XIII | 5th Rank: Elmira

90 7 0
                                    

Isinulat ni Angel Medenilla.

I AM A BAD GENIE

~ Elmira ~

Gigising na lang ako na parang walang nangyari. Pinilit abutin ng utak ko ang inisidente pero wala akong maalala. Paano ako magpapaliwanag niyan sa headmaster?

"Ate Elmira!" Nasisiyahang sambit ni Gen. Gamit ang watch niya ay tinawagan nito si Silver. "Oo, kuya... Gising na siya... Sige."

Bumaling ito sa akin, "Kumusta ang pakiramdam mo? Makakapagsalita ka ba?"

Sinubukan kong ibuka ang bibig ko pero hindi ko kaya. Gayundin ay hindi ko maigalawa ang anumang parte ng katawan ko bukod sa daliri.

I'm your fifth rank, Elmira. I am a Terra. Power: Earth

Bumukas ang pinto ng clinic at nakita ko si Daddy. Umasa ako sa wala. Akala ko darating siya. Naluluha nitong hinawakan ang mga kamay ko at saka tumingin sa akin nang may halu-halong emosyon sa mga tsokolate niyang mga mata.

"Please recover fast, Elmira." Sumaglit lamang ito at umalis na.

"Ate Elmira, salamat. Salamat at nagising ka kaagad," maluha-luhang sambit ni Gen. "Tinakot mo ako." Patuloy itong humihikbi pero hindi ko maigalaw ang katawan upang patahanin siya.

"Alam mo bang madami ang bumisita sa iyo? Napadaan dito ang mga rankers, kasama iyong recruit nila Kuya Silver."

Benevelle. Benevelle Quentin, the special case.

Noong nakaraan, ito iyong araw na pinuntahan ako ni Silver sa silid aklatan dahil pinapatawag daw ako ni daddy, ang headmaster.

"Daddy, you called for me?"

"Yes, honey. I miss you already."

"Good joke dad, kagagaling ko lang dito kahapon."

"Well, you must hear me out first at ilapag mo iyang napakadami mong libro sa mesa. Why do you even carry a lot of books?" Inayos ko ang salamin saka humalukipkip. Pinagkrus ko ang binti saka sumandal nang maayos sa upuan.

"I'm investigating something and I have to investigate more."

"Okay, since you love investigating, may assignment ako para sa iyo." Napakunot ang noo ko sinabi niya.

"But dad, I have an ongoing assignment."

"Ibibigay ko na lang sa iba."

"NO!" Sayang, mukhang exciting pa naman. I also have a feeling that it's quite important. "Ilang points ba iyan?" Akala niya siguro nakikipagpaligsahan ako kay Snow eh nagbibilangan lang naman kami kapag parehas kaming nasa dorm. She's my roommate.

Napatawa ito nang mahina. "Okay, we'll check later how much points it is worth." Bigla naman sumeryoso ang mukha nito. "I am telling you this now as the headmaster Elmira."

Napukaw niya ang atensiyon ko at itinuon ko ito sa mga sunod niyang sinabi.

"There's something faulty about the background check Silver gave about the new girl." That's how I started the case of Benevelle. I do not know if I should drop my prior projects, medyo urgent na din kasi iyong iba doon dahil malapit na ang year-end duel. Hay.

"What? Not a good joke dad. Hindi pa pumalpak si Silver sa ganiyang bagay," right, I had the urge to defend him in front of dad. We both work for security of the students sa academy. Silver takes his role seriuosly and I have never met anyone as gritty as him. Napasinghap ako bago nagsalita muli, "That's why you always give him the job."

"I know. But, not in this case honey."

"Who's the girl?"

"Oh-hoh. Do not get jealous, honey." Sabi nito bago tumawa nang nakakaloko.

"Quit it dad. It's not like you want us together." Kinontrol ko ang sarili na huwag umirap.

"Right, I want Silver as Silver, not as your boyfriend. Besides, you're too young for that."

"Dad, I'm eighteen. What's young with that, gra-graduate na ako this year," I lowered my gaze to avoid more of his lectures.

"You're still young. And, huwag kang gumaya kila Blue at Fiona. You will not be a Lady since kapatid mo ang tagapagmana but, you're still an elementalist. Take pride in that." In short, do not ever let him down.

Silver and I are unlike elements. The wind can touch the earth, but the earth can never touch the wind. Just as the water can touch the fire, but the fire can never touch the water. It's complicated.

Nabubuhay lang ang pag-asa ko tuwing pinapanood na maglambingan o magkulitan sila Blue at Fiona. Ganunpaman, alam kong hindi magiging madali sa kanila na panatilihin ang kanilang relasyon. They will break up before they graduate.

Magle-lecture sana ulit si daddy when we heard a knock. Kanina ko pa alam na pupunta siya because I can feel the vibration of his footsteps. Hindi ako mapakali.

He entered the room with such poise like a fashion model. He has this tall and masculine built, fair complexion, well-styled hair, and really handsome face. Everyone says na walang makakatalo sa kagwapuhan ni Blue but Silver is the handsomest for me.

"Elmira," his voice can send butterflies down my stomach.

Stupid heart. I stared at those gray eyes and I feel my heart beat faster.

"Elmira," this time, si daddy na ang tumawag sa akin and it's threathening. Nakalimutan kong earth elementalist din siya.

Sumaglit lamang si Silver na nagbigay ng dalawa pang background checks. Before he left, he looked at me straight in the eyes and I know that the feeling is mutual. I can hear his heartbeat.

Pinukaw muli ni daddy ang atensiyon ko nang tawagin nito ang pangalan ko. Inabot niya sa akin ang file ni Benevelle.

"White smoke?" Ipinaliwanag sa akin ni daddy na iyan lang ang description sa kapangyarihan na lumalabas sa palad niya. Baka naman mist or fog ito. Kabisado ko ang lahat ng libro sa library, hindi pupwede ang smoke. Bawal ito sa patakaran ng mga Ignis.

"Nakalagay dito na nanggaling siya sa isang bahay ampunan. Ang mga sumusunod ay hindi maipaliwanag kung saang angkan siya nanggaling," tumikhim ito bago nagsalita ulit. "Silver is quick and witty, honey. Subalit wala siyang nakuhang impormasyon tungkol sa batang iyon."

"Please, ipagpatuloy mo ang imbestigasyon kay Benevelle Quentin."

"Ano pala ang nagagawa ng smoke niya daddy?"

"Namamatay ang sinumang dapuan ng usok niya, Elmira." Binasa ko doon ang mga observation nila sa kaniya sa taas.

Sigurado akong nadapuan kami ng usok ni Benevelle that day subalit hindi kami namatay. Nasa kritikal na sitwasyon nga lang ako ngayon at walang maalala. Memory manipulation? Malaki ang posibilidad na isa siyang Aero-Aqua.

Maya-maya ay nagkagulo sa clinic.

Iginala ko ang mga mata sa paligid at nakitang ipinasok din nila sa emergency room si Blue na namimilipit sa sakit. Shit. I have seen this reaction in books before, nawawala ang kontrol or affinity niya sa kapangyarihan niya. He's in critical condition dahil unstable ang spirit niya.

Sa hindi kalayuan naman ay nandoon si Fiona na walang malay at basang-basa. What happened?

Matinding kuryosidad ang bumalot sa isipan ko. Kailangan ko nang bumangon dito.

Bad Genie [Book One-Completed]Where stories live. Discover now