Ang Kuwento ni Maria Labo

8K 26 2
                                    

guys,to make things clear Miss Candy po ang pen name ko pag nagsusulat ako:)

Happy Reading!

CHAPTER 1

Malalim na ang gabi,malamig ang

kapaligiran dahil kakatapos lang

bumuhos ng isang malakas na

ulan.Napaka tahimik ng lugar.Tanging

huni ng kuliglig at palaka ang maririnig

sa kapaligiran.

Kahit medyo nahihilo,nagawa parin ni

Nestor ang mag maneho sa kabila ng

madulas na kalsada at matarik na

bangin sa gilid ng dinadaanan nya.

Birthday kasi ng kumpare nya,may

konting salo-salo at inuman.Eh medyo

naparami ang inom kaya mas minabuti

na lang niyang magpaalam sa mga ka

trabaho nyang pulis nang tumila ang

ulan.At isa pa,ayaw din niya mag alala

ang mahal niyang kabiyak-si Maria.

Ginarahe niya ang kanyang owner-type

jeep sa labas ng tarangkahan ng

kanilang bahay.Pagpasok niya sa

loob,dire diretso sya sa banyo-naiihi

na kasi siya.Pagkatapos nun,bigla

siyang nakaramdam ng gutom.

"Tulog na siguro ang asawa ko kaya

ako na lang maghahanda ng hapunan

ko.."naisip niya.

Dumiretso siya sa kusina,saka binuksan

ang refrigerator para tingnan kung ano

ang pwede niyang makain ng oras na

iyon.Pagbukas niya ng

refrigerator,biglang sumikdo ang

kanyang dibdib!Para siyang tatakasan

ng ulirat,nanlamig sa kanyang mga

nakita,gumapang ang nginig at kilabot

sa buo niyang pagkatao!Para siyang

tinadyakan ng demonyo sa kanyang

dibdib sa kanyang nakita!

Dalawang pugot na ulo na bahagyang

nakatalikod kaya hindi maaninag ang

mukha,mga duguang putol na kamay

at paa at mga lamang-loob ang

kanyang nakita sa loob ng refrigerator!

Tila isang biro lang ang lahat para sa

kanya,pero niloloko lang niya ang sarili

niya.Na lahat ng nakikita niya ay hindi

isang biro lamang!

Dahil aminin man nya o hindi,base sa

gutay2x na kulay asul na damit

pambata na superman design at kulay

pink na bestida...alam nya sa sa sarili

niya bilang isang ama,ang natagpuan

nya sa loob ng refrigerator-ay katawan

ng mga anak nya!

Ang Kuwento ni Maria LaboTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon