Part III

4 1 0
                                    

Ganito ba talaga ang pag-ibig? Napaka-komplikado.
Dapat ba maging masaya ako para sa aking ina na kahit kailan at hindi ako itinuring na anak? O dapat magalit ako dahil hindi na nga niya ako itinuring na anak ay inagaw niya pa ang mahal ko. O baka naman dapat akong maging proud kase magiging amain ko na ang palihim kong minamahal. Destiny? Ano ang ginawa mo?
Dapat ko bang itigil ang kasal at sabihing hindi ako pumapayag bilang isang itinatagong anak? O kailangan ko talagang itigil dahil hindi ako pwedeng magkaroon ng espesyal na nararamdaman sa magiging amain ko? Iiiyak ko nalang ba? O lalaban pa?
Nararamdaman mo ba ang sakit? Ako? Sobrang ramdam ko. Bakit ko kailangang maramdaman lahat ng ito. Hahahahahahaha ang saya naman pero ang sakit sakit talaga. Tila ba pinasan ko na lahat ng mabibigat na bagay na pinuno pa ng pako at kutsilyo.
Gusto kong isigaw na "Mama please huwag mo ituloy" pero naalala ko sabi niya nga pala na wala akong karapatang tawagin siya na ganun kaya nga ipinaampon niya ako e. She even want me to call her "Ate" dahil mas appropriate daw yun sa age gap namin.
Minsan nga hinihiling ko na hindi na lang sana siya nagpakilalang ina ko o kaya sana Hindi nalang siya ang ina ko.
I'm really tired now but as a professional as I am, I need to look okay,chill and cool. Iyan ang plastic na si Jin Mylene Mercado. Feeling okay, feeling cool, feeling lang.
Hinawakan ni Charles ang aking ina at humarap na sa taong magkakasal sa kanila. Tuloy ba talaga? Wala nang atrasan? Wala nang titigil? Tuloy na ba? Ipamimigay ko na ba si Charles sa aking Ina? Omy! Sana kumidlat ng malakas.
"Bago simulan ang kasal? May tumututol ba?"
Tututol ba ako? Itataas ko na ba yung kamay ko? Okay nakapagdesisyon na ako at TUTUTOL ako!
"Tututol ako!" Malakas kong sigaw mula sa kinauupuan ko kaakibat ang agarang pagtayo ko. Napatingin ang lahat sa akin at napalingon naman si Charles at ang aking ina.
"Hindi pa ba sapat ang patakwil mo sa akin bilang anak? Hindi pa ba sapat na wala kang pakialam sa akin? at hindi ka pa nakuntento,kukunin mo pa yung mahal ko!" nananatiling nakatahimik ang lahat at tanging mga mata lang nila ang humuhusga sa lahat ng pinagsasabi ko.
"Jin" rinig kong pagtawag sa akin.
"JIN!" Paulit-ulit at palakas ng palakas ang tinig nito. Lumalabo lahat ng mga tao sa paligid ko at nadarama ko ang unti-unting panghihina ng aking katawan.
Sa muling pagdilat ng aking mata ay nakita ko ang lumuluhang mata ni mama.
"Okay ka na ba Jin?" sinusuri ko ang bawat salitang inilalabas ng kaniyang mga labi. "Ano ang nararamdaman mo?, may masakit ba sayo?" hindi ko maintindihan ang pag-aalala sa boses niya sapagkat sa aking alaala ay hindi niya ako mahal. "Natuloy ba ang kasal mo?" "Naagaw mo na ba sa akin si Charles?" kumunot ang noo ng aking ina
"Anong kasal? Sinong Charles?" ang tanong na iyon ay nagpatindi sa sakit ng ulo na aking nararamdaman kasabay ang pagtawag ni mama ng "DOC! GISING NA ANG ANAK KO! DOC! GISING NA SI JIN"

False InstinctTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon