Chapter 2. Highly Strung

160 2 0
                                    

Bata pa ko, ang mga gusto ko nang laro, mga pang lalaki.

-holen, tecks, trumpo, sipa

-lulusong sa sapa

-tagu-taguan sa construction site

-barilan ng pellet gun (sa katawan lang, pero sa construction site pa din)

-pating patingan sa jeep

-sasabit sa jeep, bababa habang umaandar, madadapa, aaray, masusugatan

May mga nakaka laro din naman akong mga babae. Hindi naman ako ganon ka- half normal para maging woman hater nung bata ako. at ang mga nilalaro namin ay:

-chinese garter, ten-tweynty, one-by-one, limbo rock (lahat yan ginagamitan ng garter na manipis o makapal o kaya naman mga gpmang pinag dugtong-dugtong, basta nababanat pwede na yon)

-luksong baka, luksong tinik, luksong stick (kulang na lang luksong bakod.

-bending body, pepsi/7-up, gyera patani, taguan...

-taguan bato, taguan papel, taguan holen (kung pwede nga lang itago ang pulso, baka nalaro na din namin), taguan ng nararamdaman (uuyy, naka relate!)

-BC apple, london bridge na may tag team pang finale,truth or consequence (dito mabubuko kung sino yung crush ng isat isa)

-in/out, patintero, black 1,2,3, langit/lupa (impyerno. im...im...impyerno. saksak puso, tulo ang dugo. patay, buhay, umalis ka na sa pwesto mo) ngayon ko lang napagtanto na ang morbid pala ng kantang yan. nung bata ako pag kakantahin na yan ang inaalala ko lang kung sino ang unang maaalis sa pwesto at kung sino ang matataya.. aminin mo kinanta mo.

-piko, pikong classic, pikong bulaklak, pikong chinese (lahat na yata ng piko. meron kayang pikong tsinoy? pikong british? pikong afican-american?)

-step/no (pag tumapak sa guhit 'Vilma', pag tama ang tapak mo 'NOra... kawawa naman si Sharon, hindi kasale)

-away- awayan (mauuwi sa totohanan pag nagka pikunan.. ito yung tinatawag na 'roleplay' pag mayaman, pag mahirap away-awayan lang... artista- artistahan, ganon)

-base-base-an, abot-abutan, aswang-aswangan, bahay-bahayan (ewan ko ba kung bakit walang jowa-jowaan noon. buntis-buntisan.. yung ganon.. o baka nililihim lang.haha

Syempre hindi dapat kalimutan ang rules. Sa lahat naman ng mga sports or games may mga rules e. Yun nga lang mas mahirap ang rules ng mga larong pang kalsada. At imprompto ang pag gawa ng rules. Depende sa kalaro at depende sa mood ng mga magse set ng rules. At kahit sino pwede magbigay ng rulesa basta kasali ka sa laro.

-pag hindi ka magaling maglaro, baldog ka o lampa ka, ikaw ang gagawing "ANGEL". Infinite ang buhay, laging una tumira.

-mauna sa angel, taya!

-labas ngipin, taya!

-1 to 3 lang, kapag hindi ka bumaba o tumakbo, taya!

-labas o lawit ang paa, taya!

-magtago sa bahay, taya!

-mandaya, doble taya (wow.. pano kung kung habang doble taya ka, nandaya ka ulet? taya ka na forever?)

-walang balik taya! (lahat na lang taya! huminga, taya!?)

-no double jump

-walang lalagpas sa linya (empol o outside ang tawag, kaya pag may sumigaw ng empol o outside, automatic mapapa sigaw ka ng "hindi naman e!" kahit hindi naman talaga ikaw yung tinutukoy. guilty much?)

-walang magtatago sa likod o sa harap

-walang lalagpas sa kanto

-bawal tumukod

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 22, 2019 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

MORE THAN FRIENDS... LESS THAN LOVERS (MTFLTL)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon