Chapter 15: Oh you're so dead

19 0 0
                                    

Chapter 15: Oh you're so dead

“Hoy Chop,, nasan na yung amo mo?”

Ang walangyang yun ang lakas ng loob magyaya tapos late naman pala.

“Parating na yun”

Nakakahalata na ako sa Chop na to ah, kanina pa to ngisi ng ngisi sakin.

“Ano bang tinitingin tingin mong aso ka ha?”

“Ahaha wala naman.”

Tsk sarap bugbugin ng isang to. Andito ako sa harap ng bahay nila, sa kalsada actually. At yan paparating na ang sasakyan ng walangyang lalaking yun.

Ipinarada nya sa harapan namin yung kotse na. At ang walangya inilawan pa kaming dalawa dito ni Chop. Unti unting bumaba ung bintana ng kotse nya at ayun nakangisi na naman ang gago. Sarap sapakin naku.

“Yow. Sakay na”

Nginitian ko sya ng ngiting aso. Agad kong binuksan yung pintuan sa likuran pero nakalock.

“What now? Madamot ka magpasakay?”

“Haha not there honey, dito ka sa tabi ko.”

Aargh binuksan pa nya yung pintuan. Sumakay na lang ako bago pa ako lalong maasar sa kanya.

“Haha nagintay ka ba? Namiss mo ko?”

“Honestly? Isa kang malaking ASA!”

Aaargh balak ba maging clown ng lalaking to? Si Chop naman sa likuran nakangisi din, psh stupid duo.

Isinaksak ko sa tenga ko yung headphone ko baka kasi magdaldal tong unggoy na to. Dapat di nya masira ang gabi ko kasi ako ang sisira ng gabi  nya hohohoho.

“Ano to?”

Shetness kung alam ko lang na ganito ang pagdadalhan sakin ng hinayupak na yun sana di na lang ako sumama. Isa yung park na may mga amateur band na tumutugtog. Wag nyang sasabihing may banda sya. Pacool amp.

“E di gig ng tropa ko”

Aaah sarap patayin. Nakangiti pa sya sa akin. Anong balak nyang gawin namin dito? Panuorin yang mga yan? Pakelam ko ba dyan.

Agad kaming pinuntahan nung mga lalaking pacool nung natapos yung tugug nila. Medyo madami din namang andun sa park.

“Grabe Zle nagpakita ka ding gago ka”

Yung vocalist yung nagsalita. Lumayo ako sa kanila ng konte. Wala akong balak na makakilala ng mga kaibigan ng demonyo sa buhay ko.

“Honey san ka pupunta?”

Nagpanting ang tenga ko. Ang walangya. Ang kapal ng mukha. Hindi ko sya nilingon kunwari di ko narinig at kunwari di ako yun.

“Haha girlfriend mo ba yun? Mukhang di ka naman kilala e”

“Mahiyain lang talaga yun haha. Galing nyo na tumugtog ah”

Mahiyain nya mukha nya. Makapaglibot libot na nga lang muna.

[Puzzle’s POV]

San kaya nagsuot ang kuting na yun? Ang sarap talaga asarin nun haha.

“Chop si Yaz? An ba yan dude! Bakit ka kumakain ng ice cream?”

“Masarap e. Nakita ko pumunta dun sa may tulay”

Lumingon ako sa bandang yun. Hindi ko sya makita. Lumayo pa ata, baka umuwi yun tsk.

“Ui tara samahan mo ko hanapin natin”

“Baka umalis yung ice cream eh..”

Parang tanga talaga tong si Chop. Maiwan na nga lang.

The ReboundTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon