Tahimik kong pinagmamasdan ang bawat pagpatak ng ulan at pilit inunawa ang mga salitang iwinika ni Charles "Ang nasa alaala mo ay nasa panaginip ko"
Ibig bang sabihin ay kung ano ang nasa panaginip ko ay nasa panaginip din niya? Weird.
"JIN! IKAW BATA KA, ANONG NASA ISIP MO AT TUMAKBO KA, AYAN TULOY NABASA KA PA NG ULAN! HALIKA NA AT BUMALIK NA TAYO SA HOSPITAL" galit na sinabi ni mama at hinila ako patungo sa sasakyan.
Habang umaandar ang sasakyan ay hindi pa rin mapahinga ang isip ko kaiisip sa kung ano ang nangyayari. "Ma, bakit ba ako nasa hospital?"
"Na Coma ka anak sa loob ng halos limang taon" sabi ni mama. "Ano ang nangyari sa akin ma? Bakit ako na comatose?" masusi kong tanong.
Galit at poot ang nakita ko sa mukha ni mama ngunit mababakas ang awa sa kaniya noong tumingin siya sa akin. Unti-unti kong nakita ang mga bakas ng luha na lumandas sa kaniyang mukha na tila ba lubos itong nasasaktan sa tuwing tinitignan ako.
"Natagpuan kang walang malay anak sa isang abandonadong lugar, may dugo at sugat sa bandang ulo" humagugol si mama habang sinasabi sa akin kung ano ang dahilan ng pagiging walang malay ko sa loob ng halos limang taon. "Noong makita ka anak ay wala kang saplot at tila ba wala ng buhay. Ngunit, salamat sa panginoon dahil naisalba ka ngunit na coma ka anak" muling umiyak si mama at hindi ko na din mapigilan ang aking sariling maawa sa kung ano ang dinanas ko. "Ayon sa imbestiga anak ay ginahasa ka ngunit hanggang ngayon ay hindi pa rin matukoy kung sino ang may sala" hinang-hina akong nakikinig kay mama at pakiramdam ko'y mawawalan ako ng malay sumandaling panahon na lang. "Anak habang comatose ka ay nagdalang tao ka. Hindi madali na mabuhay ang bata sa sinapupunan mo anak dahil puro swero at gamot ang tinatanggap ng katawan mo at tanging puso mo lamang ang bumubuhay rito." "Sa loob ng halos siyam na buwan ay inoperahan ka para mailabas ang baby. Mahina ang puso niya at salamat muli sa panginoon dahil hindi pa rin tumitigil ang pagtibok ng puso mo" umiyak si mama habang nakikita ang sakit na aking nararamdaman. Hindi ako makapaniwala kung ano ang sinapit ko nang hindi ko namamalayan. "Ilan taon na ako mama?" kahit halos hindi ko na makaya ay nagawa ko pa ring magtanong sa kanya "Ikaw ay mag 19 na anak at 15 ka noong nagsilang ng bata" gulat akong napatayo ng biglang tumigil ang sasakyan. Sa sobrang gulo ng nasa isipan ko ay padabog akong pumasok muli sa hospital at pilit iniintindi ang mga nangyayari. Ibig bang sabihin ay ako ang Ina sa panaginip ko dahil ngayon palang ay hindi ko na matanggap ang nangyari sa akin "Ma, Hindi pwedeng magkaroon ako ng anak! HINDI AKO NANINIWALA. Bata pa ako ma!" hanggang sa unti-unti ko nang naramdaman ang pagkakawalan ng malay.
BINABASA MO ANG
False Instinct
Teen FictionIsang masugid na tagahanga si Jin Mylene Mercado ng isa sa mga alagad ng batas. Umaasa siya na kahit matagal nang hindi siya pinapansin ay may pagkakataon ang tadhana para sa kanila. Ngunit, matutupad pa rin ba ito kung may mahal na ang mahal niya...