Chapter 3

6 1 1
                                    


"Hello? Charie paki send sa mail ko iyong proper waste disposal act. At check mo na rin ung research developments isa pang pending na kaso natin diyan." Naabutan ni Juan si Gwen na may kausap sa cellphone habang sineset-up ang netbook nito. Tulad ng ipinangako ay sinisimulan na ni Gwen ang pag-aaral sa kaso ng grupo nina Mang Malong laban sa pabrika. Mula kasi ng mag-operate ito doon ay nadudumihan ang ilog dahil sa itinatapon nitong basura. Humihina tuloy ang sustansyang nakukuha ng mga halaman kaya hindi na kasing sagana ng dati ang kanilang mga ani.

The lawyer sounded so authoritative. She talks like a boss, works like a boss. Kaya pala ganuon ito kung umasta, she just simply make things work under her control.

"Yes Charie that is all I need. No, I'll handle it myself. Basta I send mo lahat sa akin ang relative cases ok?" napansin na siya nito. "Ok, bye." She hung up the phone. At tinanong siya ni Gwen kung bakit siya naroroon.

"Pinahatid ni Nana itong tanghalian mo."

"Sige paki lagay na lang diyan sa mesa." Hindi na siya uling nilingon nito at itinuon na ang mga mata sa netbook.

"Hindi ka pa ba kakain?" tanong niya nang mailapag ang mga dala.

"Mamaya na siguro."

"Lalamig na itong sabaw at isa pa malilipasan ka ng gutom."

"Basta iwan mo na lang diyan." Medyo naiirita na si Gwen. Ayaw niyang kinukulit siya tuwing may ginagawa.

"Baka magtampo ang pagkain. Hindi mo dapat pinag-aantay."

"Fine!" tumayo na siya sa kinauupuan ng matigil na si Juan. She cannot concentrate if someone bugs her. Kumuha ng mangkok at naglagay duon ng kaunting kanin at ulam saka bumalik sa harap ng netbook niya.

"Chinese ka ba? Bakit sa mangkok ka kumakain?"

"Mas convenient ito sa akin para makapagtrabaho pa rin ako."

"Nabubusog ka ba niyan? Hindi dapat isinisingit lang ang pagkain. Masarap kayang kumain sa hapag-kainan habang nakikipag-agawan sa ulam."

"Wala akong kasama sa bahay kaya kumakain ako kung saan ko gusto at kung kailan ko gusto. Hindi tulad dito na may nakiki-alam ng pag-kain ko. " She smiled at him with sarcasm. "So if you don't mind, marami pa akong dapat gawin."

Apat na oras na mula ng iwan ni Juan Miguel si Gwen. Kung paano ang posisyon ng iwan niya ito kanina ay ganuon pa rin ito. Seryosong nakatingin sa netbook at nakikitang niyang panaka-nakang tumitipa sa keyboard at higit sa lahat may aura na tila bang nagsasabing "wag mo akong iistorbohin".

Tinanggal ni Gwen ang kanyang reading glasses at sandaling pumikit upang ipahinga ang kanyang mga mata. Bigla siyang napamulat ng marinig ang ingay ng mga manok sa labas. Dagli siyang tumalima upang makita ang dahilan niyon.

"What are you doing?" nakita niya si Juan na may hawak-hawak na manok.

"Umalis sina Nana kaya ako ang magluluto ng hapunan natin." Hinimas-himas nito ang ulo ng manok.

"Oh my," matiim niyang tiningnan ang manok at si Juan. "don't tell me."

"Alam mo Attorney, dito sa probinsya kung gusto mong kumain ng karne ang kailangan mo lang gawin ay manghuli sa iyong bakuran. Hindi ba puti?" kinausap pa nito ang hawak na manok.

"You are a killer!" dinuro pa niya si Juan Miguel.

"Naku baka makalimutan mo ang pangalan mo kapag nakatikim ka ng native na manok." Lumapit na ito sa itak upang umpisahan ang pagkatay nito. Kaagad-agad namang tumalikod si Gwen. Pakiramdam tuloy niya ay cannibal si Juan Miguel subalit ito naman talaga ang realidad. Nag-iinarte lang siya sapagkat ang mga niluluto niyang pagkain ay hindi na duguan.

The Lawyer and Her HusbandTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon