Part II

6 1 0
                                    

"One shot lang po" An author can obviously end a story pero sana ganun nalang talaga kaikli ang kwento ng buhay ko. I'm Jin Mylene Mercado 22 years of age, a fresh policewoman.
"Ma'am bagay po sa iyo itong kulay yellow" tinignan ko yung dress na inabot sa akin ng sales lady. Hanggang tuhod ito, sleeveless and fitted for my sexy body, the hell this is not suited for a wedding. "Para saan po ba yung dress na hinahanap mo ma'am?" tanong ng sales lady.
"Wedding" maikli kong tugon.
"Omygosh ma'am congratulations po" hehehe, gusto ko ng sabunutan ang babaeng ito. Kung ano ang bigat na nararamdaman ko ay mas lalo niyang pinabibigat but as a professional I need to look cool and chill y'know.
"Aattend lang ako sa kasal ng kaibigan ko" sa maraming pagkakataon ay muli na namang sinasaksak ng punyal ang puso ko. After so many years as being "Umaasa" ay magtatapos din pala sa katagang "Tigil na! Wala ng Pag-asa!". Pinili ko ang isang puting dress para kahit papaano ay maging kakulay ko naman yung magiging bride niya kung sino man ang maswerte na iyon. Napapaisip tuloy ako, ano kaya yung tipo niya? Sa ilang taon ko ng paghanga kay PO1 Charles ay ni hindi manlang ako nakabalita ng nililigawa niya tapos KASAL AGAD? okay! Siguro ganun lang siya kagaling magtago.
Sa lahat ng napagdaanan ko sa buhay, ito ang isa sa pinakamasakit na parte ng buhay ko.
Seeing your man with a black tuxedo, it's perfect. Matimo siyang nakatayo habang hinihintay ang pagdating ng kaniyang bride. Medyo malakas din ang ihip ng hangin at nararamdaman ko ang nagbabadyang pagbuhos ng ulan. Bakit ba naman kase sa lahat ng lugar ay beach wedding pa ang nais nila. Aba! Kung kami lang ni Charles ang ikakasal gusto kong maganap yun sa kulungan para unique hehehe kaso iba ang pakakasalan niya. Okay lang hindi naman masakit.
Nagsimula ng magpadinig ng musika ang isang piano. Malumanay lang ang tunog nito at mararamdaman mo talaga kung ano ang pangyayari na nagaganap ngayon. Masaya sana ako ngayon e pero tumutulo ang luha ko dahil siguro huli na ang lahat sa akin. Akala ko kase may pag-asa pa. Nagsisisi ako, bakit kase hindi ko pa sinabi kay Charles ang nararamdaman ko kahit bata na ang tingin niya sa akin 4years ago. Ganun nga talaga ang pag-ibig "Maaaring magtapos ang kwento nito kahit wala pang nasisimulan." Hindi na maitago ng puso ko ang sakit dahil sa bawat segundo ang isinasabay nito ang pagpatak ng aking mga luha.
Lumingon ako sa aking likuran para makita ang bride ni Charles at para malaman kung ano ang itsurang minamahal niya.
Noong nakita ko na ang bride, pakiramdam ko ay mahihimatay ako. Kung gaano kasakit ang nararamdaman ko ngayon ay may sasakit pa pala. Tila ba pinagkaitan na ako ng kasiyahan. "Hahahahahahaha" medyo mahina ang peke kong tawa na 'di madidinig ng iba at tanging ako lang ngunit ang mga hikbi na kanina ko pa itinatago ang unti-unti ng lumalantad.
"Jin, bakit iyak ka ng iyak diyan? Hindi naman ikaw ang ikinakasal ah hahaha" sabi sa akin ng katulad ko 'ring pulis.
"Masaya lang" ang plastic ko talaga. Minsan kase kailangan mong itago ang sakit para hindi nila sabihing mahina ka. Ang sakit lalo na ng tumapat na sa kinaroroonan ko ang bride ni Charles.
She's 37 years old at alam na alam ko yun. Medyo may pagkakahawig kami pero mas matured lang konti ang mukha niya. Napaluhod nalang ako nang lumagpas na siya sa akin. Hindi manlang siya nag-abalang tignan ako. Sabagay, hindi na bago iyon sa akin.
Tatlong taon ang tanda niya kay PO1 Charles at 15 naman sa akin. Bakit ko alam? Syempre sa kanya ako nagmula, sa kanya ako lumabas, siya ang aking Ina. Nakahihiya, hindi ko manlang alam na ikakasal na siya at sa taong mahal ko pa.

False InstinctTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon