mommy. Hay ayaw ko ng ganyan ih. I hate Goodbyes naalala ko lang sya.Haiyyy

"Huh? Bakit naman ang bilis? Di ba sabi ko sayo mag leave ka ng one month. " 

Oo natatandaan ko ngang sinabi ni Mommy yung nung last time na tumawag sya sakin pero hindi talaga pwede lalo na ngayon

"Ehh kasi Mommy..."Di ko nanatapos ang sasabihin ko si Mommy kasi ihh.

"Ilang araw ka palang dito, 4 days ka palang dito baby aalis ka na agad. Ayaw mo na ba dito sa lugar na to o ayaw mo lang akong makasama. Sabihin mo nga Ayame Chang"  My god eto na nga ba ang sinasabi ko. 

"Mommy listen to me fi..."

"Aba teka, baka naman may boyfriend ka na sa maynila kaya ka nag mamadali. Hala sandali matawagan nga ang papa mo ng maka uwi ng pilipinas at sya ang kumausap sayo. Oo nga at matanda ka na pero dapat matuto kang magsabi samin, wala naman problema sakin ihh ang..."

Hay hindi ko na kaya, Kaloka si Mommy. Pati si Daddy na nanahimik sa motherland nya ay papauwiin. Si Mommy talaga.

"Mommy naman, makinig ka muna kaya sakin. Hay naku una gustong gusto ko sa lugar na to ok.  Kaya please Mommy hindi yun ang dahilan.  PssH tahimik Mi"

mukang sasabat nananman si Mommy sa sasabihin ko kaya naman tinakpan ko na ang bibig nya gamit ang dalawa kung mga kamay.

"Pangalawa, hindi dahil sa ayaw ko kayo makasama. Gustong gusto ko na magkakasama tayo. Sobrang miss ko na kayo. At pangatlo, wala akong boyfriend sa Manila ok. Wala Mi promise"

Itinaas ko ang dalawa kung kamay na mukang sumusuko. Muka naman na relieve ang itchura ni Mommy at mukang natuwa pa. Baliw talaga ang nanay ko, buti nalang hindi ko namana.  Salamat sa genes ni Daddy kasi lahat sa kanya ko namana.

"Ahh ganun buti naman" 

"Mommy kaya naman ako babalik sa manila dahil sa trabaho ko. Tapos na yung 2 days leave ko kaya kailangan ko pong bumalik." 

Totoo ang sinasabi ko 2 days lang ang leave ko. Kaya kailangan kong bumalik sa Manila at saka kakapromote ko palang sa trabaho ko kaya kailangan kong magpakitang gilas. Hindi ako nagtatrabaho sa sarili naming kumpanya mas gusto magtrabaho sa iba maging independent at gusto ko ng something new. Si kuya ang panganay kung kapatid  ang nagpapatakbo ng kompanya namin.

"Hay ano pa ga ba ang magagwa ko. Malaki ko na nga Aya. Basta mag ingat ka dun ha. Alam mo naman sa Maynila."

"Mag ingat din kayo Mi dito ha, tzaka don't forget to drink your medicine. Hay naku Mi wag pasaway bawal kumain ng kung ano ano lalo na ang mga pagkain na matatamis at bawal ma cholesterol na pagkain"

Si Mommy kasi ay Diabetic kaya kailangan nya ng gamot araw araw. Kahit matanda na si Mommy takot pa rin sya sa gamot kaya minsan ang mga gamot na dapat nyang inumin tinatapon nya. Minsan nakita ko natinatapon nya sa garden, minsan naman pinapakain nya sa alaga namin aso. Dakilang pasaway talaga.

      Nandito pa rin kami sa sala naka upo sa sofa habang ako naman nakayakap kay Mommy. Maya maya aalis na ako.  Eto yung bagay na sobrang namimis ko kapag nasa manila ako. Mag isa lang kasi ako sa bahay, nangungupahan. 

"Yes doktora alam ko na po." Biglang nanahimik si Mommy at niyakap na rin ako.

"Sana anak sa susunod na bumalik ka dito iba na ang dahilan at sana sa panahon na iyon magbalik na yung dating Aya yung may kinang sa mata. Sana anak maging masaya ka na. Alam ko anak malapit na"

Alam ko kung ano ang tinutukoy ni Mommy, siya kasi yung takbuhan ko nung panahon na nawala siya. Alam niya ang lahat ng nangyare. Alam nya rin ang dahilan ng pagbalik ko sa parehong lugar kada taon.  Sabi ng mga nakakakita nag iba na daw si Aya.

Alam ko na hanggang pati sila umaasa pa rin na babalik sya. Ako? Hindi ko na alam kung dapat pa ba akong umasa.

"Magbabalik ka pa ba?"On goingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon