Chapter 1- Ang Huling El Bimbo

2.7K 113 5
                                    

Pedro

"Jane, kailangan kong bumalik sa Maynila para ayusin ang flight ko." Bulong ko sa aking kasintahan.

"Pangako mo na babalik ka."
Halos madurong ang puso ko ng marinig ko ang hikbi ni Jane.

Oo, alam kong mga bata pa kami. Hindi pa nga legal kung tutuusin. Ako ay disi-siete pa lamang at si Jane ay dise-sais.

Pinunasan ko ang mga luha sa kanyang mga mata.
"Pangako. Saka kukuhanin pa kita. I will work in America and will petition you. Just...wait for me, please." I pleaded.
"Maraming babae sa America, Pedro."
Natawa ako ng bahagya sa selos na narinig ko sa boses niya.
"At wala akong pakialam sa kanila." I replied.

Para mawala ang pagseselos ni Jane, I started to kiss her again. And that kiss turned into a passionate one. Sabi nga, napakapusok ng mga kabataan ngayon. At isa na kami doon. Hindi ako natatakot dahil alam ko sa sarili ko na si Jane na ang para sa akin. Kaya kong humarap sa magulang niya at aminin na nagmamahalan kami.

Ang pangako ko kay Jane na isang linggo lang ako sa Maynila ay naging isang buwan... dalawang buwan hanggang sa puntahan ako ng kanyang kaibigan sa talyer namin.
"Pedro..."
Buhat sa ginagawa kong sasakyan, nag-angat ako ng tingin upang makita kung sino ang tumawag sa akin.
"Magnolia? Napadalaw ka. May problema ba? Kasama mo ba si Jane" Sunod-sunod na tanong ko.
"Hindi. Wa...wala si Jane. Hindi ko kasama." Sagot niya.
"May sasabihin lamang ako sayo na importante."

Nagpunas ako ng grasa sa basahan na nadampot ko at lumapit ako kay Magnolia.
"Ano yun?" Tanong ko sa kanya.
Hindi ko alam kung saan nanggaling ang lakas nito upang hapitin ang leeg ko at siilin ako ng halik.

"Kaya pala." Narinig ko ang boses ni Jane sa likod ni Magnolia. Napaatras ako ng bahagya. Pasakay na si Jane sa taxi ng mag-angat ako ng tingin.
Jane...Jane!" Sigaw ko at tinangka ko siyang habulin.
Pinigilan ang braso ko ni Magnolia. "Hayaan mo na si Jane."Sabi nito.
"Anong klaseng kaibigan ka?" Tanong ko sa kanya though alam ko na ang sagot.

Hinabol ko ang taxi na sinasakyan ni Jane pero hindi ko naabutan. Nang hapon din na iyon, kahit galit na galit ang magulang ko, umuwi ako sa probinsya namin para mag-explain kay Jane.

Pero wala na siya. Naglayas daw ito kahapon at hindi nila alam kung saan hahanapin. Iyon ang unang pagkakataon na umiyak.

20 years later

"Boss, may nakuha akong information na may isang Jane Saavedra na nakatira sa T. Alonzo sa Baguio City."
Nilapag ng Private Investigator ang mga larawan sa ibabaw ng table ko.
"Kuha iyan few years back. Ang sabi ng mga kapitbahay nila, namatay na raw si Jane Saavedra last year."

Para akong nawalan ng lakas sa narinig ko. Napaupo ako bigla sa upuan. Nanlambot bigla ang katawan ko.
"What?" I whispered.
Si Jane... Wala na si Jane?
"Boss, yung anak ni Jane, nasa kulungan. May kasong rape."
Inilapag ng PI ko ang isang larawan sa aking harapan. At mas lalo akong nanghina ng makita ang larawan ng isang binata sa loob ng kulungan.
"Peter Anthony Saavedra ang pangalan niya Boss. Disi-nueve." Pagbibigay ng information sa akin ng PI.

"Nasaan si Peter?" Nanginginig na titinigan ko ang nasa larawan.
"Nasaan ang anak ko?" Sigaw ko ng sumabog ang galit ko sa dibdib.
"Nasa Munti, Boss." Natatakot na sagot ng PI.

I called my assistant right away.
"Contact my lawyer, tell him to meet me at Muntinlupa City Jail, now."
"Boss," Pigil ng assistant ko sa akin.
"Ano pa ang nahanap mong information? Sabihin mo sa akin sa daan?" Kinuha ko ang susi ng kotse ko na at mabilis na lumabas ng opisina.
"Boss, may client meeting kayo." Paalala ng assistant ko.
"Cancel all my meetings." Utos ko.

Nagsalimbayan ang mga tanong sa isip ko. Bakit nasa Baguio si Jane? Bakit nakakulog si Peter? Bakit hindi sinabi ni Jane namay anak kami? For God sake, magkamukhang-magkamukha kami ng anak ko.

"Boss, nakablank ang pangalan ng ama ni Peter sa birth certificate. Wala ring naging karelasyon si Jane ng lumipat siya sa Baguio. Naging taga-hugas siya ng mga plato sa isang karinderya doon."
Nagtagis ang mga bagang ko habang kinukwento ng PI ang mga paghihirap ni Janeat ni Peter.
"Tumigil ka na... Huwag mong ipamukha sa akin ang mga pagkukulang ko." Bulyaw ko sa PI na natahimik naman. Good, alam mo pala ang makakabuti sa iyo.

Pagdating ko sa presinto, hinarang ako ng mga prison guard para makapasok.
"Sir, tapos na po ang oras ng dalaw." Sabi nito.
Nagngingitngit ako sa galit kung kaya hindi ako kumibo.
"Chief, baka pwedeng pakiusapan na lang. Kasi, si Mr. GATCHALIAN... kailangan talagang makausap ang bata." Sabat ng PI na kasama ko.
"Sir, ano na lang, huwag na lang kayong gumawa ng gulo." Sabi nito.
"Papasukin nyo din ang abugado ko pagkadating." Utos ko sa guard.

Kinakabahan ako habang naghihinatay sa receiving area.

Hindi... hindi magagawa ng anak ko ito. Ilalabas ko siya ng kulungan.
"Sino ka? Ano ang kailangan mo?" Tanong ng isang lalaki sa likuran ko.
Lumingon ako sa kanya at parang nakaharap ko ang sarili ko noong kabataan.
"Papa..." Bulong niya. Hindi makapaniwala sa nasa harapan niya ako.

At iyong ang pangalawang pagkakataon na umiyak ako.

Darling Pedro (un-edited)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon