THIS IS A STORY ABOUT LOVE,,, BUT NOT A LOVE STORY
Imagine... nanunuod ka ng TV na sobrang luma ng palabas. Black and white. Boring. Dull. Grey. Para sakin, ganyan ang buhay ng isang tao. Walang kulay. Magkakaroon lang ng kulay kapag may dumating na espesyal na tao o may mangyari na magandang bagay. Ganyan ang buhay ko. Simple. Mahirap man kami, masaya naman. Normal na bata lang ako. Valedictorian nung Kinder. Pag wala ang teacher, ako ang pinagtuturo sa klase. Nahihiya ako nung una dahil baka kung anong isipin ng mga classmates ko. lalo akong nailang dahil kaklase ko yung pinsan ko, Bestfriends kami.Pero hindi talaga maiwasan na hindi kami maikumpara sa isa't isa. At hindi ko gusto yon. Pero dahil mga bata lang kami, wala kaming pakialam sa kung anu-anong sinasabi ng ibang tao. Normal lang. Magkabati minsan, minsan magkagalit. Nagtatapumhan, minsan nagsasabunutan.Normal na bata lang kami.Yung pagtapos magsabunutan, magpaparamihan ng nakuhang buhok. Kung sino ang mas maraming nakuha, sya ang may karapatang ngumiti at magyabang. *evil laugh*(3x) ... Out of nowhere, bigla nalang magbabati. Walang sorry-han. Back to normal.Pag may umaaway sa kanya, pinagtatanggol ko sya. Pag may umaaway sakin, pinagtatanggol ko sarili ko. Dahil kay Che-che, feeling super hero ako.
Speaking of super hero, hindi ko makakalimutan ang Power Rangers lalo na si Yellow 4! Minsan, naglalaro ako sa sofa na kawayan. Matigas. Matibay. Nakatungtong ako sa handrest ng sofa sabay tatalon sa sahig habang naka angat ang isang kamay, closed fist. Super hero ang peg na parang lilipad. May mga nagbi bingo sa labas kasama na ang ate ko (Cindy).
"Red1! (talon)... Green 2! (talon)... Blue 3! (talon)... Yellow 4! (talon)"
Ouch!!! Hindi na ko umabot kay Pink 5... dahil nauntog yung bagay na pinakaiingatan ko sa handrest. Walang biro, sooobrang sakit! Mangiyak- ngiyak ako. Nakakapanghina. "aatee", lumapit si ate, itinayo ako. Pumunta kami ng ospital (St. Martin). May nag-interview sakin, babae. Initiation lang pala. "buti na lang babae", sa isip-isip ko. Lumabas na yung babae, hindi pala sya yung doktor, nurse pala yun. Pumasok yung lalake. "ate, ayoko pag lalake, dito ka lang, samahan mo ko dito". umismid si ate, umirap pa. "Oo, dito lang ako. Doktor naman yan e, okay lang yan".
Pinaghubad ako ni dok ng pang-ibaba. Pati pato't panabla, nakakahiya. Pagtapos nyang silip- silipin ang kung anu mang dapat silipin, pindut-pindutin ang mga dapat pindutin. Kung masakit ba dito o masakit ba don. At pagtapos kong mailang ng mga ilang beses din... "Okay naman, wala namang problema.Mag-ingat ka na sa susunod. Wag na masyadong malikot". Natapos na din sa wakas! Umuwi na kami ng pipilay-pilay ako. Pero dahil bata ako at curious, hindi ako nadala. Naglalaro pa rin ako. Hindi naman kasi maiwasan, bata nga diba? Nakaka inggit naman kasi, lahat ng pinsan ko naglalaro, tapos ako, iwan? (oh, hell no!) Kung saan-saan kami nakakarating na magpipinsan. Sa malapit, sa medyo malapit, sa malayo at sa malayong malayo. nakakarating din kami sa mga lugar na madaming batang nakikidnap noon (Addition Hills).
Minsan magkasama kami ni Che-che na naglalaboy. Nakakita kami ng batang isinakay sa puting van. Kinabukasan, ipinakita sa TV yung bata na yun, Kidnap for ransome. Naibalik naman yung bata, kasabwat pala yung yaya. OO, natakot kami, pero naisip ko, ang nakikidnap lang , yung mga may yaya.haha. So hindi kami nadala. Pumupunta pa din kami sa "Lihim na Hardin" namin, Yup! May lihin na hardin kaming magpipinsan. May eksena don na hindi ko makakalimutan, o mas tama yatang sabihin na yung eksena na lang na yun ang tangi kong natatandaan.Yung hardin namin ay isang bakanteng lote na nababalutan ng halaman ang bakod at gate (kaya hindi halatang may lote). Sa loob, may swimming pool na konti lang ang tubig. 5 ft. siguro yung pool at 2 ft. siguro yung tubig. (Siguro lang dahil hindi na ko nagabala na sukatin dahil hindi ko naman expected na ikukwento ko to. Anu bang malay ko nung bata ako? At ayoko ng Math nu!) pero sigurado ako na marumi yung tubig sa pool dahil wala na ngang tao, walang naglilinis. Walang nagmementina. Sa gilid, merong balon. Kanina, nagamit ko na ang siguro at sigurado... ngayon, wala akong ideya kung bakit may balon sa gilid. Naglublob ng paa si Che-che (feeling Ariel sa Little Mermaid). eh shunga.. ikaw na maglublob ng paa habang naka bakya ka. (hindi pa uso ang happy feet, literal na bakya ang uso noon) Ayun, nalaglag, lumubog sa balon. Bakit ba kasi sa balon naglaro si Che-che? eh panu kase, may mga kabataang lalaki na naglalaro sa pool. sa tubig na madumi (eew). So much for being a "lihim na hardin"! ganun din pala ang turing nila sa lugar na yon. hmp!
![](https://img.wattpad.com/cover/24821699-288-k785686.jpg)
BINABASA MO ANG
MORE THAN FRIENDS... LESS THAN LOVERS (MTFLTL)
Short Story(modern autobiography) this is a story about love... but not a love story..... based on a real-life story. mula sa pagiging loner, naging clingy, naging obsessed, naging you and me against the world. lies. betrayal. play-pretend. expectations. disap...