Chapter two :)

69 2 0
                                    

A/N: nadelete ko po yung chapter two :(( clumsy kasi. Gamit kasi ang ipad kaya ayun. Tatskrin eh, kaya kung ano ang napindot. Haay. Baka may madadagdag dito at maiba wehehe.

 Keeno on the right side. Himala at naka smile sha. hihihi

------

**FLASHBACK**

Habang naglalakad ako papuntang school. Yes, Ako po ay naglalakad everyday para pumasok and it's because malapit lang ang aking tirahan dito wehehe. Practical akong babae kahit na may kaya kami.

So as i was saying, eto na nga naglalakad ako nang may matandang babae na sumabay a paglalakad ko. And oh, let me rephrase it. May isang magandang matanda ang sumasabay sa akin sa paglalakad. Shempre medyo na confuse ako kasi maluwag naman ang daanan dito sa gilid para sumabay pa sha sa paglalakad ko. Kakausapin ko si lola bells para malaman kung may pakay ba sha saken. Magsasalita na sana ako nang nagsalita sha. Inunahan pako e.

"Mr. Smiley" sabi ni lola

" Ano po lola?" ako.

" Ang sabi ko, Mr Smiley. Yan ang description ng magiging asawa mo." sabi ni lola.

Ako naman ay napanga nga sa simula pero natawa na din dahil sa sinabi ni lola.

" lola talaga, asawa agad? Di ba pwedeng boyfriend muna?hahaha pinagloloko niyo naman ako eh." sani ko habang natatawa dahil sa sinabi ni lola.

" hindi ako nagbibiro hija. Totoo ang sinasabi ko. Mahilig ngumiti yung taong yun." sabi ni lola ulit, ansabeeeee? Manghuhula lang ang peg ni lola ah. Hahaha ano to? Parang sa tv lang.

"Oo manghuhula ako. Isang magandang manghhula as you can see, di ba? " lola.

Nabasa niya yung asa utak ko? Anbelibabels! Pero tama si lola, maganda nga sha. Hahaha

" i know right hija, maganda talaga ako." may pagka feeler tong si lola infairness.

" ah eh, tama po kayo jan lola. Oh eto po bente pesos, pasensya na po at yan lang ang kaya kong ibigay sa inyo" sabay abot sa pera. Nakuuu alam ko na ang mga strategies nila ngayon noh! Ako pa?

" uhm hija, di ko kailangan niyang pera mo. I'm rich you know. Maganda at mayaman na matanda, pero hindi pa madaling mamamatay " lola

That was, woahhh. Antaray teh! Hahahaha. Natawa nalang ako dahil sa sinabi ni lola at ibinalik ang pera sa wallet ko. So yun. Matanong nga si lola kung paano niya nasabi na Mr. s iley ang magiging asawa ko

" ayy lola, paano nga----" ooops.

"Wala na si lola bells? Asan na yun?" tumingin tingin ako sa paligid baka sakaling andito pa si lola. Pero wala na sha. Nangilabot ako, di ba ganun yung sa mga horror movies? Yung bigla nalang mawawala yung matanda? Tapos may mangyayarong ewan na? Oh em. Nass state of shock parin ako ng nakarating ako sa school. At pumasok na ako sa room, sakto wala pa yung prof namin.

** END OF FLASHBACK **

" So ayan ang nangyari kanina, kaya wala ako sa mundo ko kanina. Kung ikaw kaya candice ma try yun?" sabi ko kay dice

" ay nako. Kaya pala. Hahaha! sino kaya si Mr. smiley noh? Excited tuloy ako. Hihihi" dice

Wow. Maka hihi naman tong si dice, sarap pektusan eh. Nga pala, sha rin po si Candice. Dice lang nickname niya. Baka magkamali po kayo sa pagpronounce ng nickname niya. It's (dis) dice. Gets guys? I just want to clear.

" hoy dice, tigil tigilan moko sa ganyan, dahil hindi ako interesado. At tska hindi yan totoo noh. Hello ?! New generation na ho at hindi naman talaga totoo yang mga hula thingy noh!" ako.

Mr. SmileyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon