Chapter 1: The beginning of a nightmare

51 0 0
                                    

 “Takte naman oh nauto pa ako ng text na to wala namang babae dito”

 Shit! Andyan na sya!

U..umm ex..excuse me.” Nakatago pa din ako sa likuran ng puno, dito ko na lang sya kakausapin

“Pusa naman oh pinagtitripan ako ng mga walangyang barkada ko”

Naku di pa nya ko narinig. Paalis na sya! Di pwede to, kailangan kong makausap sya. Lumabas ako sa may puno at hinila ko sya pero sa laylayan lang ng uniform nya ako umabot.

 “Pakshit! Bakit may bata dito?”

Bata? Ako? Shit I better not show my face. Tama. Dapat magpakilala muna ako sa kanya.

“Im Yumi”

Tumawa sya. Pinagtatawanan nya ako. Aaargh this is humiliating!

 “ Ikaw ba yung nagtext?” Nagnod ako

 “So? You need anything?”

Waaaaah eto na to! Shit naman! Kaya ko to. Dapat kayanin ko.

“Can I be your girlfriend?”

 Shit bakit naisigaw ko pa baka may makarinig na iba pero wala namang pumupunta dito diba. Bahala na. Ipinikit ko ang mga mata ko at hinigpitan ang hawak sa polo nya.

 Silence..

Shit why isn’t he saying anything! Im dying here! And then he suddenly burst in laughter.

“Y..you’re kidding, right hahahhaha?”

Huh? Anong sinabi nya? Napaangat tuloy ako ng tingin sa kanya para iconfirm kung tama yung narinig ko. Nakatawa sya. Pinagtatawanan nya nga ako. Shit! Nakakahiya! Ni hindi man lang nya kinonsider ung confession ko!

“I d..do..don’t date kids hahaha” Halos hindi sya makapagsalita sa kakatawa

“Huh?” My tongue’s tied. Did I just got dumped?

He suddenly stop laughing.

“Well  if you can do one thing, I might consider you”

“Kiss me…”

Kriiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiing!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!

“Damn!” Naibato ko ng wala sa oras ang alarm clock na nasa bedside table ko. My head hurts. That dream again! Bakit ngayon ko pa napanaginipan yun!

“Aaaaaaaaaarggh!” Nakakainis! Nakakainis! Sigaw na lang ang magagawa ko!

“Hoy babae! May balak ka bang pumasok?” Si mama. Bwisit! Ayoko syang makita. Sya ang may kasalanan ng lahat ng to!

“Get out of my room!” binato ko sa kanya ang unan ko.

“Aalis na, eto na.. Paalala ko lang sayo 7:30 na”  Ibinato nya sakin pabalik ang unan ko at tumakbo palabas ng kwarto ko

“Fuck. Im gonna be late! Bakit di mo ko ginising?!” Pahabol kong sigaw sa kanya! Aaaaaaarg kainis talaga! Nagmadali akong naligo at nagbihis. No time for breakfast I guess.

Ako si Yazumi. Hindi ko alam kung anong ugali meron ako. Sabihin na nating im a little bit of everything and more of a rebel. Senior na ako. Let me correct that. Pinilit na makapasok as senior. Naexpelled kasi ako sa dati kong school, mahabang story kung bakit saka ko na ikwekwento. At eto, dito ako bumagsak sa school na to. Ayoko na sanang bumalik pa sa school na to pero dahil ito lang ang tumanggap sakin no choice ako. Kahit public papatusin ko, wag lang dito pero yung magaling na matandang yun pinilit na dito ako pumasok sa skwelahan nyang bulok. Lolo ko pala yung may ari nito ngayon ko lang nalaman. Akalain nyo yung magaling kong nanay, sabi nya dati wala na kaming kamag anak. Aaaargh bwisit talaga!

“Class, meet your new classmate. This is Yazumi Mufico, sya ang apo ni Director.”

Nagbulungan sila. Nakakairita parang mga bubuyog! Andito nga pala ako sa regular section, kahit lumuha pa ng dugo yung huklubang matandang yun hinding hindi ako papasok sa special section nya.

“Dito sya nag aral ng first year kaya di nakapagtataka kung yung iba sa inyo kilala sya” I doubt that. Walang makakaalala sakin sigurado ako. At bakit ba napakadaldal ng teacher na to.

“Okay Yazumi pwede ka ng umupo”

Tanga ba to? May upuan ba? Dumirecho ako sa dulong part ng classroom. Bingo! Found my seat.

“Bakit?” Familiar tong lalaking to sakin. Nakakainis. At dahil nakakainis ang mukha nya, sa akin na lang ang upuan nya. Tiningnan ko sya ng masama pero nakipagtitigan lang sya sa akin. Stupid. Walang common sense

“Mr. Kudosa! Umalis ka dyan. Kumuha ka ng upuan mo sa stock room!”

“Maam naman, upuan ko to! Napamahal na ako sa upuan kong to, marami na kaming pinagsamahan.“

“Mamili ka tatayo ka sa labas o –“

“Yes maam! Tatayo ako sa labas!”

Tawanan ang lahat ng mabilis pa sa alas kwatrong tumakbo palabas ng classroom yung lalaking stupid. Tsk sana pala di ko na lang sya inagawan ng upuan para ako ang makatakas sa klase ngayon.!

“Waaah ang kulit talaga ni Puzzle noh? Ang dali nyang makalusot kay maam”

“Oo nga, ang cool nya!”

Pft. Stupid fangirls. Ang iingay ng mga katabi ko. Nasa sulok na nga ako may istorbo pa! Teka..

“Did you just say Puzzle?”

“Ha?”

Stupid talaga ang mga tao dito sa section na to! Grrr..!

“Anong pangalan nung lalaking yun?”

“Oh you mean si Zle?”

May iba pa ba kayong pinaguusapan? Nagpigil akong wag sapakin ang babaeng espasol na to. Tumango lang ako at sumagot naman yung kakwentuhan nya kanina na makulay pa sa makulay ang makeup.

“Diba dito ka nag aral ng first year. Dapat kilala mo sya, Mr. Freshman yun nun diba? Imposibleng di mo sya kilala kung nanggaling ka dito. Puzzle Kudosa ang pangalan nya. Cool nya no?”

Puzzle?

Puzzle Kudosa?

 No way! There’s no way na makakalimutan ko ang pangalang yun.

 Is this a joke?

 God no! Please let this be a dream!

The ReboundTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon