Ang Kuwento ni Maria Labo

3K 16 0
                                    

Chapter 2

Nahuhumindik na napaatras bigla si

Nestor.Hinihingal siya na napasandal

sa pader,habang sapo ang noo

padausdos siyang napaupo sa

sahig.Tila hindi makapaniwala sa

kanyang nadatnan.

Lumabas siya ng kanilang

bakuran,kahit nanlalabo na ang

kanyang paningin dahil sa pagdaloy ng

kanyang luha pilit niyang nilalabanan

ang takot at sindak na kanyang

naramdaman.

Napapikit siya ng mariin habang

pinupuno ng hangin ang kanyang

dibdib.

Nang bigla siyang may narinig sa

bandang kanluran ng kanilang

bakuran!Isang malakas na kaluskos

ang kanyang narinig,agad siyang

napalingon sa pinagmumulan ng

ingay.Nakita niya ang pag galawan ng

mga talahib.At nakumpirma nga niyang

doon nagmumula ang ingay,ingay na

tila isang hayop!

Bumalik siya sa kusina,sabay hugot ng

itak na nakabaon sa gilid ng lababo

nila.

Paglabas niya ng bahay,dahan dahang

lumapit si Nestor sa mataas na

damong ligaw na pinagmumulan ng

kaluskos.

Subalit siya'y napahumindik sa

kanyang nakita,isang nilalang na tila

gutom na gutom habang

nginangatngat ang atay na tila sarap na

sarap sa pagkain.Isang babae ang

nilalang na ito!Base sa haba ng buhok

at blusang puno ng dugo walang duda

na ito ang salarin sa pagpaslang sa

kanyang mga anak!

Hindi namalayan ng babae ang

presensiya ni Nestor na nasa kanyang

likuran.Abala ito sa pagkain at pag

sipsip ng sariwang dugo at atay.

Gamit ang hawak na flashlight inilawan

ni Nestor ang nilalang- sabay paglingon

ng babae bigla niyang tinaga gamit ang

hawak na itak sa mukha ang babae.

Sapo ng babae ang kanyang mukhang

nasugatan,kasabay ng pag angat ng

kanyang mukha nag tama ang tingin

nila ni Nestor.Dumoble ang sindak na

naramdaman ni Nestor ng biglang

humarap sa kanya ang babaeng

dahilan ng pagkamatay ng mga anak

niya.Ang babaeng ito ay walang iba

kundi si...

"M-maria?!"gulantang niyang tanong

sa kanyang asawa.

Ang babaeng halimaw na hayok na

hayok sa pagkain ng lamang-loob ay

biglang naging isang maamong

babae.Isang babae na animo'y hindi

gagawa ng isang karumaldumal na

krimen.

"N-nestor..p-patawa-rin moko..waay

ko kabalo sang ginapang himo ko!

(Hindi ko alam ang pinaggagawa

ko!)"habang umiiyak si Maria hawak-

hawak niya ang mukhang may sugat

habang dumadanak ang dugo pababa

sa kanyang blusa.

"Hah!patawarin?!ganun lang ba iyon

Maria?pagkatapos ng ginawa mo sa

mga anak natin,ganun na lang ba ka

simple yun?!!ha!??Hindi na kita kilala

Maria,simula ng dumating ka dito

galing London,ibang-iba kana!Ang mga

kilos mo nakakapanibago..."luhaan na

turan ni Nestor.

"Hindi mo rin kasi maiintindihan kung

ikukwento ko sayo Nestor,maraming

nangyari sa akin sa London kung alam

mo lang pero inilihim ko ito sa sarili ko

dahil ayoko kayong mag alala..kayo ng

mga anak ko..ang mga anak

kooo.."tuluyan ng napaluha si Maria ng

biglang maalala ang kanyang mga

anak.

"Umalis kana,bago kita mapatay ng

tuluyan..isa kang hayop!!!"sigaw ni

Nestor.

Napaatras bigla si Maria,galit at

pagkasuklam ang nakikita niya sa

kanyang asawa.

"N-nestor hindi ko hungod ang

natabo...palangga ko kamo..please..

(hindi ko sinasadya ang

nangyari,mahal ko

kayo..)"pagmamakaawa ni Maria.

"Simula ngayon ayoko na makita ang

pagmumukha mo hayop ka,at pag

nagkataon mag krus ang landas

natin..sinusumpa ko papatayin

kita!!!"nkatiim-bagang na saad ni

Nestor.

At dahil dun tuluyang lumabas ng

tarangkahan ng kanilang bahay si

Maria.Walang direksiyon,walang

patutunguhan.

Kung ano man ang kahihinatnan

nito..kung ano man ang kalalagyan

nito..sinisiguro niya,wala siyang alam

sa mga nangyayari sa kanya!

Ang Kuwento ni Maria LaboTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon